My attorney, My husband

*********************************************************************************************************************************


"Ashley, si Cjay nakarating na!"


Agad ko binitawan ang hawak kong wine at tumakbo patungo sa entrance ng pool. Nalaglag naman ang panga ko nang makita si Cjay. Ang gwapo susmaryosep!


Kumaway ako sa kanya at ngumiti ng matamis. Napasimangot ako nang bigla s'yang kalabitin ni Carla at hindi man lang sya nagprotesta!


Naglakad ako papunta sa direksyon nila at hinila si Cjay.


"Akin sya" inis na sabi ko


"Oh really?" Nagulat ako nang bigla nya akong sabunutan. Syempre palaban ako kaya sinabunutan ko din.


Agad ko sya tinulak kaya napahiga ito sa sahig saka sinampal nang malakas. Hinila ni Cjay ang braso ko at sinamaan ng tingin.


"Stop. Nananakit ka na" seryoso nyang sambit.


"Alam ko" nakataas ang kilay kong sabi


Tumayo sa pagkakahiga si Carla at hinarap ako, "ang kapal nya Cjay! Sinampal ba naman ako?!"


Hindi sya kinibo ni Cjay at nanatili ang tingin sa akin.


"You did a mistake and I won't tolerate that" mariin nitong sabi


Pinapairal na naman nya ang pagiging lawyer nya Kainis!


"Inunahan nya ako!" Sigaw ko sa kanya


"Iba ang ibig kong sabihin. Damn it! Ashley bakit ka nagsuot ng two piece!?"


Agad ko tinakpan ang katawan ko. Fudge! Bakit nga ba ako nagsuot nito?


"A-ah, e-eh"


Bago pa man ako makapagsalita ay hinubad nya ang coat nya at ibinalot sakin,
"let's go home, hon. Hindi bagay sayo ang two piece, malaki na ang tyan mo"


Napamaang naman ako, "1 month pa naman ang tyan ko!"


"Kahit na!"


"Damn! Why so possessive Attorney?" Natatawa kong sabi


Umigting naman ang panga nya,
"I'm not your attorney, Ashley. I'm your HUSBAND"

Comment