CHAPTER SEVEN

"Ay ang cute n'yo naman."





Sabi ni Sofia, na'sa school library kami ngayon.





"At madami pang magagandang nangyari." kwento ko sa kanila.





"Omg, ano yun?" malisyosang tanong ni Sam.





"Secret." sabi ko sabay irap sa kanya. "Mag study na nga kayo ulit."





"No need na akong mag study." pagmamayabang ni Sofia habang nagdo-drawing.







"Mamatay na lahat ng matalino." sabi naman ni Sam.






"Okay lang, basta safe kayong dalawa. Mahal ko kayo e." sagot naman ni Sofia. Ang ingay-ingay ng dalawang 'to, 'kala siguro nila hindi ito Library.






We continued studying, meron kasi kaming moving exam mamaya sa Biology, lahat ng buto ng tao. Kahit di ako katalinuhan never pa akong bumagsak at nalipat sa section two 'no.






"Nasan nga ba yung boys?" tanong ni Sam.






"Sabihin mo nalang Sam na nasan si Steven." pang-asar ni Sofia. Agad naman syang sinabunutan ni Sam.






"Nagca-campus duty." sabi ko sa kanila.






"Wow, very knowing ha?" sabi ni Sam. Tanginang knowing yan, natatawa ako.






"Sana all." sabi naman ni Sofia. Inirapan ko lang silang dalawa at patuloy sa pagme-memorize ng human bones.






Hindi talaga ako makafocus. Hate ko talaga ang Saturday Class, ewan ko ba.






"Uy after this class since half-day lang tayo, let's buy some foods for our picnic tomorrow ha?" aya ni Sofia sa'min.






"Of course." sagot naman ni Sam. "How about you Gab?" tanong ni Sam sakin.







"Oh, sige." matamlay kong sagot.






"Huy, ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Sam ulit.







"Hindi ko mamemorize 'tong bones na 'to e." sagot ko naman.






"Wag mong e memorize, e familiarize mo." bulong ni Drake. Nagulat naman ako, ba't ba bigla bigla siyang sumusulpot? Grrrrr.







"Hi guys!" bati ni Sofia sa kanila.






"Hi Sam." nakangiting bati ni Steven kay Sam, ngumiti naman si Sam sa kanya. Wow, ang lalande.






"Ano ka ba Drake bakit ka nanggugulat!?" sabi ko sa kanya.







"Nagulat ka ba? Sorry not sorry." pang-asar niya.






"Ba't ba kayo nandito?" tanong ko sa kanila.





"Sa'yo ba tong library? Kay Steven to uy!" sagot sakin ni Kurt. Ang attitude naman pala nitong mga taong 'to kakainis.






"Duh." sabi ko sabay irap kay Kurt, gumanti naman siya ng irap sakin.






"Alam mo wag mong e memorize yan, e familiarize mo." sabi ulit ni Drake.






"Paulit-ulit?" tanong ko.






Nagstudy na rin ang boys, si Sam panay make-up, si Sofia naman natutulog. Maya-maya ay umalis na kami sa Library para mag take ng moving exam, wish me luck.






Natapos na din ang exam, thank God nakasagot ako sa lahat but I'm not sure if all of them are correct. Still, relieved and happy na ako.






Papunta kami ngayon sa grocery store sakay nang Car ni Sofia. Kami lang munang tatlo ni Sam kasi may gagawin pa ang boys.






"Excited na ako bukas!" gigil na sabi ni Sofia.






"Ako din." sabi ni Sam.





"Me too." sabi ko na rin, always akong second the motion sa kanila.






Natapos na din kaming mamili, ang daming pinamili ni Sam parang nanay lang na naggo-grocery for a month.






Nakauwi na ako nang makita ko si Mommy at Daddy na nakaupo sa sala, may pinag-uusapan sila kaya lumapit ako nang konti, hindi pa nila ako nakikita.







"Hon, let's adopt that child." sabi ni Mommy.






"Sarili nga nating anak di natin naaalagaan ng maayos." sagot ni Daddy, na touched ako doon ha.






"Hon, alam mo namang ang sakit pa din ng nangyari para sakin." sabi ni Mommy, so talagang dahil dun pala kaya nya ako iniignore.






