Chapter 2 - Drake Ivan



CHAPTER 2

"Ano bang nakain ng lalaking 'to?" asar kong tanong sa'king sarili nang mabasa ang messages ng teenager na lumapit sa'kin kanina.

'Akala ko ba nasabihan na niya ang kaniyang daddy na huwag nang magreply? Pero ano 'to?' nanggigigil kong bulong.

Hindi ko naman sinasadiyang nabuksan 'to dahil akala ko scammers lang tapos reply lang pala ng kapitbahay ko. Nabasa ko ngang may sinabi ang anak niyang huwag magreply dahil hindi niya dinelete ang iti-next niya sa daddy niya.

"Oh?! May sakit ang kapatid niya?" Bulalas ko at binasa ang reply ng kanilang ama at hindi pa raw ito makakauwi kaagad dahil may emergency sa trabaho. Napapalatak ako. Hindi ba siya nag-aalala para sa kaniyang anak na may sakit?

Napapikit ako ng mariin at hindi napigilan ang sariling tumayo para e-check ang mga bata dahil nag-aalala rin ako. Alam ko, hindi madali para sa kanilang dalawa ang sitwasyon nilang dalawa dahil parehong mga bata pa.

Tumawid ako ng kalsada at nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kanilang bahay ay walang pag-aatubiling kumatok ako. Hindi naman katagalan ay may nagbukas, iyong teenager kanina.

"Hi?" bati ko kaagad nang pagbuksan ako at bahagya pa itong nagulat nang makita niya ako. " Ahm, nagreply kasi ang daddy mo at hindi ko sinasadyang mabuksan." I wrinkled my nose at ngumiti sa kaniya ng alanganin.

"Hala! Pasensiya nap o ate. Sinabihan ko na si daddy kanina eh! Kaya pala hindi nagtext o tumawag man lang sa'kin." Kakamot-kamot sa ulong tugon nito.

Bahagya akong sumilip sa loob at hinahanap ang kaniyang kapatid. "Ah ito, tawagan mo nalang ang daddy mo." Sabay abot ng cellphone ko.

"Salamat po ate." Kinuha naman niya ang cellphone ng walang pag-aalinlangan. "Tuloy ka po muna ate. Ayo slang po ba kung tawagan ko si daddy?"

"Sure! No problem."

"Pasok ka po." Niluwangan niya ang pagbukas ng pintuan. Pumasok naman ako saka siya sumunod habang dina-dial ang numero ng kaniyang ama. "Upo ka muna ate habang tinatawagan kop o si daddy."

Umupo naman ako sa couch na malapit sa pintuan at iginala ang paningin. Malawak ang kanilang sala hindi katulad ng bahay ko na sinadya ko talagang huwag palawakin dahil ako lang naman mag-isa.

Pagpasok sa kanilang bahay ay sala kaagad ang masasalubong mo. May isang flat screen LG TV na nasa 42 inches habang may daalawang couch na nasa tapat ng television na kulay brown. May single sofa na magkatapat na nasa kaliwa at kanan. Sa palagay ko ang nasa likurang bahagi ng pader na pinagdikitan ng television ay Dining Area. Sa left side naman ay may isang blue carpeted stairs papuntang second floor.

Mapapahanga ka talaga sa kanilang bahay dahil nang tumingala ako ay may chandelier na tila isang ugat ng puno na nilagyan lang mga bulbs. Napapansin ko sa bahay na ito ay mahilig sa mga makalumang bagay ang nagmamay-ari.

"Ate, salamat po. Sabi ni daddy sorry daw kasi hindi niya napansin na hindi pala akin ang number na ginamit." Ngumiti lang ako bilang sagot at inilibot ang paningin.

"Nasaan pala ang kapatid mo?"

"Nasa itaas po ate, may lagnat kasi." Malungkot na sagot nito.

"May sakit? Bakit hindi dinala sa hospital? Nakainom na ba ng gamot?" Nag-aalala kong tanong at tumayo para handa ng umalis.

"Opo ate. Ayaw namin siyang dalhin sa hospital ate eh, may trauma kasi siya dahil sa nangyari kay mommy." Nang binanggit niya ang kaniyang mommy ay parang mas lumungkot ito.

