Chapter 9: Interrupted

"Magkita nalang ulit tayo mamaya."


"Magkita nalang ulit tayo mamaya."


"Magkita nalang ulit tayo mamaya."


Paulit-ulit.


Paulit-ulit kong naririnig ang huling sinabi ni Aeneid sa isip ko. ANO BA! Hindi ako makapagconcentrate sa lecture! Huhu!


"Percy!" Narinig kong pabulong na tawag sa akin ni Divine habang nakatalikod ang instructor namin. Nilingon ko siya at nagtanong. Bumuka ang bibig niya pero hindi ko naintindihan kaya lumapit na siya sa akin. "Nasaan ka kanina nung nandito ang Shah Namah?"


"Nasa harap nila," tulalang sagot ko habang nakatingin sa white board. Nagpipicture pa rin sa isip ko ang gwapong mukha ni Aeneid habang magkausap kami kanina.


"Eeeeiih! Ano ba yan! Nakita mo na naman sila! Nakakainis naman!" Nakasimangot na sambit niya. Padabog pa siyang sumandal sa upuan at humalukipkip. "Bakit kasi ang KJ ni pressy, eh! Hindi kami pinalabas kanina nung nagkagulo sa gym! Bwisit!"


"Si Aeneid," parang naka-drugs na sabi ko.


"Oo, alam ko, nagkita na naman kayo ni Aeneid mo! Eh, kami ni Ching ko? Kailan nakatadhanang magtagpo?" Sagot niya. Punung-puno siya ng hinanakit.


"Inaya niya ako magdinner mamaya. Ano'ng gagawin ko?" Helpless na tanong ko bago yumuko sa desk. "Huhu! Yung pangarap ko, siya na mismo ang lumalapit sa'kin pero bakit ganito?"


"HA?! Nababaliw ka na ba?" Naguguluhang tanong ni Divine. "Ikaw, yayayain niya mag-dinner? Baka naman—"


"Divine! Akala ko panaginip din! Pero totoo, eh! Nabalitaan mong nasa gym sila kanina, 'di ba?" Putol ko sa sasabihin niya. Inangat ko pa ang ulo ko para magkaharap kami pero ramdam ko ang maraming matang tumingin sa amin.


"Miss Muller, what are you doing there? Go back to your seat! And you, Miss Vargas, why are you shouting?" Pinagalitan pa kami ng instructor namin.


Nakayuko namang bumalik si Divine sa pwesto niya at ako naman ay nanahimik na. Mabuti nalang at hindi kami pinasagot sa harap dahil baka mapahiya lang ako. Hindi ako nakikinig, eh.


Balik sa normal flow ang discussion sa classroom hanggang sa matapos na ang lahat ng subject namin ngayong araw.


Uwian na.


Sabay kaming lumabas ni Divine sa classroom at nag-umpisa na naman siyang mag-interrogate.


"Seryoso ka talaga kanina, Percy? Niyaya ka niya for dinner?" Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway palabas ng university.


Tumango ako.


Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang noo at leeg ko. "Hindi kaya nilalagnat ka at kung anu-ano na ang iniisip mo?"


Napasimangot ako at marahas na tinabig ang kamay niya. "Hindi! Wala akong sakit. Pero kung ayaw mong maniwala, okay lang. Pero wag kang maiinggit kapag nakasama ko talaga siya mamaya! Pati si Ching mo!" Nakairap na sabi ko.


"Hala siya!" Nasabi niya. "Ganyan na ba talaga ang nagagawa kapag super duper die hard fan na?"


"Che!" Inirapan ko ulit siya tapos nauna nang maglakad papunta sa gate. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang pagtawa niya tapos sumunod siya sa akin.


Malapit na kaming makalabas nang biglang sumulpot si Linus sa harapan namin at may dalang box of chocolates.


"Hi," nakangiting pagbati niya.


"???"


"Uhm, pwede ka ba ngayon for dinner?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.


"Ako?" Naituro ko pa ang sarili ko.


"Yes," sagot niya.


"Sorry, hindi siya pwede. May kadate siyang iba ngayon," si Divine ang sumagot para sa akin.


"Talaga? Sino?" Parang nanghihinayang na tanong ni Linus.


"Si Aeneid!" Natatawang sagot ni Divine bago nag-cross arms.


Natawa rin si Linus. "Nangangarap ka na naman ng gising, Persia."


Napasimangot naman ako sa sinabi nila.


"Alam mo, Linus, wag ka nang makulit. Alam mo namang wala kang laban kapag si Aeneid ang karibal mo," natatawa pa rin si Divine kaya lalo akong napasimangot.


