I'll Love You Now: CHAPTER 04

THE NIGHT PARTY

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ay rinig na rinig na namin agad ang pagtugtog ng DJ sa dj mixer. Naka-dim lights lahat ng ilaw sa paligid ng building ni Chellen. Binuksan ni Chellen ang pinto kung saan magaganap ang night party, ng pumasok na kaming apat ay agad na nailipat ang atensyon sa amin. Natanaw kami ni Shalia mula sa kaniyang table, ang nakakatandang kapatid ni Chellen. Colorful dim-lights, na kulay purple, orange, or green.

That's ranging from neon to softer mood lightning. Napansin ko rin ang disco ball sa kisame na nagbibigay ng kulay sa stage. Guests na sumasabay sa kung anumang tugtugin ng DJ sa dance floor. And every guests look so stunning with their looks and outfits tonight.

"Chellen, you are finally here" si Shalia na umalis pala sa kaniyang table.

"Yeah, I am. Pasensya na medyo ako nalate ng dating. I didn't expect you to be here, akala ko ba busy ka ngayon?" Ani Chellen ng lumapit sa amin si Shalia.

"Welp, I am busy! But, I can handle all my busy works. How about you?" Ani Shalia sa kapatid niya.

 "I can handle it naman... Let's not talk about anything related to work tonight, mamaya na" sagot naman ni Chellen sa ate niya.

Habang nag-uusap silang dalawang magkapatid ay lumingon-lingon nalang ako sa paligid na nagbabasakaling may makita akong pamilyar na mukha. Pupunta daw sila kuya dito 'tsaka si Prex, bat parang wala sila? Hindi pa ba sila nakarating o may pinuntahan lang saglit? Napatigil ako ng paglingon nang may nakita akong isang grupo ng mga matatangkad na lalake, parang may pinag-uusapan silang mag-kakaibigan.

Pero bat parang may kinakausap pa silang Isa na 'di ko makita? Nangunot ang noo ko ng mas humarang sa harapan ko ang isang matangkad na lalake na nakasuot ng dilaw na t-shirt. Ang likod niya lang ang nakikita ko ngayon. Iiwas na sana ako ng tingin ng biglang nagsimulang maglakad ang matangkad na lalaking nakasuot ng dilaw na t-shirt para umalis. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta, nakita kong lumapit siya sa grupo ng mga babae at kinausap sila. Habang nakatitig sa matangkad na lalaking 'yon may nararamdaman akong nakatitig din sakin galing sa grupo ng matangkad na lalake kanina.

Nilingon ko sila para tingnan kung may nakatitig ba sakin galing sa kanila, napahagikhik ako nang kaunti ng makita ang lalakeng 'di ko matanaw kanina dahil sa matangkad na lalaking nakasuot ng dilaw na t-shirt. I'm able to see his face and his outfit dahil sa maliit na liwanag ng dim lights na katabi lang nila. I thought he won't be changing his clothes? Nagpalit siya ng damit. He is wearing black trousers. I think gray or black ang suot niyang casual shirt or not? He is wearing a black bomber jacket kaya 'di ko masyado mahulaan kung anong kulay ng shirt niya...

I guess may sinabing nakakatawa ang kaibigan niyang nagsasalita ngayon dahil tumawa siya pati narin ang mga iba pa niyang kabarkada, halos marinig na ng buong guest dito sa night party ang tawanan nilang magkakaibigan. I'm staring at them especially him habang nag-uusap ang mga kasama ko. We're still here standing in front of the entrance door. While staring at them I realized that matatangkad ang mga kasama niya except for him. Siya lang ang may maliit na height kumpara sa kanilang lahat kaya pala 'di ko siya matanaw nung nakaharang ang kaibigan niyang umalis kanina.

I giggled a little bit to not attract any attention sa mga kasama ko ngayon while looking at him. Considering na mas matangkad ako sa kanya ng kaunti, he looks mature to look at. Napalingon ako kay Shalia ng binanggit niya ang pangalan ko.

"Oh! Nandito din pala ang ating birthday girl! I didn't notice you there, sorry. Akala ko hindi ka makakapunta" Ani Shalia ng napansin akong nakatayo sa gilid ni Chellen.

They're talking about something kaya medyo na busy sila ng kaunti kaya 'di ako napansin and that's fine with me. I smiled at her at sinagot na rin ang tanong niya.

"Yeah, parang for the first time ko lang makapunta sa mga night party na ganito" I answered and laughed.

"Yeah, right? You don't always attend night parties since you and Lierro doesn't like going on parties, right? Kaya akala ko this time you're not coming again" umiling pa siya, her voice is very cheerful tonight ano kaya nangyari? Ngumisi nalang ako at nakinig ulit sa pinag-uusapan nilang magkapatid.

