Chapter 12

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din kami sa bookstore.

Pinark muna ni Xarius ang sasakyan ng matapos na niyang maipark ito ibinigay ko sa kanya ang cp nya at ipinahawak ko din ang cp ko bago kami pumasok sa loob.

"Tayo na Xarius"excited na ani ko

"Hindi pa nga ako ng liligaw sayo babe sinasagot mo na agad "masayang ani nya

"Ang ibig kong sabihin pumasok na tayo sa loob para makabili na ako ng mga books"naiinis na ani ko

"Hindi mo kasi inaayos ang salita mo babe akala ko girlfriend na kita"nakabusangot na ani nya

"Pano mo naman ako magiging girlfriend eh sabi mo hindi ka pa ng liligaw so pano kita sasagutin?"tanong ko sa kanya na lalong nag pabusangot sa kanya

Hinila ko na ito papasok sa loob ang bagal kasing lumakad.

"Ang ganda dito Xarius"kinikilig na ani ko ng makapasok na kami sa loob ng bookstore

"'Wag kang magalala babe pag kinasal na tayo papagawan kita ng bookshelf kung hindi pa ayos sayo bibilhan kita ng bookstore"malambing na ani nya

"Pano kung papakasalan lang kita dahil lang sa bookshelf?"tanong ko sa kanya

"Okay lang,ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ko hanggang sa mahalin mo na din ako pabalik"ani nya

Kumuha muna ako ng lalagyan ng mga libro na pipiliin ko at pagkatapos pumili na ako ng mga libro na gusto kong basahin.

"Xarius ililibre mo naman ako ng libro diba dadamihan ko na hihihi"masayang ani ko nginitian naman niya ako

Dinamihan ko na ang pagpili ng mga libro si Xarius naman ang magbabayad at puro romance lang ang kinuha ko na books.

Pinukawan ko naman ng tingin si Xarius kung anong ginawa nakangiti ito habang nagcecellphone siguro may girlfriend na sya pasabi sabi pa ng papakasalan daw nya ako pero may girlfriend na gagawin pa talaga akong kabit.

"Huy Xarius 'bat ka ngumingiti habang nagccp ka chat mo siguro ang girlfriend mo?"naiinis na tanong ko

'Bat ba ako naiinis dapat hindi ako mainis.

"Why babe are you jealous?"malambing na tanong nya

Me jealous asa pero 'bat ba ako naiinis hindi naman siguro ako nagseselos diba.

"Me? Jealous hindi kaya"ani ko sa kanya

"H'wag kang magalala babe ikaw lang ang tinitibok nitong puso ko!"ani nya sabay kindat

"Ang baduy mo!Ako ba talaga ang tinitibok nyang puso mo pero pangiti ngiti habang nagccp balak mo pa talaga akong gawing kabit"naiinis na ani ko

"Hindi kita gagawing kabit babe papakasalan kita kaya hindi ka magiging kabit"ani nya bat kinikilig ako tanong ko sa aking sarili

"Bahala ka nga jan"ani ko sabay talikod

Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng mga gusto kong libro, binilang ko muna ang mga libro na napili ko dahil 50 books lang ang minimum na ililibre sa'kin ni Xarius buti na lang at 30 books palang ang napipili ko may 20 pa kaya pumili na ako ng mga nagugustuhan ko.

Nilibot ko ang loob ng bookstore para makapaghanap pa ng mga libro hanggang sa makalipas ang kalahating oras natapos na din ako sa pagpili.

"Xarius tapos na akong pumili ng mga libro baka pwede mo ng alam mo na bayaran hihihi!"nahihiyang ani ko

Kinuha na man niya ang pinaglagyan ko ng mga napili kong libro at pumunta ito sa counter para bayaran kaya sumunod na lang ako.

Nang matapos na niyang bayaran ang mga books ko pumunta na din kami agad sa sasakyan.

Aalis na sana kami ng biglang tumunog ang cp ni Xarius kaya sinagot nya ito.

"Babe may emergency daw sa company kaya hindi muna tayo makakauwi sa bahay"ani nya

"Pupunta ba tayo sa companya mo ngayon?"tanong ko

"Oo babe"ani nya

Pinaandar na ni Xarius ang sasakyan hanggang sa makalipas ang isang oras nakarating na din kami kaya pumasok na kami.

"Good Morning boss!"ani ng mga nakakasalubong namin

"Good Morning din po sa inyo!"magalang kong bati sa kanila hindi kasi bumabati si Xarius kaya ako na lang.

Pumunta kami ni Xarius sa elevator at may pinindot ito makalipas lang ang ilang minuto biglang tumunog ang elevator at bumukas kaya lumabas na kami.

"Good Morning boss kayo na lang po ang hinihintay sa conference room"malanding ani ng babae

"Secretary Lin ihatid mo si Sydney sa office ko"seryosong ani nya sa malandi niyang secretary.

Aalis na sana kami ng bigla nyang hinawakan ang aking pulso kaya napalapit ako sa kanya nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Xarius pwede ko bang hiramin ang cellphone mo at sayo muna ang cp ko!"malambing na ani ko habang nanonood lang sa'min ang secretary nya  na alam kong masama ang tingin sa'kin

"No problem babe!"malambing na ani nya at binigay nya sakin ang cp nya

"Miss Lin samahan mo muna si Sydney sa office ko"ani nya kaya mabilis na tumango si Miss Lin

Sinundan ko naman si Miss Lin hanggang sa tumigil kami sa isang pinto at binuksan nya ito.

Uupo na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Nilalandi mo ba si Baby Rain?"galit na tanong nya sakin

"Hindi ko po nilalandi si Xarius"magalang na ani ko may pa baby Rain pa tsk

"At isa pa po sabi niya sa'kin na  papakasalan nya daw po ako"lakas na loob na ani ko sa kanya.

"Excuse me girl hindi pumapatol si Baby Rain sa mga basurang katulad mo baka parausan ka nga lang nya"ani nya sa'kin

"Baka ikaw po ang parausan tingnan mo nga po yang suot mo masyadong kinulang sa tela"ani ko sa kanya habang pinasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa

Pagkatapos kong gawin 'yun tiningnan ko ang mukha nya na namumula na sa galit at bigla na lang umalis wala naman akong ginagawang masama ginalang ko pa nga sya kahit sinabihan niya ako ng masasakit na salita ani ko sa aking isipan.

Comment