I'll Love You Now: CHAPTER 03

A MEMORIES BETWEEN THE TWO OF US

Nakipag-kamustahan ako sa mga pinsan ko sa mother side, at pati na rin sa mga college friends ko Kada-table ay pinuntahan ko para kamustahin silang lahat at makipag kwentuhan kasama si mom. Pagkatapos non, ay bumalik si mom sa table nila kasama si Dad na kinakausap si kuya Kenneth. Ako naman ay bumalik sa table nila Chellen.Bigla silang nag-sitahimikan nang nakalapit ako. Nagtaka ako kung bakit kaya nagtanong ako.

"Bakit bigla kayong nag-sitahimikan? Anong mayron?" Tanong ko at umupo sa kinauupuan ko kanina.

"Wala!" ani Chellen.

"Talaga? Parang mayron e" giit ko.

"Wala talaga!" ulit niya.

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tanungin sila ulit dahil alam kong hindi lang nila 'yon sasabihin sa akin. Habang nagtatawanan kaming mag-kakaibigan at mag-pipinsan ay biglang nag-salita ang MC sa stage at tinawag ang aming mga atensyon. Tinawag niya si mom para umakyat ng stage, para sa maikling pasalamat sa mga bisita. Lumingon naman ako sa table nina mom at dad, nakita kong tumayo siya at umakyat sa stage. Nagsipalakpakan ang lahat ng bisita.

Nang naka-akyat na si mom ay ibinigay naman ng MC ang mic sa kanya.

"Uhhh... Maraming-maraming salamat sa pag-punta niyo dito sa birthday ni Claudette. Salamat sa mga kapatid kong pumunta kahit na nakatira kayo sa malayo. Salamat sa mga taong naghanda ng pagkain at pati na rin sa mga nag-design dito sa function hall. Especially kay Chellen ang pamangkin ko! Na tinulungan akong maghanda sa birthday ni Claudette. Hindi ko na po papatagalin ah ano. Ah sana-sana ay ma-enjoy at na-enjoy kayo ngayon. Ma-enjoy ang food at mga inihanda pang palabas! Pati na rin ang Inihanda ng ating mga dancers!
God Bless Us All! Thank you!" saad ni mom sa speech niya.

Nagsipalakpakan ang mga bisita at pumalakpak naman ako. Natawa ako ng kaunti ng sabihin iyon ni mom. Agad namang bumaba si mom sa stage at umupo sa table nila habang pinalitan naman siya ng MC sa stage at nag-salita.

"Yees! God. Bless. Us. All. Thank you very much Mrs. Rosario Yang... It's already 2:28 PM. Ngayon, nabati na ng ating birthday girl ang ating mga bisita! Nakakain na tayo ng lunch! Now, it's for our dancers' na ipakita ang kanilang performance! They prepared this for all of you!... Magsisimula ang performance nila mamaya... Please be ready our dear dancers" anunsyo ng MC sa stage.

Ano 'to? Parang school performance lang ah? Ang tanging aking naisip. Nagsipalakpakan ulit ang mga bisita at bumaba na ang MC sa stage. Pagkatapos ng ilang minuto habang nagtatawanan kami ay dumating si coach Relly. Ang coach ni Kianna sa pagsasayaw, Inimbita sila nina mom dahil gusto ni mom na may mag-perform sa birthday ko.

"Pasensya na sa abala mga ma'am and sir. Pero pwede ko bang makausap kayo ng saglit?" pakiusap ni coach.

"Sige po, ano po ba 'yon?" Ani Eilleen na ibinaba ang kanyang cellphone.

Tumayo si Prex at inalok ang kanyang upuan kay coach Relly.

"Salamat, ijo" Ani Coach at umupo.

"Ano po ba 'yon couch?" Tanong ni Chellen habang lumingon naman ako para tingnan si coach.

"Sino sa inyo na laging kasama si Kianna tuwing nagp-practice siya?" Tanong niya.

"Kami pong tatlo" Ani Chellen habang tinuturo kaming tatlo ni Eilleen.

"Ah, madalas kasali si Anna" dagdag pa niya at tinuro si Anna.