Napabuntong hininga naman si Linus bago lumapit sa akin at hawakan ang kamay ko. "Persia, hindi mo kailangang mangarap nang mataas. Nandito naman ako eh."


"Tss! Lumayo ka, Linus! Wala akong panahon sa'yo!" Angil ko. Tinabig ko ang kamay niya tapos naglakad na ako hanggang sa labas ng university. Pero hinabol niya ako pati ni Divine. Hinawakan niya ang braso ko. "Bitaw!"


"Persia naman, pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang," nakikiusap na sabi ni Linus.


"Sabi ko, bitaw!"


"Var—"


"Let go of her," sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ng taong nagsalita.


"O______O" reaksyon namin ni Divine.


Si Linus ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa lalaking nagsalita. Hindi niya siguro makilala dahil naka-disguise ito. Pero kami ni Divine, kilalang-kilala namin siya. Boses palang, eh!


"Who are you?" Tanong ni Linus.


"It's not important. Just let go of her and leave," sagot ni Aeneid. Kahit naka-sun glass siya, ramdam kong nakatitig siya kay Linus.


"Leave daw!" Kinalabit na ni Divine si Linus habang titig na titig kay Aeneid. "Bilis! Alis na!"


Binitawan naman ako ni Linus tapos umalis na siya at masama ang loob niya.


Nang mawala na si Linus, para namang imbestigador si Divine na sinuri si Aeneid. Kumunot ang noo nito sa ginagawa niya.


"I-ikaw ba talaga 'yan?" Tanong niya dito.


Bahagyang bumaba ang salamin nito at nakumpirma ni Divine na siya nga talaga 'yon!


Impit pa siyang napatili at agad na kinuha ang phone para magpapicture.


"Later because we have to go now," sagot ni Aeneid saka niya ako hinila papunta sa sasakyan na dala niya. Ibang kotse ito kumpara nung dumaan sila dito, ah! Sa kanya kaya ito?


"Hey, can I go with you?" Naka-pout na tanong ni Divine kay Aeneid.


Tinignan naman ako ni Aeneid na para bang nanghihingi ng permiso sa akin. Tumango naman ako at hudyat na yun para pumayag din siya. Sa backseat ako umupo.


"Uy, dun ka sa unahan!" Sita sa akin ni Divine tapos tinulak niya ako palabas ng sasakyan.


Napakamot naman ako sa batok bago nag-aalangang sumakay sa passenger seat at tumabi kay Aeneid.


*gulp*


Oh, my God!


Totoo ba talaga 'to?


Hindi ba ako nananaginip?


In-start na ni Aeneid ang engine at mabilis kaming umalis sa Alva Zen. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi rin ako makapagtanong dahil nahihiya ako at kinakabahan. Yung pangarap ko, nasa tabi ko na! Ano pa ba'ng mahihiling ko?


Tahimik kami buong biyahe. Kahit si Divine ay hindi nagawang umimik. Hindi rin siya makapaniwalang kasama namin ngayon ang leader ng Shah Namah.


Ilang minuto lang ang lumipas, nakarating kami sa isang magarang restaurant. Mabilis nag-park si Aeneid sa parking lot at pinagbuksan pa kami pareho ng pinto ni Divine.


Gentleman!


Pagbaba ko, inalalayan niya ako papunta sa backdoor ng restaurant. Parang ginawa talaga yun para sa mga VIP na kagaya niya. Astig!


Tahimik pa rin kami ni Divine hanggang sa makapasok kami sa restaurant.


"Waaaah! Nandito na rin siya sa wakas!" Bungad na sigaw ni Ching pagpasok namin. "Oh? Who is she?" Tanong niya habang nakatingin kay Divine.


"Sia's friend," tipid na sagot ni Aeneid bago ako iginiya paupo sa lamesa na color red ang table cloth. Napaka-elegant ng pagkakaayos at hitsura ng mga kubyertos. Feeling ko, russian style ang table setting nito.


"Sia??" Ching.


Napatingin naman ako kay Ching.


"Whoah! Sia pala ang nickname mo. Hehe! Sorry," sabi ni Ching tapos nag-peace sign siya.


Ngumiti nalang din ako tapos tinignan ko si Divine. Tulala siya sa mga taong kasama namin. As in, tulala siya at nakanganga! Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya na ang nagbigay ng jacket sa kanya.


"Uh," tumikhim si Ching nang muli niyang balingan si Divine. Kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya. "What's your name?"


Nagulat naman si Divine nang kausapin siya ni Ching. "A-ano.. Uh.. D-Divine! I'm Divine Muller," pagpapakilala niya. Inilahad niya pa ang palad niya.


