Phase 1

Arni
2:37 PM

Arni:
ano teh nabigay mo ba kay gab yung mga tarpapel?

kailangan nila mamaya yun

Mavis:
wala naman don

yung taga music club lang nasa room

Arni:
sigurado ka?

kanina pa si gab don di naman umalis

saka sinong taga music club? wala naman nagpaalam na manghihiram ng room

Mavis:
malay ko sino yon di ko masyadong naaninag

nearsighted nga ako

basta natanaw ko lalaki na kumakanta saka nag-gitara

Arni:
hanep na yan

yung pogi ba?

Mavis:
malabo nga mata ko paulit ulit

Arni:
nakakagigil ka beh promise

o ano bigla kang umalis??

si gab nga yon bakit hindi mo kinausap!!

Mavis:
ha?

akala ko babae pagbibigyan ko

malay ko bang lalaki yung tinutukoy mong pretty gab!

Arni:
ay o stereotyping

Mavis:
sampalin kita diyan bakit hindi mo kasi nilinaw?

Arnie:
teh bakit kasi hindi mata mo ang malinaw

kulit kasi sabing pasalamin na

Mavis:
wala nga akong pera ang kulit!

ikaw ba magbabayad???

Arni:
san ka na ba?

pambihira ka di mo man lang kinausap si gab kanina pa yon naghihintay

Mavis:
kinausap ko naman

Arni:
o bakit di mo nalaman na siya yun?

Mavis:
natulala lang ako slight ganda ng boses e tapos pinuri ko pa nga yung boses saka pagtugtog niya

sabi niya "thanks"

Arni:
tapos sumibat ka na?

di mo man lang tinanong kung sino si gab?

Mavis:
oo, tumawag kapatid ko

sabi ko kasing hanggang 3 lang ako ngayon

saka kala ko nga kasi babae yung pagbibigyan ko!

Arni:
sandali nga, jan ka lang!

wag ka muna aalis, im-message ko si gab

Mavis:
bilisan mo aalis na talaga ako before 3

Arni:
oo na, san ka ba kasi pupunta? kala ko day off mo?

Mavis:
uuwi nga, sasamahan ko mga kapatid ko

Arni:
ewan ko na

nakakaloka ka naman

di mo kilala yun? member ng banda ng school? silva??

Mavis:
ikaw may kasalanan

di mo kasi nilinaw

saka malay kong member pa ng arts club yun e magaling na nga sa music

siya na kasi

di ako nakarelate kasi pano naman akong walang katalent talent

Arni:
wag kang ganyan, meron yan

malay natin di mo pa lang nahahanap

Mavis:
habang buhay ko yatang hahanapin

Comment