"Opo, lagi po kaming suma-sama sa mga practice niya. Kapag may free time kami" sabi ko naman kay coach.

"May text o tawag ba kayong nakuha galing kay Kianna?" Ani coach.

"Wala po eh, kanina ko pa po siya tinatawagan at tini-text pero hindi siya sumasagot" Ani Eilleen.

"Ganito kasi 'yon, kanina pa namin siya tinitext at tinatawagan eh out of reach daw. Ang problema si Kianna ang centre sa performance na'to. Eh late na kasi siya masyado, malapit na rin matapos ang birthday party. Pino-problema namin yung choreo ni Kianna na highlight ng sayaw eh siya lang naman yung mas marunong gumawa non" paliwanag ni couch.

Nakita ko sa kanya ang pag-aalala sa mukha niya dahil alam kong pinaghirapan nila 'to. Nagtataka naman ako kung bakit hindi matext at matawagan si Kianna eh hindi naman siya ganoong tao. Lumingon ako kina Chellen, tahimik silang lahat pero mas napansin ko si Eileen na para bang nag-aalala na siya.

"Wala po bang makakapalit sa kanya? Sa mga dancers?" Ani Anna na pinutol ang katahimikan.

"Huwag kayong mag-alala! Nakahanap naman ako ng pwedeng makapalit sa kanya. Nagtanong lang ako kung may text o tawag siya sa inyo. Kung pwede kapag makatawag na siya, sabihin niyo na tumawag siya sakin ha. Ang huling text niya sakin kasi eh mala-late daw 'yon ng dating. Hindi ko naman akalain na baka matapos na ang birthday party pa siya makarating." Ani coach at tumayo.

"Ah sige, maraming salamat sa konting oras niyo mga ijo at ija. Aalis na ako" dagdag pa niya at umalis na sa table namin.

"So wala talaga siya sa mga sasayaw mamaya?" Ani Anna.

"Nasabi na ni Coach" si Eileen kay Anna.

"Ito kasing si Kenneth kung maka-predicted nagkakatotoo" Ani Chellen habang tiningnan si kuya sa table nina mom.

______

Mga ilang minuto habang nag-uusap kami ay lumabas ang mga dancers sa backtage na naka-costume may nilagay sila sa stage na props 'ata nila para sa performance nila mamaya. Umakyat naman ang MC sa stage at nag-salita.

"Everyone! Dahil papatapos na ang birthday party hindi pwedeng walang performance na maipapakita para maging highlight ng birthday party na ito!" aniya.

"Please welcome our dear dancers! Magsipalakpakan naman kayo diyan!" sigaw niya at bumaba na ng stage.

Nagsilabasan ang mga ibang dancers at umakyat sa stage. Ang mga babaeng dancers nakaskirt na kulay red at golden yellow pati na rin ang suot nilang long sleeves tops na medyo maikli. Ang mga lalaking dancers naka meggings at long sleeves top din na medyo revealing na kulay red at golden yellow. Lahat ng dancers may pinta sa mukha na kulay yellow at red. Medyo marami silang mga dancers, malaki naman ang stage kaya baka magkakasya sila don.

Nang tumugtog na ang musika agad nilang ginawa ang formation nila sa performance. Maganda ang simula ng sayaw nila hanggang sa patapos na ito, may iba na nag-tumbling, tumalon, hinagis sa taas, backflip, at kung ano-ano pang techniques na nakakaaliw panoorin. Kinakabahan lang ako sa mga babaeng dancers kapag hinagis sila ng mga lalaking dancers pataas, minsan parang ako na ang nasasaktan kapag biglaan nilang ginagawa ang split. Hindi ba sila nasasaktan don sa ginagawa nila? Nang patapos na ang performance nila, umalis ang ibang dancers sa stage at may nilagay na prop na maaaring gamitin ng naiwang isang babaeng dancer sa stage para sa susunod niyang performance. Pinatay ang lights sa paligid at tumutok naman ang light spot sa kanya, tiningnan ko siya ng maigi, maganda siya, hinihingal at pawis na pawis na rin dahil sa intense nilang performance kanina.

