Chapter 1 - Text Message



CHAPTER 1

*MARAH MAE POV

"Ahm, excuse me po ate?" Napaangat ako ng tingin mula sa pag-e-scroll sa aking facebook account habang nakaupo dito sa waiting shed na nasa harapan ng aking bahay.

Nasa gitna ito ng mga nakatanim kong mga bulaklak, it's a bamboo waiting shed. I personally design it and I love the outcomes. I love swings and I want it to be a unique one, it's like waiting shed swing. May upuan sa magkabilaan pero pwedeng gawing swing habang ang bubong ay gawa rin sa bamboo.

Hindi ko napansin na may isang teenager na lumapit sa'kin at parang nahihiya itong nakangiti sa'kin. Kilala ko ang batang 'to, anak ito ng kapitbahay ko na nasa tapat lang ng aking bahay.

Tumayo ako at bumaba mula sa'king inuupuan at hinarap ang hindi inaasahang bisita.

"Yes? May kailangan ka?" Nakangiting tanong ko. Baguhan lang ako rito kaya hindi ko pa alam ang mga pangalan ng kapitbahay ko.

Isang linggo pa lang ako rito at abala ako sa pag-aayos ng mga gamit at paglilinis ng bahay kaya wala pa akong time para makipag-usap sa aking mga kapitbahay.

"Ahm, sorry for disturbing you po pero itatanong ko lang sana kung may load ka po ba?" Nahihiyang tanong nito at napapakamot sa kaniyang batok. "Kung pwede ho sana makitext? Wala po kasing load ate, importante lang po talaga. Kasi hindi rin online si daddy."

Nakangiti ko namang inabot ang cellphone ko. Hindi kasi ako nauubusan ng pantawag o pangtext. Palagi nakaregister ang simcard ko sa 1 month unlicall and unlitext.

"Heto, tawagan mo nalang ang daddy mo para sigurado."

"Hindi nap o ate, mababasa niya rin 'to, baka kasi ma-storbo ko ang meeting nila." Napatango nalang ako nang ngumiti itong tinanggap ang cellphone ko. "Salamat po."

"Walang anuman."

Iginala ko ang tingin ko sa kanilang bahay, wala itong kahala-halamang namumulaklak. Puro green lang, iyon lang mga halaman na hindi namumulaklak, parang walang babaeng nakatira sa kanilang bahay. Pero sabagay, hindi naman lahat ng babae ay gusto iyong mga bulaklak na namumulaklak. Ako kasi mas gusto ko pa rin iyong mga halamang namumulaklak, ang tanging hindi namumulaklak na halaman ko ay iyong mga succulents na talagang inorder ko pa sa Baguio dahil maraming rare.

Nakahiligan ko ang pagtatanim at pag-aalaga ng bulaklak dahil kay mama. Mama. Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ko si mama at napatingin sa bintailyong nasa harapan ko na tantiya ko nasa seventeen years old ito. Nakita ko rin ito noong nakaraang araw na nakasuot ng uniform at kasabay niya ang kaniyang nakababatang kapatid na babae na palagay ko ay High school pa.

"Ito po ate,, salamat po ulit." Inabot ko kaagad ang cellphone ko at nginitian siya. "Sinabihan ko na rin po si daddy na huwag nang magreply pos a inyo kasi naki-text lang po ako."

"Okay. Walang anuman." Napangiti kong sagot. Hindi ko mapigilang ngumiti nang ngumiti sa batang 'to, napakagaan kasi ng loob ko sa kaniya.

"Sige po ate, balik po muna ako sa loob. Salamat po ulit." Paalam nito at nginitian ko rin pabalik saka kumaway ng bahagya.

Umayos ako ng pagkakaupo at maging ang dalawang unan na nasa magkabilaan ko ay inayos ko rin. Nakasanayan kong humiga rito tuwing hapon dahil hindi naman mainit. Nakaharap sa silangan ang bahay ko kaya tuwing hapon ay hindi na mainit sa parting ito. Inaantok na rin ako at napagod ang katawan sa pag-rereplant ng mga halaman ko at pagtatanggal ng mga damong unti-unti ng yumabong.

Once a week lang ako may rest day kaya yumayabong ang mga damo tuwing sasapit ang linggo. Once a week lang din ako nakapaglinis ng bahay at makapaglaba dahil pagdating ng bahay ay pagod na pagod ako mula sa trabaho.

Ibinaba ko ang aking cellphone at napangiting pinagmasdan ang bahay na naipundar ko sa sariling sikap.

Nine years ago, nasa Dubai pa ako. Nagtatrabaho bilang isang Make-up artist sa isang Beauty Salon na nangangalang aMAEsthetic Beauty Salon na isa rin sa sikat sa Dubai. Malaki-laki ang naipon ko dahil halos celebrities o models ang nagiging customers ko. Five years din akong nandoon bago nagdesisyon na umuwi dahil gusto ko munang magpahinga at dito muna sa Pilipinas magtayo ng business o magtrabaho.