Hindi naman nagdalawang-isip si Ching na tanggapin ang kamay niya. "Nice to meet you, Divine!" Nakangiting sabi niya bago napatingin sa jacket na sinuot nito bago lumabas ng classroom. Ugali na kasi ni Divine 'yun mula nang matanggap niya ang jacket ni Ching. "Ikaw pala ang nakatanggap ng jacket ko. Ano'ng feeling kapag suot 'yan?"


"Masarap!" Mabilis na sagot ni Divine. "I mean, masarap isuot kasi feeling ko, niyayakap mo ako."


"Holooo? Pa'no kita mayayakap? Baka naman ibang nilalang ang yumayakap sa'yo?" Ching.


Natawa si Elcid.


"Tawa ka diyan!" Nakasimangot na sita sa kanya ni Ching.


"I just found it cute," nakangiting sagot ni Elcid.


"Hey! Don't steal my fan! She's only mine! Only mine!" Sigaw ni Ching na ikinapula ng mukha ni Divine.


"I'm not stealing her from you," sagot ni Elcid. Binalingan niya si Divine. "Uhm, Divine, can you join us?"


"S-saan?" Divine.


"Sa dinner. Dun tayo sa ibang area. With Ching," nakangiting sagot ni Elcid.


"With Ching? S-sige!" Nakangiting kinikilig na sagot ni Divine.


"NO! We're gonna separate with you guys!" Sabi ni Ching tapos hinawakan niya ang kamay ni Divine.


"Okay," nasabi nalang ni Elcid bago lumayo sa amin. Kasama niya si Bacchus sa ibang lugar. Parang ang lumalabas tuloy ngayon..


Magkadate si Elcid at Bacchus.


Haha!


"Sia."


"AY KALABAW!" Halos tumalon ang puso ko nang magsalita si Aeneid sa harapan ko.


"What do you want to eat?"


"I-ikaw," nahihiyang sagot ko. Pero mahinang tawa niya ang narinig ko. Hala? Bakit?


"You want to eat me?" May bahid ng pagkapilyo ang tono niya.


Naramdaman ko namang nag-init ang mukha ko. Napayuko nalang ako sa hiya. Ano ba naman 'yan! May pagka-wild pala ang isip ni Aeneid! Bakit wala sa profile niya yun? Grr!


"I'm just kidding," natatawang sabi niya nang hindi na ako sumagot. Eh kasi naman eh! Nakakahiya! >///< Bakit ba yun yung term na ginamit ko para patungkulan na siya nalang ang bahalang um-order?


Tumawag na siya ng waiter at agad na um-order ng pagkain. Hindi na ako nakapagsalita. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang daliri ko.


Naririnig ko si Ching at Divine na maingay na nag-uusap sa kabilang table ng resto. Medyo malayo sila sa amin kaya hindi ko rin naiintindihan ang usapan nila. Si Bacchus at Elcid ay tahimik lang sa pwesto nila. Tapos parang inoobserbahan nila kami dito ni Aeneid. Huhu! Ang awkward.


"So," Malambing na panimula muli ni Aeneid. Ipinatong niya ang dalawang siko sa table. Ramdam kong nakatitig siya sa akin. "Can you tell me about yourself?"


"H-huh?" Tanging nasabi ko.


"I want to know more about you."


"Uh.. Ano.." Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba nakakakaba kapag kaharap siya? Huhu! Ano'ng sasabihin ko?


"Just say anything," sabi niya kaya napatingin na ako sa kanya. "Like what's your favorite food? Color? Brand of clothes? Etcetera.. Etcetera.."


Natawa ako ng mahina. "Slam book lang? Ganun?"


Natawa rin siya. "Yeah. Parang ganun."


Napangiti ako nang malapad nang makita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. "Ang gwapo!" Naisaboses ko kaya napatakip ako sa bibig ko.


"What?"


"Ah! W-wala. Sabi ko, favorite color ko ang metallic gray. Tribal naman sa brand ng clothes at ang food? Depende sa luto," sabi ko nalang.


Napataas naman ang kilay niya. Nagulat yata sa mga sagot ko. "Same as me?"


Tumango ako. "Yup! Remember? Fan mo ako!"


Lalong lumapad ang ngiti niya sa labi.


"Uh, pwede bang huwag kang ngingiti?" Naibulong ko na ikinakunot ng noo niya.


"Why?"


"Because it's driving me crazy!" Sagot ko na ikinatawa niya naman.


Ayt! Tawa nang tawa 'to, ah! Mukha ba akong clown?


=______=


"What's with that face?"