Singkit ang mga mata niya, nakabun at medyo may pagka-brown ang kulay ng buhok niya. Itinaas niya ang kamay niya at pumunta sa prop na nilagay ng isang dancer, tumayo don ng ilang minuto at itinaas niya ulit ang mga kamay niya. At her first performance she did a double back layout with a half twist, at her second performance she did a stretched double back somersault with a half twist on the second somersault. And lastly she did the Yurchenko double pike, which are the signature moves of Simone Biles an american artistic gymnast. I'm shocked, lahat kami nagkatinginang magpipinsan.

Lumingon ako kung may videographer ba sa harap ng stage, and there was kuya Justin, siya ang kinuha ni mom na videographer. Gusto kong mapanood ulit iyon dahil despite her being exhausted nagawa pa rin niya iyon effortlessly. Namatay ang light spot at bumalik ang lights sa paligid, umakyat silang lahat sa stage at nag-bow. Tumayo kami at nagsipalakpakan ang lahat para sa kanila, umakyat ang MC sa stage kasama nila at nag-salita.

"Ang gagaling ng mga performers natin! Napa believe ninyo kaming lahat! Congratulations! Everyone, give them applause for their performance!" aniya.

At mas lumakas pa ang palakpakan ng lahat, napagtanto ko na hindi iyon 'dance' It's more like a 'gymnastic' and It's my first time na makakita ako ng gymnast na nag perform, she must be a gymnast. Now that I think about it Kianna supposed to be performing with them and may papalit daw sa kanya, hindi kaya siya ang napili ni Coach? Ang babaeng nag perform sa huli. Kianna is very excellent at gymnastics, she can do those things noong college dahil nakapag-gymnastic siya noong college pa kami pero hindi nga lang nag-tagal dahil may nangyari. Pati na rin sa High School, sinabi niya sakin 'yon na magiging gymnast daw siya sa China pero kailangan niyang umuwi ng Pilipinas kaya hindi natuloy. Nagpasalamat silang lahat, ang mga dancer ay umupo sa bakanteng table sa gilid ng harapan namin, now that I look closely they look young, they stands out all of them but, the one who I noticed more is the one who performed last.

She looked like a little version of Kianna but still very different, I think it's because she has the vibes of little Kianna that I knew when we first met. Nagkatinginan kami, I smiled at her and she smiled at me back. Umupo na ako ng umupo na rin silang lahat, nag-salita ang MC sa stage.

"Woah! That performance earlier was very intense! Kinabahan at nakakaaliw ang ginawa nila. Pinakaba tayong lahat!... Lalong-lalo na sa bandang huli! But it was fun..." Sinabi niyang pabiro, and everyone agreed to it, it was fun.

"For the last. Please, Sir Justin. Can you come up here on stage?" Aniya at umakyat naman si kuya habang katabi niya ang MC.

"May gusto lang sana akong e-play na video, galing 'to sa taong itinuturing kong kapatid para sa taong mahal niya. Wala siya ngayon dahil unexpected ang pagpunta niya ng ibang bansa. It's a memory between the two of them, ipinagkatiwala niya sakin 'to na ibibigay ko sa totoong may-ari nito kaya ngayon ibibigay ko na sa may tunay na ari..." Ani kuya at may senenyasan.

May nag-play na video, napaka-soothing ng music, napaka-relaxing ng background at may nakasulat na 'A memories between the two of us'. Nasurpresa ako ng narinig ko ang sarili kong boses sa video.

"Hey, Lierro" natatawa kong sinabi sa video.

"Yeah?" malalim na boses ang sumagot sa video.

"Naka-live photo kana naman ba? Or video?"

"Yeah, kind of... Gumagawa ako ng video, kaya lumabas kana dito" aniya at umupo siya sa harapan ng laptop niya.

"Ano bang video ang ginagawa mo?"

"It's a secret, hindi pwedeng malaman mo"

Nawala ang video at napalitan. Naalala ko bigla ang usapan namin dito, nage-edit siya ng video na hindi niya sa akin sinasabi, tinatago niya sakin. Ito siguro 'yon.

"Lierro, look!" sigaw ko sa video sabay turo sa isang art na nakasabit sa art exhibition.

"Why? What is it? Do you like it?"