"Bakit?" Tanong ko pa dahil parang may kakaiba talaga sa kanila. Sa isang linggo ko rito, hindi ko man lang nakita ang kanilang mommy.

"W-wala nap o si mommy, ate. She died two years ago because of cancer." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.

Ang babata pa nila para mawalan ng ina. Tapos ang ama nila, abala pa ito sa trabaho, kahit may sakit ang anak ay wala itong time at hinayaan na ang isa pang anak ang mag-alaga sa kapatid nito. Ako 'yong nasasaktan para sa mga bata. Hindi ko rin masisisi ang ama nila dahil palagay ko, inaabala niya ang kaniyang sarili para hindi ito tuluyang mabaliw at baka maulila pa ang kanilang mga anak.

"Sorry to hear that. Pasensiya na kung naitanong ko pa." Nakakagt-labing tanong ko. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ina dahil naranasan ko na ito.

Alam kong mas nahihirapan sila dahil ang babata pa nila kumpara sa akin.

"Ayos lang ate. Tinatanggap na namin ng unti-unti na hindi na talaga namin kasama si mommy. Mas mabuti na rin 'yon kaysa nahihirapan pa po siya." Huminga ito ng malalim at nanlaki ang mga mata na para bang may naalala. "Kanina pa tayo nag-uusap ate, hindi man lang ako nagpakilala."

Natawa ako ng mahina dahil pareho naming hindi naisip na hindi pa rin pala kami nagpakilala sa isa't isa. "Oo nga no? Hahaha! Marah Mae Cabaluna, tawagin mo nalang akong Ate Marah." Nakangiting pagpapakilala ko.

"I'm Drake po ate. Drake Ivan Cueva. Nice to meet you, po." I accepted his hand and we shook our hands while laughing softly. "And I'm fifteen years old po."

"Nice to meet you, too, Drake." Itinagilid ko ang ulo ko nang maalala kong pinangarap ko palang pangalan para sa magiging anak ko itong pangalan niya.

Natawa ako at napailing-iling.

"Bakit po ate?" Nagtataka niyang tanong at namulsa. Parang ama niya itong kumilos. Nakita ko ng isang beses ang daddy niya na nakatalikod habang nag-uusap sila, ganitong-ganito ang porma.

"Ah, wala." Natatawang sagot ko at itinuro ang itaas. "Iyong kapatid mo? Nakakain na ba?"

Tumingin ito sa itaas at lumungkot na naman ang mukha. "Hindi ate eh, ayaw niyang kumain. Tanging rebisco lang po ang kinain niya kanina para makainom ng gamot."

"Pwede ko ba siyang e-check? Nag-aalala ako eh. Saka hindi ba makakauwi ang daddy mo?"

Inakay niya ako at nauna siyang umakyat at sumunod naman ako kahit hindi pa siya umo-o na pwede kong tingnan ang kapatid niya. Mukhang nag-aalala talaga siya ng sobra sa kapatid niya at parang hindi alam ang gagawin. Hindi man lang iniwanan ng ama nila ng kahit sopas para naman makahigop ng sabaw ang kaniyang anak.

Mahirap pa naman iwanan ang mga bata sa bahay kung lalaki ang mas nakakatanda dahil kokonti lang ang may alam sa pagluluto. Karamihan, walang alam sa kusina. Ang alam lang lutuin ay instant noodles.

"Ate, ayos lang ba talaga sa'yo? Hindi ba kami nakakaabala?" Lingon nito sa'kin habang umaakyat pa rin.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang tumitingin sa paligid. Bawat madadaanan namin ay may mga family pictures. May mga solong pictures din silang magkapatid. Napatitig ako sa family picture nila at napatitig ako sa mukha ng kanilang daddy.

Ang gwapo naman pala ng ama, kaya pala ang gwapo ng anak. Saisip ko at hindi ko mapigilang hindi ito titigan, ang ganda pa ng mga mata nito.

"Ate?"

"H-ha? Ah, hindi naman. Ayos lang. Ako lang naman mag-isa sa bahay." Hindi nagpapahalatang sagot ko na medyo nautal. Bigla akong nahiya dahil nahuli pa niya akong napatitig sa kanilang family picture.

"Iyan po ang mommy namin." Nakangiting pagpapakilala niya sa mommy niya kaya napatingin ulit ako sa kanilang Family picture.