"Wala! Ayoko na magsalita. Tinatawanan mo lagi ako, eh," nakangusong sagot ko bago pinaglaruan ang mga kubyertos na nasa harapan ko.


Natawa na naman siya. But this time, dumating na ang food kaya hindi na ako nagsalita. Amoy palang ng pagkain, nakakagutom na!


Teka, aling kutsara ba ang gagamitin ko para sa soup na 'to? Hmm..


Eenie meenie miney mo.


"Use the first spoon on your right side," biglang sabi ni Aeneid.


"Ha?!" Nabigla naman ako sa sinabi niya. Right side daw at unang spoon! "Ito?" Inosenteng tanong ko pagkakuha ko sa tinuro niyang kutsara.


Tumango siya.


"Ah, okay. Thanks!" Sabi ko tapos nag-umpisa nang higupin ang sabaw pero.. "Ah!" Napahiyaw ako nang mapaso ang dila ko!


"Oh, what happened?" Agad na tanong ni Aeneid.


Kinagat ko ang dila kong napaso saka tumingin sa kanya. "Hehe. Mainit pala," nahihiyang sabi ko tapos napatitig ako sa soup. Pahamak 'to, ah! Amp!


"Dahan-dahan lang kasi," malambing na aniya kaya napangiti nalang ako.


Nagsimula nang higupin ni Aeneid ang soup niya kaya nawala ang atensyon niya sa akin. Tinititigan ko siya habang kumakain dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. Feeling ko nakahiga ako sa cloud 9 habang nakatingin ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga kahit ano'ng gawin niya. Hihi!


Lalong nagpagwapo sa kanya ay yung brown eyes niya at ang makakapal niyang pilikmata. Inistretch ko ang kamay ko para abutin ang mukha niya at hawakan ang pisngi niya. Kitang-kita ko ngayon ang mapupula niyang labi at ang pointed nose niya. Yung cheekbone niya na hinahawakan ko ngayon. Tapos yung wavy niyang buhok na kulay brown. Ang gwapo-gwapo talaga niya. Tapos ang galing-galing pa niya kumanta at tumugtog ng instruments.


"Sia?" Narinig kong pagtawag niya sa pangalan ko.


"Hm?"


"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa akin.


Bigla akong natigilan sa paghaplos-haplos sa mukha niya nang marealize ko ang ginagawa ko!


Watdapak!


Bigla kong binawi ang kamay ko dala ng labis na kahihiyan! What am I doing?! Agad akong umiwas ng tingin dahil sa ginawa kong kalokohan! Aish!


Stupid, Persia!


Tanga-tanga mo!


Grr!


Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aeneid kaya lalo akong nahiya. Uwaah! Lupa, kainin mo na ako! Now na! >///<


Hindi ko na siya narinig nagsalita ng kahit ano kaya napaangat ang ulo ko. Nakita kong nakatitig siya sa akin at napaiwas na naman ako ng tingin. Gawd! Ano ba 'tong ginagawa ko?!


"Uh, Sia, if you feel uncomfortable—"


"Ah, no! I mean no. I'm just uh.. A little nervous," I cut him off. Huminga ako nang malalim saka ko sinabayan ang tingin niya. Bigla akong nanginig at nangatog saka ko kinuha ang kutsara ko sa soup bowl. Pero imbis na sa kutsara lumanding ang kamay ko, nagswimming 'yun sa mainit na soup dahilan para humiyaw ako sa sakit!


"Oh, shit!" Hiyaw ko at napaatras ang upuan ko saka ako tumayo!


"Hey, you're okay?" Narinig kong tanong ni Aeneid pero hindi ko iyon nasagot.


Pigil ang hininga kong napaupo sa sahig at tiniis ang hapdi ng kamay ko! Napapakagat pa ako sa lower lip ko.


"Sia," nag-aalalang tawag sa akin ni Aeneid. Dinaluhan niya ako dito sa sahig.


Ewan ko, bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa sakit ng paso sa kamay ko. At saka siguro sa kahihiyang nagawa ko sa harap ng idol ko.


"Crap! This is burn!" Bulalas niya habang napapailing. Ni hindi ko man lang naramdaman na hinawakan niya na pala ang kamay ko. "Come on! Get up! We'll go to the hospital."


"H-hospital? A-ayoko," umiiling na sagot ko. "O-okay lang ako. P-paso lang naman 'to, eh," dagdag ko pa. Ayokong pumupunta sa ospital. Never!


"No. Kailangan mong ma-check. Mahirap na."


"No! Ayoko talaga. Please?" Nagmamakaawang sabi ko. Namamanhid na rin ang kamay ko.