"No... I love it! This art is my favorite! Hindi lang ako makapaniwala na ini-display nila dito sa art exhibition"

"Okay" 'yon lang ang nasabi ni Lierro sa video at nawala iyon agad.

Naalala ko tuloy na pumunta kami sa art exhibition na lagi kong pinupuntahan dahil don naka display ang mga artwork ko. Dito sa video, kakatapos ko lang e-display ang bagong artwork ko at sinamahan ako that time ni Lierro dahil maglu-lunch kaming dalawa. Aalis na kami non para mag-lunch pero habang naglalakad nakita ko ang paborito kong painting, that has a weird paint, weird siya in dark colors ang mga ginamit para gawin 'yon. But, I love it. The painter said that it symbolizes the love that you really hold on to.

Napalitan ang video at iba na naman.

"Open it" Ani Lierro sa video.

"Okay... Ano ba 'to?..." tinitigan ko si Lierro sa video, surprised at walang masabi.

"... You... What is this?!" Sigaw ko dahil sa saya, at ipinakita ang paborito kong painting sa kanya na nakasabit sa pader ko.

Nasa living room 'yon at hanggang ngayon andoon parin 'yon.

"You loved it?"

"Yes! Paano mo 'to nakuha? Binili mo?"

"Yeah, binili ko sa art exhibition niyo"

"Thanks" hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya, he also hugged me.

I remember na tinanong niya ako kung bakit gustong-gusto ko ang painting na 'yon, kaya sinabi ko ang dahilan kung bakit gusto ko. Because it symbolizes the love that you really hold on to, tumawa pa siya non. He said that it's weird, but if it has a meaning to me, then it's meaningful. Medyo mahaba ang video, andoon ang mga anniversary namin, mga birthday ko, birthday niya, mga date kung saan niya ako dinadala, mga places na pinupuntahan naming dalawa, traveling together, having fun together pati mga photos naming dalawa. Lahat ng happy memories ko na kasama siya.

"Claudette, look at the camera" aniya sa video.

"What now? Live photo?"

"Live photo"

"You're always taking live photos of us, anong gagawin mo sa mga 'yan?"

"....Hmm. Memories" I sighed, nakita 'yon sa video.

"Okay" sabi ko at humarap sa camera at nagpose.

Naalala ko, we ate dinner together that time, gabi na 'yan non and we also had fun dahil pumunta kami sa fiesta that time. Habang naalala ko bawat memories naming dalawa, napapahagikhik ako at napa-pailing ng ulo.

Hindi ko rin namalayan na may luha na palang dumadaloy sa mata ko. Pinigalan ko ang sarili kong maiyak dahil baka masira ang makeup sa mukha ko.

______

Kalaunan, natapos na rin ang video, nang natapos 'yon, nagsipalakpakan silang lahat.
At 'di nag-tagal, natapos na rin ang birthday party ko. I felt so exhausted right now dahil kailangan ko pang kausapin ang mga elders ko, pinsan ko sa mother side, pati college friends ko bago sila umalis. Parang matutumba na yata ang katawan ko sa pagod dahil sa pag-socialize sa mga ibang tao, bagsak na bagsak ang katawan ko sa kama na pinagamit sakin ni Chellen. Ang naalala ko, nakatulog ako sa kotse kanina dahil sa pagod, 'di ko alam paano ako nakarating dito sa kama ni Chellen.

Ito yata ang guest room niya dahil iba ang design, hindi na ako umuwi ng bahay dahil may night party pa kami mamaya ng mga pinsan ko, kami lang yata na mag-pipinsan o pati na rin yata mga kaibigan namin. Kasali rin yata sina Prex at Anna. I'm not wearing my gown anymore dahil bago kami umalis sa function hall building, nagpalit muna ako. I'm wearing an oversized t-shirt and shorts. I looked at the digital clock sa tabi ng kama.

It's 7:52, mga apat na oras akong nakatulog. Tumayo ako para lumabas, napansin kong tahimik ang paligid. Wala bang tao dito? I closed the door at naglakad sa hallway, tinitingnan kung may makita akong ibang tao. Bumaba ako ng hagdan at naglakad pa ng kaunti bago makarating sa living room ni Chellen. Naabutan ko si Prex na nakaupo sa sofa habang nanonood ng action movie, napalingon siya sakin at pinause ang pinapanood niya.