Tumingin ulit ako sa grupo ng mga lalake, I looked at him when I saw him catching a glimpse of me. I think napansin niya ako kaya kumaway ako sa kanya, pero hindi niya pinansin ang pagkaway ko dahil umiwas siya agad ng tingin sakin. I feel bad for myself, he is not like that though. What happened? That was mean, Prex.

Really mean. Hindi niya yata ako napansin ng tiningnan ko siya pabalik at hindi rin naman siguro ako ang tiningnan niya kanina. Pinabayaan ko nalang iyon at sinundan sina Chellen ng naglakad sila papalapit sa table ni Shalia kanina. I was surprised when I saw Irene, ang nakakatandang kapatid ni Eilleen. In fact she is older than us na mag-pipinsan, sa mga babae nga lang.

She already had a son and a husband kaya ang akala ko hindi siya makakapunta ngayon. Shalia, Yasmin, and her three of them are much closer together than us. Kaya hindi namin nakakasama ang isa't Isa lagi.

"Bakit ang tagal mong bumalik, Shal?" Tanong niya kay Shalia habang umiinom ng beer.

"We had a little short talk there, Irene. Kaya medyo kami natagalan" Ani Shal kay Irene ng nakaupo na kaming apat.

Shal, Chellen, Eileen and me. Hindi sumama saamin si Anna dahil pinuntahan niya si Prex.  Napunta ang atensyon ko kay Eilleen ng nagsalita siya.

"Just as I thought makakapunta ka nga" aniya.

Huh? Does that mean lagi siyang presents sa mga night parties na nagaganap every year? Binabantayan yata ng asawa niya ang anak nilang dalawa.

"Eil, it's great na nandito ka. We have something to talk about later" Ani Irene kay Eilleen.

"Yeah" maikling sagot ni Eilleen kay Irene sabay uminom ng alak.

Ano kaya ang pag-uusapan nilang dalawa?

"Tungkol saan ba 'yon?" Ani Eilleen ng nakadalawang baso na siya ng alak.

"Oh? Just about business and family stuff, y'know?" Si Irene at nilagok ang isang baso ng beer.

Ugh! Paano nila nagagawa 'yon? I can't do that, I have low tolerance in drinking kaya 'di ako pwede sa kahit anong klase ng alak o beer. Kaya 'di ako pumupunta ng mga parties eh. Nang nagtanong ulit si Eilleen may na-realized ako.

"Just the same?... Speaking of family stuff how is your family in Mindanao?" Ani Eilleen.

I realized na hindi pala nakatira sina Irene sa Manila, they live in Mindanao while Eilleen and her parents live in Manila katulad lang namin. Kailan sila umalis ng Mindanao? Does that mean nandito buong pamilya niya? Hindi ko alam 'yon, bigla-bigla kase silang dumating at umattend sa birthday party ko kaya doon ko lang nalaman na dumating sila dito sa Manila.

"Ayos lang naman ang buhay namin doon sa Mindanao... How about you?" Ani Irene.

"We will talk about it later. Mom and Dad are doing fine, I guess that is the most important information, right? To know first about their health conditions" sagot naman ni Eilleen.

"That's good to know" ngumiti si Irene bago uminom ulit ng beer.

"Yours too" maikling sagot ulit ni Eilleen sa ate niya.

Lumingon ako kay Irene at uminom ng cocktail, ako lang ang umiinom ng cocktail sa aming lima dahil ayaw ko ng alak o beer. Inilipat ni Irene ang tingin niya sakin ng pagkatapos niyang kausapin ang kapatid niya. What? There's nothing wrong about drinking cocktail instead of beer and wine, right?

"How are you birthday girl?" nakangisi akong nilingon ni Irene at nilagyan ng laman ang baso niya ng beer.

She asked me as if I'm a little girl. I sighed deeply before answering her.

"Just doing fine and all, busy rin minsan," I said.

"You're doing fine with your financial problem?" Aniya.

"Yeah, kind of Mom and Dad are helping me sometimes" ngumiti ako.

"Maybe we could have a sleepover na mag-pipinsan? Are you and Lierro living together now at your new house?" uminom ulit ng isang basong beer si Irene.

My cousins know about this, I guess hindi niya alam, considering being busy as the CEO of their company and as a mother and wife too. Hindi importante ang mga walang bagay na impormasyon.

"We're not living together yet," I said with a genuine smile on my face because maybe we will live together then.

I smiled at her. A genuine smile actually, but the way Irene stares at me gives me chills.

______

Mga hit songs na tumotugtog sa dance floor and people dancing to any songs that the dj plays for them. Guests talking to each other at nakaupo sa mga tables nila while drinking beer, wine, champagne, cocktails, and different kinds of drinks na iniinom.

"Isa pa ngang bote ng beer!" Order ni Irene sa waiter pagkatapos niyang ubusin ang beer na inorder ni Shalia.