"It's not Gabby's fault!" pagtatanggol sakin ni Daddy.






"Hon, baka dahil sa baby na yun bumalik ang loob ko kay Gabby." sabi ni Mommy. I didn't notice my tears were falling na pala.






"With or without that baby dapat mo nang mahalin ulit ang anak mo!" sabi na naman ni Daddy.






So hindi na pala talaga ako mahal ni Mommy, umakyat ako nang hindi bumabati sa kanila, I dont know if they saw me or not, and I don't care.







Pumasok ako sa kwarto ko at dun umiyak nang umiyak. Ang sakit-sakit sobra. Pa'no nya nagagawa sakin 'to? Meron ba syang puso?






Nag ring yung phone ko, si Drake tumatawag. Bakit ba pag umiiyak ako dito sa bahay ay palagi siyang nagpaparamdam?






"Hi miss beautiful." bati nya nang sagutin ko yung tawag.






"Oh anong atin?" tanong ko.






"Gusto ko lang sabihin sa'yo na wag ka nang malungkot." sabi niya, na shock naman ako. Bakit alam nya?






"How did you know na sad ako?" tanong ko sa kanya.






"Nafe-feel ko lang." sagot niya.






"Ang feeler mo naman." asar ko sa kanya.






"Feel ko din mahal na kita." pabulong na sabi niya. Narinig ko naman.






"What?" tanong ko.






"Wala sabi ko feel ko ang gwapo ko." sagot niya naman. Akala nya hindi ko narinig, sabihin mo nga ulit char joke.






"Oh sya, matutulog na ako ha? Ikaw din, wag ka nang malungkot. Miss mo na naman ako, magkikita din tayo bukas." sabi nya, ang feeler talaga nito.





"Okay, good night." sabi ko sabay end nung call. Antok na din kasi ako, pag kasi umiiyak ako inaantok ako haha.






Kinaumagahan, maaga akong nagising, hindi kasi ako nakapag prepare kagabi kasi nga ang drama ng life ko.





Pagkatapos kong nag-ayos ng sarili ko't mga gamit ko, agad-agad akong bumaba.






"Where are you going?" tanong ni Daddy habang nagkakape sa sala.






"We're going to have a picnic with our friends dad." sagot ko. Ang awkward talaga kausap ng parents ko, hindi ako sanay.






"May boys?" tanong niya, wow as if you care?








"Yes, meron." simpleng sagot ko naman habang nag-iintay sa food ko sa dining table.






"Boyfriend mo?" tanong na naman niya.






"No, I don't have any." sagot ko.






"Good, just focus on your study." sabi niya. Ano bang nakain nito?





Hindi na ako kumibo, kumain nalang ako. Nang matapos na ako, biglang bumaba si Mommy.





"Oh san ka pupunta?" tanong niya. Masama pa din ang loob ko, I picked up my things and kissed daddy a good bye. Hindi ko pinansin ang Mommy ko, umalis na ako ng bahay.






Nasa labas na pala sila, akala ko ang aga ko pa. Nakasakay si Drake at Steven kay Kurt tapos kami naman ni Sam kay Sofia.






Dumating na kami sa place, isa syang lakeside. Ang fresh ng air, tapos pinapalibutan sya ng green land. Nag arrange muna kami ng things sa cottage na nirent namin.






Napatitig ako sa lake, ang calm. Sana ganito din ka peaceful yung life ko.






"Matutunaw ang lawa sa'yo." sabi ni Drake, nasa likod ko na pala sya.





"Ang ganda lang kasi tignan, napaka peaceful." sabi ko sa kanya. I took a deep breath.





"Anong problema Gab?" tanong niya sakin.





"I overheard Mom and Dad's conversation kagabi. They are planning to adopt a child." kwento ko kay Drake.





"Oh, masaya yan may kapatid ka na." sabi niya sakin.






"They will be adopting a child para makalimutan ang nangyari at mabalik ang loob ni Mommy sakin." sabi ko sa kanya, bigla naman siyang natahimik.





"Tapos narinig ko pang nahihirapan si Mommy na mahalin ako ulit." dugtong ko.