"Claudette, gising kana pala..." aniya at ibinaba ang remote sa lamesa.

"... Yeah...Nasaan ang iba?" Lumapit ako sa kanya at kinuha ang popcorn niya na nakalagay sa lamesa.

"Ooh!... Teka lang teka lang! Akin 'yan..." sabay kuha niya sa popcorn.

"Ang oa mo naman, kumuha lang ako ng tatlo e" sinubukan kong makakuha sa popcorn niya ulit.

"... Mayron pa don sa kusina, gumawa pa ng madami sina Anna"

"Nasa kusina ba silang lahat?"

"Oo, andon sila, yung mga babae" kinuha niya ang remote ng TV at muli niyang pin-lay ang pinapanood niyang action movie.

Tumayo ako at naglakad sa harapan niya para maharangan siya sa panonood. Pero sa kasamaang palad natumba ako dahil sa nakaharang na maliit na box. Hindi ko 'yon nakita dahil naka-dim light ang living room ni Chellen at patay ang ibang lights. Nasaktan ako dahil nauna ang aking balakang.

"Hoy!... Ayan kasi nakaharang!" at talagang tumawa pa siya bago ako tulungan.

"Ugh! Bakit ba naka-dim light ang living room at nakapatay ang light!" sigaw ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Mas maganda kasing panoorin 'tong movie kung nakapatay ang lights at naka-dim light" humagalpak siya sa tawa nang nakita akong hawak-hawak ang balakang ko at tinitimpi ang sakit.

"Masakit ba? Narinig ko ang pagkatumba mo ah!... Ang bilis ng karma. Bakit mo ba kasi naisipang harangan ang pinapanood ko...?"

"...trip mo lang?" aniya habang nakatingin sakin.

"Hindi noh!... Ano ba ang laman nung box na 'yon?" Tanong ko at kinuha ang box.

Tiningnan ko ang laman at mga stick lang pala.

"Stick lang? Anong gagawin niyo dito?" Ipinakita ko kay Prex ang maliit na box.

"Nilagay lang 'yan diyan ni Chellen"

"Saan ba masakit? Sa balakang diba? Baka malala 'yan. Lalo na, narinig ko..." hinawakan niya ang bandang balakang ko.

Nilagay ko ang box sa lalim ng lamesa.

"Oo, dito. Masakit sa bandang balakang... Dit-" napasigaw ako nang inawakan ni Prex ang balakan ko sa bandang masakit.

"...Ahhhhhhh!!" Biglang nagkaroon ng liwanag ang living room at nakatayo don si Chellen, na kumakain ng stick-o.

Nakatingin siya sa aming dalawa ni Prex.

"Anong ginagawa niyong dalawa? Bakit ka sumisigaw, Claudette? Rinig na rinig don sa kusina. Anong nangyari sayo? At..." aniya sabay tingin niya kay Prex na nakahawak sa balakang ko.

Hinampas ko ang kamay ni Prex.

"Sorry! 'di ko sinasadya" aniya at agad niyang inalis ang kamay niya.

"Natumba kasi si Claudette habang hinaharangan ang TV. Hindi niya napansin ang box kaya natumba siya... May aid kaba?" ani Prex.

"First aid? Mayron don sa Cr, nakalagay" Ani Chellen at lumapit sa amin.

Tumayo si Prex.

"Kukunin ko lang ang aid, Claudette para mabawasan ang sakit" Ani Prex at umalis na.

"Saang banda ang masakit?" Ani Chellen at lumapit sa akin.

"Dito. Huwag mong masyadong hawakan ng mahigpit" itinuro ko ang balakang ko.

"Hmmm. Saan mo nilagay ang box?"

"Sa ilalim ng lamesa" sabi ko at itinuro 'yon.

"Chellen, marami bang pupunta sa night party mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm... Yeah, since pupunta don mga high school and college friends ko. Pati na rin mga Business friends"

"Magiging busy ako for awhile. Kailangan ko pang asikasuhin ang iba kong appointment. So..." Napahagikhik ako.

