CHAPTER TWENTY

I was walking in the sand when I bumped in with a guy. Shit! Ang gwapo niya!


"Bakit ka umalis?" Tanong niya sa'kin.


"Nandun naman 'yung friend mo e," sagot ko naman.


It was Drake who I bumped in with.


"Are you jealous?" He asked while extending his arms sa'kin kasi nga I fell sa buhanginan. Wow feeler naman 'to!


"Me? Hell no!" Sabi ko sabay abot din ng kamay ko sa kaniya upang makatayo tapos nagpagpag ng katawan kong puno ng buhangin.


"Bakit ka nga umalis?" Tanong na naman niya.


"Ang kulit!" Sabi ko sa kaniya. "Babalik na ako sa room ko, I still have things to do tapos magluluto ako ng sinigang, I'm craving."


"Do you know how to cook sinigang?" Tanong niya.


"Syempre naman, tinuruan kaya ako noon ng nanay mo," napahinto ako sa sinabi ko. Hindi ko dapat ungkatin ang past pero kusa itong lumabas sa bibig ko. Napatitig naman si Drake sa'kin, seryoso siyang nakatingin sa'kin.


"Gusto mong tikman ang luto ko?" Tanong ko sa kaniya to cut the awkwardness. Hays, mapapahamon ako sa lutoan ne'to.


"Pwede ba?" Tanong niya, this time, nakikita ko ang excitement sa mata niya.


"Oo naman hali ka," sabi ko sabay hablot nang kamay niya at nagmadaling umakyat sa room ko.


Pagdating namin dito'y umupo na si Drake sa couch na nasa tapat ng bed ko. Dumiretso naman ako sa little kitchen dito para magluto.


"Oh, diyan ka lang muna ha?" Sabi ko sa kaniya, tumango naman siya.


Habang nagluluto ako ng sinigang ay pasimple kong sinisilip si Drake sa couch, he's playing PUBG kasi I can recognise the background music of the game. Meron akong kukunin sa ref na nasa tabi ng bed ko kaya lumabas ako from the kitchen.


"Scarlight gamitin mo," sabi ko sa kaniya. Nagulat naman siya at tumingin sa'kin.


"Do you play PUBG?" Tanong niya.


"Oo naman," sabi ko sa kaniya habang nakangiti. "Gusto mo laro tayo mamaya?" Pag-aaya ko sa kanya.


"Sure!" Sagot naman niya.


Nakuha ko na ang mga dapat kong kunin at bumalik na sa kitchen. Malapit nang maluto ang sinigang ko kaya I prepared plates na for us, good thing with this hotel is para siyang mini condo 'yung studio type na mas maliit. Wala siyang division sa living room, dining room at sa bedroom, only the kitchen and the comfort room are the separated ones.


"I will prepare the plates," sabi niya sa'kin sabay tayo galing sa kinauupuan niya.


"Wag na," sabi ko naman.


"No, I insist. You better check the sinigang very well," sabi niya, wala akong magawa kundi sundin siya kaya bumalik nalang ako sa kitchen at pinabayaan siyang mag prep ng table.


Luto na ang sinigang ko, tinikman ko muna 'to baka walang lasa, ma turn off pa si Drake sa'kin. Masarap naman siya.


Wait. Why do I even care about him na matu-turn off sa'kin? Lol Gabby!


"Ayan naaaaa!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang sinigang papunta sa table. Paglapag ko ne'to ay dali-daling kumuha ng spoon si Drake at tinikman ito, this is his favorite food. Bigla siyang huminto, tapos parang may iniisip. I felt nervous kasi baka hindi masarap, well nasarapan naman ako pero iba't iba ang taste buds ng mga tao e.


"Ahhhhh! Ang sarap!" Bigla siyang sumigaw. I felt relieved naman at the same time natutuwa sa reaction niya, para siyang batang first time makatikim ng jollibee chicken joy.


We continued eating. Sarap na sarap si Drake sa luto ko.


"Pwede ka nang mag-asawa Gab," biglang sabi ni Drake in the middle of our eating session.


"Huh? Paano mo nasabi?" Tanong ko naman.


"You're a great cook," sabi naman niya. Wow!


"Thanks but madami pa akong priorities this time e," sabi ko naman sa kaniya, totoo naman talaga.


"May boyfriend ka?" Bigla akong nabilaukan sa tanong niya.


"Me? No!" Sagot ko.


"Oh, ba't ka defensive sumagot?" Pang-aasar niya. "Alam mo? Kung nasa korte tayo tapos 'yan ang sagot mo? Guilty ka na niyan."