"Eto na po ang bote ng beer niyo, ma'am" saad ng waiter at inilapag ang bote ng beer sa table. 

"Don't drink too much beer, ate.... Drinking isn't healthy for old people" Ani Eilleen na dumating galing sa Cr, umupo siya at tumabi sakin.

Naghalukipkip si Irene habang nakatingin sa kapatid niyang kakaupo pa lamang.

"Hey! That's a bit rude I'm still in my 20s, you know that" aniya.

"You're turning 30 after two years, ate" Ani Eilleen.

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Irene sa harapan ko.

"What! Hey! You're talking as if you're not turning 30 soon!" Ani Irene at itinuro pa si Eilleen na katabi ko lang.

Nilingon ko si Eilleen nang naglagay siya ng alak sa baso niya.

"Well, at least I'm not getting old early" aniya sa kalmadong boses.

Magsasalita na sana ulit si Irene ng biglang nagsalita si Shalia na katabi lang niya.

"That's enough, girls... Ayan na naman kayo sa edad na 'yan... You youngsters shouldn't act as if you're not turning in your 30s soon... When you hit our age you will feel more wanting to have some fun even though it's just a bit of time. Irene is already married kaya hindi niyo alam kung ano ang feeling" Aniya at uminom ng alak.

"Hindi ka naman 30 years old, ate" Ani Chellen na katabi lang din ni Shalia.

Nagbuntong hininga si Shalia bago niya sagutin si Chellen.

"Hindi nga pero pakiramdam ko parang 30 years old na ako! Laging trabaho ang inatupag eh!" Aniya.

"Tama! Kaya let's enjoy this to the fullest!" Ani Chellen at uminom ng beer.

Lahat sila nag-cheer at uminom ng beer at alak. Hawak-hawak ko ngayon ang baso ko na may lamang cocktail na hindi ko pa iniinom. Napainom ako bigla ng napansin ako ni Shal.

"Ayaw mong uminom ng alak at beer?" Aniya.

"Hindi, kakainom ko nga lang eh" sabi ko at ibinaba ang baso pagkatapos kong uminom.

 Kumain na rin ako ng biscuits.

"That's a cocktail" ani Shal.

"May low tolerance si Claudette kaya hindi siya umiinom... Iyon din ang reason kung bakit hindi siya pinapapunta ni Lierro sa mga parties... Low tolerance din ba si Lierro?" Ani Eilleen.

Umiling ako.

"Hindi, sadyang hindi lang talaga siya mahilig uminom" sabi ko.

"Siguro maliit din ang tolerance niya sa mga alcohol. Hindi ko nga siya nakitang uminom ng alak pag pumupunta siya sa mga events natin eh..." Ani naman ni Chellen.

"Natatandaan ko pa nung kaka-eighteen pa lang ni Claudette? Iyong nag-aya si Irene na lumabas? Iyong pumunta tayong anim sa lifestyle district, Eilleen?" Dagdag pa niya at nilingon si Eilleen.

Noong kaka-eighteen ko pa lang? I remember na nag-aya si Irene na pumunta sa lifestyle district sa Cagayan De Oro noong bumisita kami don at doon na rin ginawa ang pag-debut ko.

"Ah! Oo. Natatandaan ko 'yon! Iyon yung first time na makita ko ang mukha niya sa seryosong ekspresyon... I mean lagi siyang seryoso pero iba talaga noong gabing iyon" Ani Eilleen sa natatawang boses.

"Bakit? Ano bang nangyari nung gabing 'yon? May ginawa ba siya?" biglaang at nagaalalang tanong ko kay Eilleen.

"Hindi siya ang may ginawa, Claudette. Ikaw, Ikaw ang may ginawa nung gabing 'yon" Ani Irene at itinuro pa ang mukha ko habang umiinom ng beer.

"Huwag mong sabihing hindi mo natatandaan kung anong nangyari nung gabing 'yon?" Si Shal.

I remember uminom ako noon dahil pwede ko ng gawin ang mga bagay na 'yon, ang mga bagay na pwedeng gawin ng mga pinsan ko. Madami siguro ang nainom ko nung gabing iyon dahil 'di ko na matandaan ang sumunod na pangyayari, pero nung gumising ako kinabukasan nasa kwarto na ako ni Lierro. Sigurado naman akong hindi ako ginalaw ni Lierro nung gabing iyon. May ginawa ba ako? Umiling ako sa tanong ni Shal.