"Kuya Justin was excited about the night party"

"I already talked to him. Siya rin ang kinuha kong photographer sa night party na 'yon"

"Oh, gising ka na pala, Claudette" si Eileen na kakalabas pa lang galing sa kusina- kasama sina Anna at Prex.

Lumapit sakin si Eileen na may hawak na popcorn, ganon din si Anna at Prex na dala-dala ang first aid kit. Nilagay ni Anna ang popcorn niya sa lamesa at ibinigay naman ni Prex ang first aid sakin.

"Here..." aniya.

"Ako nalang ang maglalagay ng-"

"Huwag na, hindi naman masyadong masakit. Kung hindi hahawakan ng mahigpit." Pinutol ko na ang sasabihin ni Chellen.

"Are you sure? Narinig ang pagkatumba mo, Claudette" ani Prex.

"This is nothing, okay lang ako... Really" sabi ko to assure that I'm really fine.

"Ano bang nangyari?" Ani Anna.

"Yeah, anong nangyari?" tanong naman ni Eilleen.

"Hinaharangan kasi ako habang nanonood, ayon tuloy na karma. Hindi niya kasi nakita ang box ni Chellen na nakalagay sa tabi ng sofa" paliwanag ni Prex.

"Hindi nga kita hinaharangan" agad kong sagot.

"Weh??? Di nga. Bat ang tagal mong maglakad sa hara-" Hindi ko na pinatapos si Prex.

"Oo, na! Okay?"

"Kasalanan mo naman pala eh" si Eilleen.

"Sa susunod mag-ingat ka. Atsaka huwag mo ng gawin 'yon" Ani Anna.

"Uhhh. Guys magsisimula ang night party mga 8:30. Maghanda na kayo ha" si Chellen.

"Okay" Ani Eileen.

"Sige, magbibihis lang ako" si Chellen at tumayo para pumunta sa kwarto niya.

Tumango ako at ganoon din sina Anna. Tiningnan ko silang dalawa ni Eileen.

"Magbihis din tayo" ani Eilleen.

"Okay" si Anna na tumayo.

"Okay. Maghihilamos lang ako sa Cr" sabi ko.

"Sige, puntahan mo lang kami don sa kwarto namin ni Anna. Doon tayo" si Eileen.

"Okay" pagsangayon ko.

Tumayo si Eileen at umalis silang dalawa para maghanda na din, tumayo na rin ako para pumunta sa Cr.

"Dalhin mo na rin ang first aid kit don sa CR" Ani Prex.

"Bat ako? Eh, ikaw 'yong kumuha" lumingon ako sa kaniya.

"Kinuha ko para magamot 'yang balakang mo, parang iiyak ka na nga kanina eh. Di mo naman pala gagamitin" Napakurapkurap ako bago magsalita.

"Hindi ko naman talaga kailangan. Hindi ko naman sinabi sayo na kunin mo 'yong first aid kit. Ikaw na 'yong kusa" Kinuha niya ang first aid kit sa ilalim ng lamesa at tumayo.

Lumapit siya sakin.

"Dalhin mo. Tapos gamitin mo para sa balakang mo" aniya at nag smirk bago ako talikuran.

I sighed. Tinitigan ko nalang siya habang nanonood, tinalikuran ko na siya at pumunta sa Cr para maghilamos. Pumasok ako sa Cr ni Chellen at napanganga ako sa laki ng Cr niya. May bathtub na malapit lang sa shower, hiwalay ang toilet sa shower at bathtub. May medyo malaking salamin ang lababo na puro skincare ang laman at hiwalay rin sa shower at toilet.

Lumapit ako at tiningnan ang mga skincare ni Chellen na puro La Mer ang brand.

"Ang mahal naman ng mga 'to" nang makita ang skincare set ni Chellen na hindi pa natatagal ang price tag.

Kaya naman pala ang kinis ng mukha niya. I looked at myself sa salamin, ngumiti na lang ako ng makita ko ang mukha ko. Naghilamos na ako at sinubukan na rin ang skin care ni Chellen na ginagamit niya. Ginamot ko na rin ang balakang ko para hindi masyadong masakit. Lumabas ako ng Cr nang natapos na ako, pumunta ako sa living room at nakita don si Prex na nakaupo at nanonood ng pinapanood niyang action movie.

