Arni
7:12 PM
Mavis:
bakla wag kang lumayo masyado uuwi talaga ako
andami naman kasing tao dito buti di ko sinama si bona
Arni:
siksikan pala, katabi ko nga amoy sisig e
Mavis:
psst
yang natugtog ngayon, hindi ba quantum leap yan?
Arni:
ay naks kilalang kilala
Mavis:
malamang lagi sila tumutugtog sa school
pero bakit nakamask? sino nagpauso niyan
bulung-bulong mga katabi ko dito sabi kaya daw ata nakamask kasi di ganon kagwapuhan
aba tugtugan competition dito anong kinalaman ng mukha??
Arni:
gusto ata niya mahampas ng katotohanan pag nagtanggal yan ng mask sila river e
si gab daw nagrequest niyan sabi ni kim
di mo pa ba alam na mukha niyan biggest insecurity niya?
Mavis:
huh???
Arni:
nanalo sila last year battle of the bands
tapos siyempre naririnig nila non nanalo lang naman daw sila kasi mga pogi
e simula bata yan si gab halos ginawa na lahat makuha lang validation na talented siya sa pagtugtog
bata pa lang yan, hilig na kumanta
tipong kahit sa fam gatherings pinaglalaban niyan pagtugtog
pero para daw naiinvalidate yung skills and effort niya pagtingin sa mukha niya😭
please ganon din gusto kong problema