"You're still so annoying!" Sabi ko sa kaniya.


"You're still so pikon," sagot niya naman.


"E, ikaw? Girlfriend mo ba 'yun si Elsa?" Tanong ko sa kaniya.


"Who is Elsa?" Tanong naman niya.


"Anna's sister who froze her heart," sarcastic na sagot ko. "Yung babae kanina sa resto."


"Ah, si Ellie," sabi niya. Ay Ellie pala 'yun! Natatawa ako, na memorise ko lahat ng elements sa periodic table, human bones, at lahat ng part ng human body pero 'yung babae hindi ko na matandaan ang name. Maybe because I only remember significant people, wala naman siyang kwenta e, panira ng moment.


"Whoever she is, yes 'yung babae kanina," sabi ko.


"Kaibigan ko lang 'yun," sagot niya.


"Weee?" Pang-aasar ko sa kaniya.


"She's married," sabi niya. "To my bestfriend in law school."


Okay. I'm relieved. Joke! Wala naman talaga akong pake kung anong meron sa kanila ni Elsa, I mean, Ellie.


"Uh-okay?" 'yan lang ang nasagot ko sa kaniya.


"So we're both single," sabi niya sa'kin.


"Oo nga," sagot ko naman. We're meant to be, bakit di nalang maging tayo ulit? Char!


"Alam ko na!" Biglang sabi niya. Tapos na kaming kumain kaya hinila nya ako papunta sa couch. "Where's your phone?" Tanong niya sa'kin. Kinuha ko naman 'yun sa bag ni Sofia na dinala ko sa epic-failed dinner namin kanina.


"Anong gagawin na'tin?" Tanong ko. Nagtataka talaga ako sa kaniya.


"My friend got married last month because of this website," sabi niya. Lol. So we will be using some dating app shits? Fuck. Napaka jejemon naman ni Drake.


"Hindi naman ako na orient na jejemon ka na pala," pang-aasar ko sa kaniya.


"Gusto mong maging matandang dalaga?" Tanong niya. I shaked my head naman as a sign of NO. Lol edi pakasalan mo na ako. Diba?


"E search mo sa web, Omegle," utos niya sa'kin. Wait, familiar 'to. Ito 'yong ginagamit ng mga co-interns ko sa Cebu. Sabi nila the first man that I will interact here is 'yun daw ang soulmate ko, ang baduy diba? Pero dahil utos ni Drake, edi sige go. Baka dito ko na talaga mahanap si Mr. Right ko.


Nasa magkabilang dulo kami ng couch ngayon, busy kami pareho sa pag-o-Omegle. Ayan, finding match na 'yung sa'kin. He'to na. May nag-chat na.


:M23Manila


Ano 'yung M? Ah, baka intial ng name niya.


:G23Cebu


:Ang layo mo naman


:But im  from Manila po talaga, sa Cebu lang ako nag-aaral.


:Ah, okay. Single?


:Yes po, single.


:Same!


:Ano name mo?


:Gab


:Lalaki ka?


:babae ako, ikaw ba?


:M nga diba? male


:Ay akala ko initials mo 'yan hahaha


:naku! First time ka sa omegle?


:opo


:Magka name kayo ng ex ko.


:talaga po ba? For sure pareha kaming maganda.


:Hahaha maybe?


:Maganda po ba siya?


:Super, parang fairy haha


:Wow naman, btw what's your name?


:Drake.


WTF? I looked at Drake, he looked at me too. Maybe pareha kami ng iniisip.


"Ikaw 'tong ka chat ko?" Gulat niyang tanong.


"Fuck. Patingin nga," sabi ko sabay hablot ng phone niya. Siya nga ang kachat ko. Nagtawanan kaming dalawa ng malakas. Tangina laughtrip!


"Uy, maganda ba talaga ako?" Tanong ko sa kaniya.


"Hell no!" Defend niya sa sarili niya.


"Ayieeeeeee!" Pang-aasar ko naman.


We laughed and laughed until nawalan na ako ng lakas. Tumatawa pa din kami ng tumatawa.


Sabi ng mga beks kong friends sa Cebu na kung sino daw ang una kong maka-interact sa omegle ay 'yun daw ang magiging soulmate ko kasi hindi talaga ako gumagamit nun, sa buong quarter namin ako lang hindi nag try ng website na 'to. Kaya sabi nila, kung gagamit man ako ng website na 'to, isusumpa daw na nila ang first person na makakachat ko dito. And wew, si Drake 'yun.


OMG!


Baka si Drake nga talaga ang soulmate ko!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


💚

Comment