Nakapag-ipon ako kaya nakabili ako ng bahay dito sa pinangarap kong subdivision. Napaka-secured dito at hindi ka matatakot na gumala sa gabi dahil palaging may mga guards na rumuronda tuwing gabi. Hindi ka rin basta-basta makapasok kaya dito ko ginustong makabili ng bahay.

Istrikto sila sa mga bisita pero hindi sila istrikto sa gusto mong design na bahay at kung anong gawin mo basta panatilihing malinis ang paligid at sundin ang kanilang mga rules.

Hindi masyadong kalakihan ang bahay ko pero may second floor ito, kahit anong kulay ang ipipinta mo sa iyong bahay ay walang problema, hindi katulad ng ibang subdivision na dapat iisa ang design at kulay. Dito, hindi sila mamngingialam basta wala kang gagawing kabulastogan. Ang napiling kulay ko ay Pastel blue at pastel green habang sa loob ay cream at peach kaya maliwanag. Ayaw ko sa mga dark theme, hindi ako mapakali at komportable.

Mag-isa lang ako sa buhay dahil nag-asawa na ang ate ko at may sarili na rin silang bahay ng napapangasawa niya. Ang mga magulang namin ay matagal ng namayapa. Bata pa lang ako, namatay si papa dahil sa sakit at si mama naman ay namatay dahil sa aksidente. Magkasama kami ng araw na 'yon pero ako lang ang nakaligtas kaya mahirap para sa'kin ang nangyari. Nang dahil sa pagkawala ni mama, nagdesisyon akong mag-abroad para hindi ko siya palaging maaalala.

Sa tuwing may nakikita kasi akong bagay na nagpapaalala kay mama ay hindi ko mapigilang maging emosyonal. Maging si ate ay nahihirapan na rin kaya no'ng nagdesisyon akong magpakalayo ay hindi na niya ako pinigilan at nakatulong nga ang paglayo ko.

Sampong taon ng nawalay sa amin si mama at medyo tanggap ko na rin. Hindi naman ako nahirapan sa abroad dahil mababait ang mga kasama ko maging ang amo ko na isang Pinay na nakapag-asawa ng isang Palestinian at sa Dubai nanirahan at nagtayo ng negosyo.

Hindi ako mahilig maglagay ng make-up sa'king sarili pero nalaman ko na may kakayahan at talento pala ako sa pagmemake-up no'ng nakiusap ang pinsan ko na ako ang mag-aayos sa kaniya dahil may Acquaintance Party sila. Pareho kaming nagulat sa resulta kaya magmula no'n, namili ako ng mga iba't ibang klase ng make-ups at nag-umpisang magmake-up o hindi kaya ang mga pinsan kong teenager o mga kaibigan ko ang pinagdidiskitahan ko na ikinatuwa naman nila.

Dahil do'n, sa tuwing may party, ako ang kinukuha ng mga pinsan, kaibigan at kakilala ko. Kapag may nagpophoto shoot sa magdedebut o hindi kaya sa pre-nup, ako ang kinukuha maging ng mga hindi ko kilala. Lahat ng naging customers ko ay satisfied sa tuwing tapos ko silang ayusan.

Nang dahil din sa trabaho ko kaya nawala si mama. No'ng araw na 'yon ay pinilit ko siyang samahan ako dahil may magpapamake-up sa akin na ikakasal. Habang pauwi na kami, saka nangyari ang hindi inaasahang pangyayari. Sumalpok ang van na sinasakyan namin nang banggain ito ng isang bus. Nang mangyari 'yon, yakap-yakap ako ng mahigpit ni mama kaya siya ang napuruhan.

Tuliro at hindi ako makausap ng araw na 'yon pagkatapos ng nangyari. Siguro kung ako ang nanalo sa pagtatalo namin ni mama na ako ang uupo sa may pintuan banda, ako ang nawala. Siguro kung hindi ko pinilit si mama na samahan ako, baka buhay pa siya hanggang ngayon.

Sarili ko ang sinisisi ko no'ng nangyari iyon kahit hanggang ngayon, minsan sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko dahil magkasama kami ni mama no'n at ako ang umaya sa kaniya. Oo nga, nakakulong ang driver ng bus pero buhay at nakakausap pa rin ng pamilya habang kami nawalan ng ina.

Nang dahil sa nangyari, nawalan ako ng gana sa lahat. Hindi na ako makapagtrabaho kahit anong pilit na ipaintindi nina sa'kin na hindi ako ang may kasalanan sa mga nangyari. Na hindi ako ang may kasalanan kung bakit namatay si mama pero hindi ko mapigilan. Dahil pinilit ko siya.