Lumingon siya sakin ng nakita ako

"Oh, lumabas ka na din. Akala ko hindi ka na lalabas dahil sa tagal mo don" aniya.

"Nanonood ka pa rin? Hindi kaba magbibihis?"

"Hindi na kailangan, okay na 'tong suot ko. Atsaka hindi ba dapat Ikaw ang nagbibihis? 8:21 na..." aniya habang tinuturo-turo pa ang relo niya.

"8:21!?" sigaw ko at tumakbo sa kwarto nina ni Anna.

"8:22!!" sigaw niya sa living room nang nakaalis na ako, narinig ko pa siyang tumawa pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Pumasok ako sa kwarto nina Anna na hinihingal pa, nakatingin sakin si Anna at Eilleen na nakadamit na at nakamake-up na rin.

"Pasensya na guys, medyo natagalan ako"

"Oh, Claudette, relax..." Ani Eilleen.

"Ito, tubig" si Anna na binigyan ako ng tubig para inumin.

Ininom ko iyon at umupo na rin muna.

"Eto oh, suotin mo 'to. Bagay sayo" Ani Eileen at binigay sakin ang dress na kulay pink.

"Suotin mo 'yan" aniya.

"Sige" Kinuha ko ang dress at pumunta sa dressing room, sinuot ko ang dress kaagad dahil baka malate kami dahil sakin.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nakadikit sa pader. Kulay pink at may design na maliliit na bulaklak. Hanggang tuhod ang dress at kita ang balikat ko. Lumabas na ako sa dressing room at nakitang hinihintay ako ni Eileen para makeup-an habang nakaupo naman si Anna na hawak ang phone niya. Nakasuot ng dress si Anna na hanggang tuhod lang din tulad ng sakin, nakamake-up at nakalipstick na kulay pula tulad ng dress na suot niya.

Nakasuot naman si Eileen ng bodycon dress na kulay itim, nakamake-up at nakalipstick na kulay pula tulad ng kay Anna. Nakabun hairstyle si Eilleen habang si Anna walang hairstyle, nakababa ang mahaba niyang buhok.

"Umupo ka dito" Ani Eileen habang tinuro ang kama.

Umupo ako sa kama, kinuha niya ang makeup set niya at sinimulan ang paglalagay ng makeup sa mukha ko. Kalaunan natapos na rin siya sa pag mamake-up sakin pati ang hairstyle ko. Kinuha ko ang salamin niya at tiningnan ang mukha ko, kulay pink ang eyeshadow ko at peach color naman ang lipstick ko. May hairpin sa kaliwa at kanan ang hairstyle ko.

"Ayan!" sigaw ni Eilleen habang nililigpit ang mga makeup set niya.

"Oh... Bagay sayo, Claudette" si Anna ng tiningnan ako para makita ang mukha ko.

"Thanks, Eileen"

"No problem!"

"Girls, tapos na kayo?" si Chellen na pumasok sa kwarto.

Lumingon kami sa kanya at nakasuot lang siya ng casual suit pants at button down terno naman para sa tops niya na kulay brown. Natural ang make-up niya at nakaponytail ang hairstyle.

"Hoy! Bagay sayo! Sino nag makeup sayo niyan?" lumapit siya sakin.

"Si Eilleen" tinuro ko si Eilleen.

"Hoooy, natututo" aniya kay Eilleen.

"Mukhang tapos na kayong tatlo, tara na pumunta na tayo sa night party? Naghihintay sila don"

"Let's go" ani Anna at tumayo.

"Wait... Paano si Kianna?" si Eileen na tumayo na rin at kinuha ang pouch bag niya sa kama.

"Oo nga, paano si Kianna?" sabi ko at tumayo na rin.

"Pupunta ba siya don?" si Anna.

"Hmmm... Text mo kaya" Ani Chellen kay Eilleen.

"E-text mo habang pumupunta tayo don sa night party" si Anna ulit.

"Oo nga. Tara na" si Chellen at lumabas na ng kwarto, sumunod naman kaming tatlo sa kanya.

Comment