Chapter 02

Pero parang gusto ko kumain ng buldak ramen na may cheese. Nag-crave ako. 7PM na kaya medyo malamig na rin ang hangin sa labas.

Nag-hoodie na lang ako at nag-pajama. Tumingin naman ako sa salamin. Maayos pa rin naman akong tingnan kahit simple lang.

Hindi ko naman sinuot yung hood para makita pa rin yung mukha ko. Naglakad naman ako papuntang 7-Eleven, walking distance lang naman.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang malamig na hangin dahil sa aircon.

Dumeretso na ako doon sa mga noodles at pumili ng buldak ramen with cheese. Tatlo kinuha ko kahit isa lang naman kakainin ko ngayon. Para na rin 'to pag may late night cravings ako tsaka in case na rin pag may assignments or projects, may pang-meryenda.

Pagkatapos, kumuha ako ng C2, my favorite drink. Grabe ang adik ko nito noong high school ako, nakaka-1 liter yata ako sa isang araw. Binibili ko yung mga malalaking bottles.

Pagkatapos naman kumuha ng mga gustong bilhin, naglakad na ako papunta sa counter. Habang naglalakad, since mahaba naman yung pila, kinuha ko muna sa bulsa ng hoodie yung cellphone ko.

Nag-open naman ako ng Messenger.

Eh? Kakadating ko pa lang dito, at hindi ko naman pinamigay ang Facebook account ko. Paano nila nakuha 'yun? May mga nag-chat kasi sa'kin na taga same university lang.

Umusog naman ang linya kaya naglakad ako paabante habang nagre-reply sa mga messages ng mga nag-chat sa'kin. Nagre-reply naman talaga ako lagi, kahit simpleng emoji o short reply lang. Ayoko rin isipin nila na snobbish akong tao.

Mga bata talaga, oo. Ayaw pa ata ako patapusin mag-aral. Bakit daw ako grumaduate. Huh? Natawa nalang ako.

"Sir, magbabayad ka ba?" salita ng lalaking nasa harap ko.

"Ay, sorry ku—" kumunot naman ang noo ko. Familiar ang lalaki: hindi ko masyadong makilala kasi naka-glasses.

Nanlaki naman ang mata ko nang ma-realize na yung student council president pala.

Is he working here? Obviously, Caspian, he is at the counter as the cashier. Pero hindi naka uniform e.

"Hey, are you paying or not? You're holding the line," seryosong turan nito. Tumingin naman ako sa likod at mukhang naiinip na kakahintay ang mga tao.

"Oh, I'm sorry. Ito na po."

Pagkatapos kong magbayad, mabilis akong umalis sa pila. Tumabi ako saglit para ayusin ang mga dala ko at para mag-reply na rin sa mga messages.

"Grabe, akala ko kung sino na 'yon," bulong ko sa sarili ko.

Maya-maya pa'y narinig kong may tumawag . "Hey, wait!" Nilingon ko at nakita ko ulit ang student council president. Lumapit siya sa akin.

"Yes?"

"By the way, I think you dropped this," seryusong sabi niya habang iniabot sa akin ang isang ID.

"Hala, thank you. Ngayon ko lang din nalaman na nawawala pala 'yung ID ko. Saan mo po napulot?"

"Sa carpark. I saw that pagkatapos kong bumalik after ihatid ang friend ko."

Oh, naalala ko na. Ang tanga ko talaga. So, they're just friends, huh? At bakit niya pa dinadagdag ang details na 'yon? Para namang may paki ako.

"Oh, okay. Thank you very much."

Tumango lang ito. Seryoso pa rin, hindi nag-iba 'yung expression. "Be careful next time. Don't be careless. First day of school and you're not taking care of something that you must take care of.  Don't be so forgetful, and remember the things around you."

Parang may double meaning yung sinabi niya, na parang may nakalimutan pa akong iba. Never mind, OA lang ako.

I smiled awkwardly. "Sorry, thank you for reminding me." Iwan ko, hindi ko alam ano isasagot e. That was careless naman talaga.

He smirked, para bang may nakakatawa akong sinabi. Parang nang-iinis ang isang to, ah? Kasi naiinis ako, wala namang nakakatawa.

He just nodded and left me, kaya umuwi na rin ako.

Niluto ko naman ang ramen na binili ko nang makauwi na ako. Nilagay ko na rin sa ref ang iba. Then, kinuha ko ang mga babasahin ko.

Napaisip naman ako sa lalaki kanina. Bakit kaya siya nagtatrabaho doon? Lack of money? Eh base sa mga pananamit niya parang mayaman.

Well, I shouldn't really judge just because of someone's attire. His shoes though kanina, that was designer bro!

Also, his last name was so familiar, parang narinig ko 'yan sa business field or somewhere else.

Caspian:

Jeth, kilala mo ba yung Valentino?