Isang taon din akong nawalan ng gana hanggang sa nakausap ko ang kaibigan ni mama na isang pastora at ipinaintindi niya sa'kin lahat. Kinausap niya ako ng masinsinan at pinakinggan niya lahat ng hinaing ko. Umiiyak lang ako sa kaniyang harapan habang inaalala ang lahat, hindi siya nagsasalita, inaalo lang ako hanggang sa humupa at siya naman ang nagsalita. Isinapuso ko lahat ng sinabi niya at itinatak sa utak, sa lahat ng sinabi niya, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Dinasalan pa ako ni tita bago siya umalis.

Tila nabuhayan ako ng loob pagkatapos naming mag-usap, si tita lang pala ang makapagbukas ng aking isip. Natutuwa ako sa kaniya dahil kung ituring niya kami ni ate ay parang mga tunay niyang anak. Si tita nagpamulat sa akin sa lahat. Siya ang nagturo sa'kin na tumayo at magpakatatag. Huwag ko raw sayangin ang buhay ko na pinorektahan ni mama no'ng araw na 'yon.

"Your mama risked her life just to save you, so don't waste it by crying and locking yourself inside this dark room." Iyan ang mga salitang hinding-hindi ko makalimutan at dahilan kung bakit natauhan ako. Oo nga, ibinuwis ni mama ang buhay niya para protektahan ako kaya bakit ko sinasayang at unti-unting pinatay ang sarili ko?

Nagulat sina ate nang lumabas ako ng kwarto at bakas sa kanilang mukha na tuwang-tuwa sila dahil bagong paligo at nakapag-ayos na ako. Ibinalita ko sa kanila na aayusin ko ang buhay ko at ipagpatuloy ang nasimulan, lalo pa't si mama palagi ang nagpapalakas ng loob sa'kin ang nagtutulak na ituloy itong nasimulan ko. Hanggang sa nagdesisyon akong mag-abroad.

After 5 years, umuwi ako rito sa Pilipinas at nagtayo ng isang salon. Hindi naman mahirap dahil sa city kami nanirahan kaya mas maraming nangangailangan ng serbisyo ko. Katulong ko si ate sa aking munting negosyo at nakatulong din ang kaniyang asawa dahil marami itong kakilala na pumupunta sa amin para magpaayos. Hindi lang pagmemake-up dahil may pedicure, manicure at footspa pa.

Almost four years na akong nandito sa Pilipinas at lumalaki na ang salon ko na MMC BEAUTY SALON. Nag-expand na ito dahil may body scrub na rin kami at body massage. Hindi ko akalain na ang maliit na salon na itinayo ko ay triple na ang laki nito ngayon at mas dumadami na an gaming customers. Hindi rin naman ako nagkamali sa pagpili ng mga tauhan ko dahil puro magagaling.

Siguro, kung buhay lang si mama, tiyak proud na proud sa'kin 'yon. Puro kasi papuri ang natatanggap ko sa kaniya noong buhay pa siya. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko at palaging pinapayuhan sa lahat ng bagay.

Ipinahid ko ang mga luha ko , hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko nang nagbaliktanaw ako.

Huminga ako ng malalim at ngumiti habang napatitig sa kisame at ini-imagine ang mukha ni mama.

Ma, magkasama na ba kayo ni papa diyan? Masaya ba kayong dalawa? Sayang lang dahil hindi ko man lang naiparanas sa inyo ang tagumpay ko at magandang pamumuhay. Pero masaya pa rin ako 'ma dahil naayusan naman kita bago ka nawala. Sorry po kung hindi ko nagawang ayusan ka no'ng nawala ka mama, hindi ko po kasi kaya.

Pumikit ako ng mariin habang inaalala ang nakangiting mukha ni mama kaya napangiti na rin ako. Pinipilit kong alalahanin palagi ang masayang mukha ni mama dahil iyon lang ang nakakatulong sa'kin para hindi mawala sa huwisyo. Dahil kahit anong gawin ko, kahit tanggap ko ng wala na sila mama, hindi ko pa rin maiwasang maging emosyonal at mawalan ng gana buong araw.

"Mama, ayos lang kaya kapag hindi ako mag-aasawa?"

Sa edad kong ito, hindi man lang pumasok sa utak ko ang mag-aasawa. Hindi ko alam kung bakit wala akong nakikilalang lalaki na makakaramdam ako ng kapayapaan ng loob at komportable ako sa kaniya. Siguro, ito na talaga ang kapalaran ko, ang manatiling single habang buhay at aalagaan ang mga pamangkin.

Napabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakalimutan kong e-silent ito. Nayayamot kong inabot ito at tiningnan kung sino ang nagtext at pangahas na nanggulo sa pagmumuni ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang isang text message na halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa laman ng mensahe.

"Diyos ko po!" bulalas ko at napatutop sa bibig.

--


To Marah Mae..Hi bhe! Thank you for letting me use your name. Hope you'll like it!

ENJOY READING!

Comment