Bumuntong hininga siya at napailing. "Fine," sumusukong sabi niya. "Pero lagyan natin ng gamot 'yan," tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa harapan ko at kung tama ako, nag-aalala ang expression niya.


Whoah!


Worried siya sa'kin! Emeged!


Kikiligin na ba ako?


Well..


Isang malaking OO!!


Waaaahh!


Si Aeneid ay worried!


*le dies*


Pero nakakahiya talaga ang ginawa ko. Huhu ㅠ.ㅠ


"Here," nagitla ako nang bigla ulit siyang sumulpot sa harapan ko at lumuhod ulit. Marahan niyang pinahiran ng ointment ang kamay ko.


Pagtapos ng paunang gamutan, tumayo na siya tapos inalalayan niya ako. Muli niya akong iginiya papunta sa upuan ko kanina. Wala na ang natapong soup dahil niligpit na pala ng waiter at pinalitan ng bago. Inaasahan kong matiwasay na kaming makakakain nang biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko yun sa bag at nanlaki ang mata ko nang rumehistro sa screen ang pangalan ni Papa Ren!


"Uh, excuse me lang, ha?" Paalam ko kay Aeneid bago tumayo at sinagot ang tawag. "Hello, 'pa?"


"Sia! Where are you? Hindi ba dapat nasa bahay ka na by this time?" Agad na tanong ni papa sa kabilang linya kaya agad kong inilayo sa tainga ko ang phone dahil naramdaman ko ang galit niya.


"N-nasa bahay ka na po?" Kinabahan naman ako bigla. Eh, mamaya pa ang uwi niya eh.


"Wala pa. Pero tinatawagan ka raw ng mama mo pero hindi ka niya ma-contact. Nasaan ka ba?"


"Ah, ano, 'pa! Pauwi na po," sagot ko nalang.


"Be sure," huminahon na ang boses niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. "And be sure na hindi ka nakikipag-date, ha! Lulumpuhin ko kung sinuman 'yon!"


*gulp*


"Si Papa naman, oh! Hindi ako nakikipag-date, 'no? At kung meron man, sino naman 'yon?" Tumawa nalang ako nang walang laman bago sinulyapan si Aeneid na nasa likuran ko at nakatingin sa kawalan. Naku! Mapapa-trouble pala ako kapag nalaman ni Papa 'to! "S-sige na, 'pa. Nasa biyahe po ako, eh. Bye!"


"Sige. Mag-iingat ka, ha? I love you."


"I love you, too," huling sabi ko bago tinapos ang phone call. Nilapitan ko na si Aeneid at nagmamadaling kinuha ang bag ko sa upuan.


"Where are you going?" Nagtatakang tanong niya.


"Uh, uuwi na ako," maikling sagot ko at isinukbit na ang backpack ko.


"Huh? Pero hindi mo pa nagagalaw ang food. Aalis ka na?"


Napakamot ako sa kilay ko. "Oo, eh. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Mama. Nag-aalala na siya, eh. Sorry," sagot ko. Tinahak ko na ang daan papunta sa pinto kung saan kami dumaan kanina.


Mabilis akong nakalabas sa magarang restaurant pero agad din akong bumalik sa loob dahil may nakalimutan ako. "Uh, s-saan yung sakayan dito?" Nahihiyang tanong ko kay Aeneid.


"Ihahatid na kita," sabi niya tapos tumayo na siya.


"Ah! H-hindi na. Sabihin mo nalang kung saan yung sakayan," tanggi ko.


"No, responsibilidad kita kaya ihahatid na kita."


Wow! Hansaveh ng responsibilidad! Haha!


"Hindi na talaga. Ano.. Kaya ko naman mag-isa, eh," sabi ko. "Saka, ayaw kitang malumpo kapag nagkataon," naibulong ko sa hangin pero mukhang narinig niya.


"Huh?"


"Ah! W-wala. S-sabi ko, sabihin mo na kung saan ang sakayan. Kailangan ko na talagang umuwi, eh. Pasensya na," sagot ko nalang.


Bumuntong hininga siya bago itinuro ang daan papunta sa sakayan. Akmang hahakbang na ako palabas ng resto nang hawakan niya ang kamay ko at dumukot sa bulsa niya.


"Here's my number. I-text mo ako kapag nakauwi ka na," sabi niya pagkabigay sa akin ng maliit na papel.


"S-sige," sabi ko nalang bago tuluyang lumabas at sundan ang direksyon na itinuro niya.


Pagkalabas ko sa resto, nabatukan ko ang sarili ko dahil nakakahiya ako ngayong araw! Aish! Persia, stupid! Stupid. Very very stupid!

Comment