"Ako na ang magkukuwento sayo pero gawin nating short story! Madami ang nainom mo nung gabing iyon. We were talking about something that night maybe about business? Hindi ka kasali since kaka-eighteen mo pa lang. Hindi ka namin napansin hanggang sa may narinig kaming ingayan sa bar. Lumapit kami dahil may nagsusuntokang dalawang lalake daw. Nakita namin ang lalaking kaibigan ni Lierro na hawak-hawak ka habang si Lierro nakikipagaway sa random dude sa bar. Nagulat kami dahil hindi natin kasama ang mga boys that night kaya naisipan naming lumapit at pigilan silang dalawa. And that was the first time na nakita ko ang nakakatakot niyang mukha" paliwanag sakin ni Chellen.

"Tinanong namin yung kaibigan niyang lalake kung anong nangyari, hindi na namin tinanong si Lierro dahil duguan ang mukha niya. Ang sabi niya nakita nilang dalawa na may umaaligi sayong mga lalake, nakita nilang pinipilit ka nilang sumama kaya agad-agad namang sumugod si Lierro at nagsimula na ang away don sa bar!" dagdag ni Eilleen.

So, 'yon ang nangyari? Hindi ko matandaan 'yon. Ano ba ang ginawa ko pagkatapos non?

"'di ko matandaan" sabi ko sa maliit na boses pero kahit sa maliit na boses at narinig iyon ni Irene.

"Hindi mo matandaan dahil wasted ka buong gabi nung nangyari 'yon kaya huwag ka ng magtaka" si Irene.

"Doon na kami nakapagdesisyon na huwag kang painomin ng alcohol nang nalaman naming low tolerance ka sa mga alcohol" Ani Shal na katabi si Irene.

Uminom nalang ako ng cocktail nang nagtawanan silang apat sa sinabi ni Irene.

"Pero, pwede kang uminom kung gusto mo. Sisiguradohin naming hindi 'yon mangyayari ulit sayo! Hindi namin gustong makita ulit ang ganung mukha ni Lierro!" Biro ni Irene at sabay uminom ng beer.

______

Natahimik kami ng biglang binanggit ni Irene si Kianna sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

 "Hey, where's Kianna? Bakit 'di niyo siya kasama ngayong gabi?" Aniya.

"Oh, ang sabi niya pupunta daw siya dito" si Eilleen na tiningnan ang phone niya kung may message ba siya.

"Baka hindi siya makapunta dito, kanina sa birthday ni Claudette hindi siya nakapunta" Ani Chellen at nilagok ang alak na iniinom.

"Talaga?" si Shal at nilingon ako.

Tumango nalang ako at ininom ang cocktail ko.

"Sumagot ba siya sa tawag mo kanina?" Ani Chellen at nilingon si Eilleen.

"Hindi" maikling sagot ni Eilleen.

"Subukan mong tawagan siya ulit baka sumagot na siya this time" Si Shalia.

"I already sent her a message, hihintayin ko nalang na makita niya 'yon" Ani Eilleen sa sinabi ni Shal.

Pupunta siya? She's already late. Hindi siya nakapunta sa birthday party ko, ngayon sa night party ni Chellen? This is not like her at all.

"May pinuntahan daw siya saglit pagkatapos nilang magusap ng pamilya niya sabi ni Prex" Ani Eilleen.

"Wow, grabeng saglit naman 'yan" sarkastikong sinabi ni Chellen.

"Hmmm...... Shal, pupunta ba dito sina Hugo?" Si Irene kay Shal.

"Yeah, kakatext ko lang sa assistant niya. Parating na daw sila dito, pati na rin sina Kenneth" ibinaba ni Shal ang phone niya sa lamesa.

Kaya pala 'di ko mahanap sina kuya dahil hindi pa pala sila dumating. Lumingon sakin si Irene at ngumiti.

"Baka sasama siya sa mga kuya niya" aniya.

"Then we will discuss the company problem pag dumating na si Kenneth, right?" dagdag pa ni Irene at nilingon si Shal.

Tumango lang si Shal bilang oo. Mga ilang minuto kaming nag-uusap tungkol sa kung ano ng nangyari sa buhay namin at nagtatawan sa bawat biro at kakahiyang nangyari samin. Tiningnan ni Shalia ang phone niya ng tumunog ito. Pinanood ko ang ekspresyon ng mukha niya nang nakita niya ang nakuha niyang mensahe. She smirked bago inangat ang tingin niya samin.

"They must be here already" aniya at tumingin sa pinto nang narinig niyang tumunog ang pinto ng bar ganun din si Chellen.

Tumayo si Irene nang nakita niya kung sino ang mga 'to. Lumingon ako sa likod para tingnan kung sino ang bagong pumasok habang si Eilleen naman ay abala sa cellphone niya. Nakita kong nanlaki ang mga mata ng mga babae sa bar nang pumasok ang mga lalake sa pinto. Nagtaas ako ng kilay nang biglang tumigil ang music sa bar, nilingon ko ang dj. And guess what? Babae rin ang pala ang dj na nakaassign ngayon.

Comment