Chapter 15

Nandito parin ang mga Kuya ni Xarius na nagkwekwentuhan,naramdaman ko na nagugutom na ako kaya kinuha ko na lang ang pagkain sa lamesa at binigyan si Kyla.

"Xarius gusto mo?"tanong ko kay Xarius habang kumakain ako ng spaghetti

"Subuan mo na lang ako babe"ani nya kaya ginawa ko na lang

"Sana all may sumusubo baka sa susunod iba na ang isusubo"hirit ni Kuya Xillin

Nakita ko na nabilaukan si Kyla kaya dali dali syang binigyan ng tubig ni Kuya Ximen.

"Ayos ka lang ba Sweetheart?"tanong nya kay Kyla habang hinihimas ang likod nito.

"Ang bastos mo Kuya Xillin kita mong may kumakain"naiinis na ani ko kay Kuya Xillin natawa naman ito

"Oo nga Sydney kita nang may kumakain magsasabi ng ganon"naiinis na pagsangayon ni Kyla

Natawa naman ang magkakapatid kasama si Xarius.

"Pwede ba h'wag kang malapit sa'kin Sir Ximen"naiinis na ani ni Kyla habang kumakain

"Sweetheart h'wag ka naman maging ganyan sa soon to be husband mo"ani ni Kuya Ximen

"Excuse me lang Sir Ximen wala tayong label at hindi tayo magkaroon ng label"ani naman ni Kyla

Natawa naman ang magkakapatid maliban kay Kuya Ximen siguro sila ang magkakatuluyan enemies to lover nga ani nila

Nagsimula na naman silang magbangayan habang ako ito kumakain pa din at sinusubuan si Xarius.

"Kain na lang tayo sa labas nagugutom na rin ako"suggestion ni Kuya Xylon

"Mamaya na Kuya uubusin lang namin ito ni Kyla"ani ko sa kanya sayang naman kung hindi mauubus binigyan ko naman si Kyla ng pagkain para mabilis na maubos.

Mabilis na nilantakan namin ni Kyla ang pagkain hanggang sa makalipas ang ilang minuto natapos na din kami.

"Tayo na mga Kuya"ani ko sa kanila

"Hindi pa ba kayo busog ni Kyla?"tanong naman ni Kuya Xillin

"Sir Xillin food is life kaya ito"ani ni Kyla na tinanguhan ko naman napa tsk naman si Kuya Xillin

"Pwede mo naman kaming tawaging kuya"ani ni Xarius kay Kyla parang magkaedad lang kasi kami ni Kyla

"Sige po Si- ay Kuya pala hihi"masayang ani ni Kyla

"Kuya Ximen pwede bang pahiram ng panyo mo?"mapangasar na tanong ni Kyla kay Kuya Ximen

"Sweetheart sila lang ang tawagin mong Kuya h'wag ako"ani ni Kuya Ximen at ibinigay ang panyo

Nag thumbs up naman si Kyla at pinunasan ang kanyang labi.

"Mga Kuya pwede na tayong umalis"ani naman ni Kyla habang natawa naman si Kuya Xillin

"Sakto lunch break na ngayon"ani naman ni Kuya Xillin

"Let's go"ani ni Kuya Xylon

Lumabas na kami ng office at pumasok sa elevator.

"Sino pala ang may dalang sasakyan?" tanong ni Xarius

Nagtaas naman ng kamay si Kuya Xillin at Kuya Ximen.

"Sakin sasabay si Sydney"ani ulit ni Xarius

"Sakin naman si Kyla"ani ni Kuya Ximen

"Wala kaming choice"ani ni Kuya Xillin umiling naman kaming lahat

Nakabusangot naman si Kuya Xillin at Kuya Xylon kaya napatawa kami.

"Okay na yan Kuya,Saan ba tayo kakain?"tanong ni Xarius

"Sundan nyo na lang ako may alam akong marasap na restaurant dito"ani naman ni Kuya Xillin

Pumasok na kami ni Xarius sa kotse nagsimula nang magdrive si Kuya Xillin kaya nagsimula na ding magdrive si Xarius.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami sa isang restaurant kaya pumasok na kami.

Naghanap naman kami ng table na kakasya kaming anim ng may nakita si Kuya Ximen umupo na kami.

"Waiter"tawag ni Kuya Xylon

Lumapit naman sa'min ang isang waiter na may dalang menu at binigyan kami.

"Anong gusto nyong kainin?"tanong ni Kuya Ximen

"Kahit ano basta marasap ang pagkain"sabay na ani namin ni Kyla kaya napatingin kami sa isa't isa at ngumiti

"Ang takaw nyong dalawa"ani naman ni Kuya Xillin

Napatawa naman kami sa sinabi ni Kuya Xillin kasalanan ba naming gusto naming kumain.

"Kuya Xillin hindi kami makakatanggi sa pagkain"ani ni Kyla

"Oo nga Kuya ang sarap kayang kumain"pagsangayon ko

"Tsk"asik ni Kuya Xillin

Si Kuya Xillin na lang ang pumili ng pagkain at sinabi sa waiter nang matapos na niyang sabihin umalis na agad ang waiter.

Nagkwekwentuhan muna kami makalipas ang ilang minuto dinala na sa lamesa namin ang pagkain.

"Ang sarap"natatakam na ani ko

"Kain na tayo"ani ni Kuya Xylon

Nagumpisa na kaming lantakan ang pagkain pansin ko na kaming dalawa lang ni Kyla ang malakas kumain nahiya naman kami sa mga lalaki.

"Antakaw pero hindi nataba"ani ni Kuya Ximen kaya napabaling ang tingin namin ni Kyla sa kanya at sinamaan ito ng tingin

"At least hindi lalakero"hirit ni Kyla habang patuloy pa din sa pagkain

"At least mahal kita"ani naman ni Kuya Ximen kaya napa tsk na lang si Kyla

"Ayiiieee!"kinikilig na ani ko sa kanila

"Babe h'wag kang magsalita habang nagkakain"paalala ni Xarius

Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa matapos na kami.

"Sinong magbabayad alangan naman kami ni Kyla wala kaming budget"ani ko sa kanila wala nang hiya hiya to napatawa naman sila

"Babe h'wag kang magalala ako na ang magbabayad"ani naman ni Xarius kaya nginitian ko sya

Pumunta na dito ang waiter dala ang bill at ibinigay niya kay Kuya Xamille iniabot naman ito ni Kuya kay Xarius.

Kinuha na ni Xarius ang kanyang wallet at binayaran ang bill.

"Kuya babalik pa ba kayo sa company?"tanong ni Xarius sa kanyang kapatid

"Hindi na diretso na din kami sa bahay sa inyo na muna sasabay si Kyla"ani ni Kuya Ximen na ikinatungo ni Xarius

Comment