"Ang ganda ng mommy mo, Drake." Ang gwapo din ng daddy mo. Hindi ko na isinatinig ang tungkol sa kaniyang ama dahil nakakahiya at baka kung ano pa ang isipin ng batang 'to. "Kaya pala ang gwapo mo at ang ganda ng kapatid mo, eh."

"Gwapo rin naman si daddy, ate." Nakangiti niyang dugtong na tinanguan ko lang.

Hindi ko alam kung bakit parang sumikdo ang dibdib ko nang matitigan ko ang kanilang ama. Ngayon ko lang nakita ang buo niyang mukha. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay nakatalikod o minsan naman ay naka-side view kaya hindi ko masyadong nabistahan ang buo niyang mukha. Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa tuwing nakikita ko siya kapag lumalabas ako ay biglang sumisikdo ang puso ko.

Siguro, dahil takot talaga ako sa mga lalaki kapag napapalapit sa'kin o nakikita ko sa malapitan. Maliban nalang kung mas bata pa sa'kin. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit sa tuwing nakikita ko ang kanilang ama ay ganito ang nararamdaman ko.

Siguro nga, iyon ang dahilan.

Bago pa kami nagpatuloy sa aming pakay ay napalingon pa ako at tumingin ulit sa kanilang family picture. Nang matingnan ko si Drake, naipilig ko ang aking ulo. Hindi pwede itong tumatakbo sa'king isipan. Maling-mali ito.

--

"Sis? Papasok ang kuya ha?" Nakakatuwang kapatid itong si Drake, hindi siya iyong mga kuya na napapanood ko o nababasa ko sa libro na kuya na medyo salbahe sa nakababatang kapatid.

Kabaliktaran siya. Malambing sa kapatid at malaki ang paggalang. Kumatok pa ito ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan ng kwarto ng kaniyang kapatid na babae.

"Halika ate, pasok ka." Sumunod ako sa kaniya patungo sa kama ng kaniyang nakababatang kapatid.

Nasa gitna ng kwarto ang kama nito habang may malaking bintana sa kaniyang ulunan. Pastel pink ang pintura ng kaniyang kwarto at halos pink ang mga gamit, kung hindi pink, kulay peach. Babaeng-babae ang kulay. Masarap sa mata at nakakalma ang ambiance ng kaniyang kwarto.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kapatid na balot na balot ng kumot habang may towel sa kaniyang noo. Sinalat nito ang noon g kapatid saka bumuntong-hininga. "May lagnat ka pa rin. Masakit pa ba ang ulo mo?"

"O-opo kuya." Namamalat ang boses nito kaya lumapit ako at sinalat din ang noo ng kaniyang kapatid.

"Naku Drake, mukhang mataas ang lagnat ng kapatid mo. Pinainom mo ba siya ng biogesic?" Nag-aalala kong tanong at tinanggal ang towel na kokonti nalang ang basa kaya nilublob ko ito sa isang plangganita na nasa bedside table niya.

"Napainom ko na siya kanina ate eh." Nag-aalala na rin ang tono nito at halata ang pagkataranta sa kaniyang mukha.

"It's okay, relax. Ganito, may pwede bang lulutuin sa kusina niyo?" Tanong ko habang pinipiga ang towel at pinahiran ang mukha ng kapatid niya.

"Meron po."

"May pangsopas ba?"

"Opo ate."

"Good. Ihanda mo muna. Maglabas ka na rin ng chicken tapos magpakulo ka ng tubig at ibuhos mo para mas madali siyang lumambo para mamaya pagbaba ko, maluluto ko na kaagad. Bibihisan ko lang ang kapatid mo." Mahabang utos ko at sinulyapan ko ito nang hindi pa natitinag. "Drake? What's wrong?"

"A-ah, wala po ate. Sige po. Bababa muna ako." Nagmamadali itong lumabas habang ako napakunot-noo.

Binalingan ko ang kaniyang kapatid na namumungay ang mga mata at saka ko nginitian.

"Baby girl, ayos lang ba kung pupunasan ko ang katawan mo?" Tumango ito kahit halatang ang tamlay ng kaniyang mukha.

"O-opo, mommy."

--


Vote and comment po. THANK YOU!


ENJOY READING! GOD BLESS!

Comment