"Alam mo Gab? Nalulungkot ako para sa'yo pero wala akong magawa." sabi nya sakin, tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.





"Okay lang yun." sabi ko sa kanya at ginulo ko ang buhok nya. Ngumiti naman sya, nagulat ako nang inakbayan nya ako pero hindi ko napigilan ang sarili ko, I wrapped my arms sa waist niya tapos sinandal ko ang ulo ko sa shoulders niya. It's very comforting. Tumitig lang kami sa lake.





Sana ganito nalang palagi.





Maya-maya ay tinawag na kami ng friends namin kasi kakain na daw. Agad naman kaming bumalik sa cottage at kumain.





After we eat, naglaro kami nang uno. Ang saya-saya namin sobra. After that, naligo na kami sa lake kasi pwede namang paliguan. Maya-maya tinawag ako ni Drake dala ang towel ko.




"Alam mo, wag kang masyadong malikot dyan baka mapano ka." sabi nya habang pinupunasan yung basang buhok ko. Tapos hinila nya ako pabalik sa cottage, pinakain na naman ako.





"Dapat pag sa mga ganito, hindi ka nagpapagutom." paalala nya na naman. Daddy ba kita?







Napangiti nalang ako kay Drake, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng taong nag-aalaga sakin kaya ang saya-saya ng puso ko.






"Thank you ha." sabi ko sa kanya.





"Para san?" tanong niya.





"Dahil dumating ka sa buhay ko." sabi ko naman, hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.






Ngumiti naman sya sakin. Ba't ang gwapo mo Drake?






Joke.







Habang masayang naliligo ang mga kaibigan namin, nagkwentohan naman kami ni Drake sa cottage.






"May naging girlfriend ka na ba?" tanong ko.






"Wala pa." sagot nya. Weeee?







"Gusto ko kasi yung first girlfriend ko yung sure na talaga ako na siya na pang habang buhay." dugtong niya.






"Ikaw?" tanong niya.






"Wala pa din, hindi ako nagpapaligaw." sagot ko sa kanya.






"Bakit naman?" tanong naman nya.






"I don't know what love is. Hindi yan tinuro sakin ng mga magulang ko e." sagot ko ulit.






"Alam mo, love mo na yung tao pag gustong-gusto mo syang nakikita at nakakasama araw-araw." sabi nya. Ganyan ba yan?






"Weeee?"





"Yes, yung napapasaya ka nya. Yung may konting kirot sa tiyan mo pag may ginawa siyang nakakakilig sa'yo. Tapos yung nag-iba nalang ulit ang pananaw mo sa mga bagay-bagay dahil sa kanya." sabi niya.





"Tapos yung tanggap mo lahat ng flaws and imperfections nya inside and out." dugtong niya.





"Pa'no mo nalaman?" tanong ko since sabi nya hindi pa siya nagkaka gf.






"Naramdaman ko na lahat ng yan." sabi nya.






"Kanino?" tanong ko.






"Secret, baka e myday mo pa." pang-aasar na sagot niya.






Grrrrr nakakainis, ang bitin mag kwento.





Hapon na, umuwi na kami at may pasok pa kami bukas. Same set-up sa sasakyan.






Pagdating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko.





Naisip ko yung sinabi ni Drake, yun ba talaga ang love?






Kasi kung 'yon yun, ganun kasi ang nararamdaman ko sa kanya.




Masaya ako pag nakikita ko sya, malungkot ako pag hindi. Napapasaya nya ako palagi, yung kirot ng t'yan na sinasabi nya? I felt that nung binigyan nya ako ng bulaklak.





Nag-iba din ang pananaw ko sa mga bagay, hindi naman ako ganito noon. He changed my perspective. Ang daming nagbago sakin nung dumating sya.





At higit sa lahat, tanggap ko sya, tanggap ko yung differences naming dalawa.





Mahal ko na ba si Drake?





Pero sa iba nya naramdaman yung mga sinasabi nya, nakakalungkot.





Sana sakin nalang. Sana talaga kung pagmamahal 'tong nararamdaman ko ay mahal nya din ako.



____________________________________


Mahal na kaya nila ang isa't isa? Ano sa tingin nyo?


:)

Comment