Jethro:

Now I know him. Pina-search din sa'kin ni Angelo at baka boyfriend daw nung babae kanina kasi pag hindi, he'll take his shot

Caspian:

Oh then sino 'yun?

Jethro:

I will tell you on one condition

I rolled my eyes. Here he goes again.

Caspian:

What is it?

Jethro:

Kiss muna

Caspian:

Isang malaking fuck you, Jeth :>

Jethro:

Luh, oh my! Hindi na ikaw ang dating inosenteng Caspian na kilala ko

Caspian:

Sasabihin mo? O sasabihin ko kay Angelo na siniraan mo siya dati sa babaeng gusto niya kaya hindi man lang siya nagka-chance

Jethro:

Wag! Ang laking pabor nga ng ginawa ko, e kawawa naman yung babae pag sakanya napunta. Hahaha. Tsaka hindi naman siya seryoso nun after he got rejected, naka-hanap agad ng bago

Caspian:

Then tell me now who's this Valentino guy

"Putik, bro, I really didn't expect that his family owned Valentino MedicaViva Hospital! It's shocking because that hospital is one of the biggest and most famous in the city," sabi ni Angelo habang nagdi-dribble ng bola at nagsho-shoot. He skillfully maneuvered around me, the ball bouncing rhythmically as he aimed for the hoop.

"That's why his surname sounded familiar," I replied, attempting to intercept Angelo's dribble.

Nandito kami ngayon sa basketball court sa university. Nagyaya silang maglaro ng basketball dahil tapos na ang mga klase nila. The sun was setting, casting long shadows on the court as we played.

Hindi naman ako magaling, marunong lang, hindi ko rin hilig, pero nakaka-enjoy rin kasi pag sila ang kalaro. I wiped my sweat off my forehead as I watched Angelo grab the rebound.

Except for these three, they're varsities at our school. Niyaya nga rin nila ako last year eh, pero tumanggi ako. Wala lang, it's not my thing. Naglalaro lang ako for fun, ganon.

"Grabe ang yaman pala nung lalaking yun," sabi ni Jethro, catching the ball from Angelo and dribbling it a few times before taking a shot. The ball arched perfectly and fell through the net.

Now I'm really curious bakit siya nagtatrabaho sa 7-Eleven knowing his family is rich. I wondered aloud, chasing after the ball as it bounced away.

"Sus, pamilya nyo nga may Integrated Design Firm, mayaman ka rin," Angelo said, passing the ball to Wesley, who was open near the three-point line.

"It's my parents' money," Jethro responded, shrugging as he moved into position to guard me.

Wala din namang mahirap sa grupo namin. Nakapasok nga kami sa isa sa mga sikat at medyo may kamahalan na unibersidad para sa iba.

"Linya ng mayayaman," saad ni Wesley at binato ang bola kay Jethro. Nasalo naman ito at tumalon siya para ma-shoot. The ball flew high and dropped neatly into the basket, earning cheers from our small audience.

Sumigaw naman ang mga babaeng nanunuod sa aming mag-laro, their voices blending with the sounds of the game.

"Daming nahihilang babae, Jeth ah," asar ko, grinning

"Pass, loyal ako kay... you know," sabay pout nito, nagpapacute. He jogged over to me at umakbay, pretending to be serious but failing to hide his smile..

Tumawa naman ako. Grabe, hindi pa rin maka-move on ang lalaking 'to? Can't blame him, though. Ang tagal niyang nakasama e.

By the way all my close friends know I'm bisexual, at tanggap nila ako dun. Hindi ko itinatanggi, hindi rin pinagkakalat.

Siguro, kapag may nagtanong tungkol sa gano'n, doon ko lang sasabihin. Also, babae pa lang din naman ang pinopormahan ko. I never dated a guy, nagiging crush ko lang at dun lang talaga wala akong lakas ng loob na mag-confess.

Kahit na may lalaking nagkakagusto sa 'kin, ayoko mag-commit. Hindi ako ready at sa totoo lang, distractions lang sila, kahit girlfriend or boyfriend pa 'yan.

Though being bisexual helps me see the beauty and complexity in everyone, no matter their gender.

"Nga pala, busy ba kayo? Nag-aaya mag-club si Namyy," tanong ni Angelo, nasa iisang sasakyan lang kami nasira yung kotse ni Wesley.

"Huh? Kailan pa natutong mag-club ang babaeng yan?!" tanong ni Wesley, hindi makapaniwala. Siya ang pinaka-protective sa amin.

"OA, wag ka munang mag-react. Ni-yaya lang siya ng mga blockmates nya, baka lang gusto rin natin sumama," sagot ni Angelo.

"Sus, kunwari lang yan kasama kasi si Shyra kaya niyaya tayo, para tayo mag-hatid pauwi," singit ni Jethro, nag-tawanan naman kami knowing grabe malasing si Shyra.

***

Comment