ANG CRUSH KONG NURSING STUDENT

ANG CRUSH KONG NURSING STUDENT (SHORT STORY #7)

***

"Unang kita ko palang sa kanya, tinamaan agad ako sa kanya."

"Akala niya yun yung una naming pagkikita, yun pala may mas nauna pa at yun ang hinding-hindi ko makakalimutan."

***

Alyanna Ginger's POV

"Oh Ginger, kung ayaw mong makatanggap ng singko sakin. Hala, magpractice k ng magpractice." Napanguso ako sa sinabi ng PE instructor namin.

Nag swimming kami ngayon para sa practical exam namin pero sa aming lahat ay ako lang ang hindi marunong lumangoy kaya halos mapaiyak ako dahil ayokong mabagsak. Isa nga pala akong freshman student na may kursong BPED (Bachelor in Physical Education). PE ang kinuha ko pero hindi ako marunong lumangoy, tsk!

"Yes, sir." Umalis na silang lahat sa University Pool except sakin. Kailangan ko pang magpractice upang makapasa

May iilan ding student na nandito sa U-Pool. Siguro nagpapractice din. Bumuntong-hininga ako at pumwesto sa gilid. Gliding muna ang ipapractice ko dahil di ako marunong nun. Diba, basic lang pero di ako marunong. Bakit ba ako nag-PE?

Hinanda ko na ang sarili ko. Ginawa ko ang gliding pero hindi parin bumabalance ang katawan ko kaya inulit ko lang ng inulit hanggang sa hiningal na ako kakapigil sa hininga ko. Argh!

Inis akong umupo sa side ng pool at uminom ng tubig. Ngunit napatayo din ako agad nang may nakita akong lalaking nalulunod na nasa pinakailalim ng pool. Luminga-linga ako sa paligid pero ngayon ko lang napagtanto na kami lang dalawa andito. Shit! Hindi ako marunong lumangoy! Pero kung di ko siya iligtas, konsensya ko pa kapag namatay siya! Argh!

Tinapon ko ang bottled water ko saka daling lumapit doon sa ilalim na part. Lord, ikaw na po bahala sakin. Gusto ko lang pong iligtas siya. Sana iligtas niyo rin po ako. Usal ko saka tumalon doon sa kung nasaan ang lalaking kumapa-kapa.

Pinilit ko ang sarili ko na lumangoy at feeling ko tagumpay naman dahil napalapit ako sa kanya. Agad ko siyang hinila at pinatighaya upang makahinga siya. Nang makarating sa gilid ay hinila ko siya patungong hagdan ng pool at nagawa ko siyang iangat papuntang side ng pool. Hingal na hingal ako pagkatapos at nakatitig lang sa pool. Nagawa ko! Nagawa ko! Thank you, Lord! Mwaa!

Dahil sa tuwa, napatalon ako pero napatigil din nang napansin kong walang malay yung lalaki. Cardiopulmonary resuscitation! I need to do the CPR!

"Yanna? Anong nangyayari?" Napalingon ako sa guard.

"Kuya, Kuya, please, dalhin natin siya sa ospital! Nalunod siya at buti nalang naabot ko ang kamay kaya nailigtas ko siya pero wala siyang malay." Pagsisinungaling ko sa part ng pagligtas ko. Alam nila na di ako marunong lumangoy kaya panigurado di sila maniniwala kapag sinabi kong tumalon ako sa pool upang iligtas siya.

"Sige, sige, ako ng bahala. Magbihis ka na at umuwi Isasara na ang U-Pool dahil gabi na." Tumango nalang ako saka sinulyapan yung lalaki at umalis para magbihis. Close ko talaga halos lahat ng guard dito sa univ dahil friendly ako kaya tawag sakin ng iilan ay bubbles. Sana okay lang yung lalaki. Gwapo pa naman at mukhang mabait hehehe.

AFTER TWO WEEKS

Luna: Hoy, Yanna. Ilan grade mo sa PE?

Tanong sakin ng kaibigan kong si Luna sa gc naming magkakaibigan.

You

2.25.


Walang ganang sagot ko.

Lea: Sus, okay na yan. At least di 2.5, naku, hulog ka pag nagkataon.

Saad naman ng isa ko pang kaibigan na si Lea. Oo, ayos na to kesa naman ma-singko.

Nasa boarding house ako ngayon at kasalukuyang naghahanda para sa next class namin. Nasa campus na ang dalawa at ako naman ay na-late ng gising kaya late din makapasok.

Luna: Ano? Nasaan ka na? Andito na si ma'am!

Mas lalo akong nataranta at agad lumabas ng bh. Nag-aabang pa ako ng rela dahil sasakay nalang ako upang mas mapadali pero ilang minuto na ay walang rela ang nagpakita sakin. Bakit ganun? Pag hindi ako sasakay, ang daming rela pero pag sasakay ako, wala ni isa?

Kaya naman patakbo nalang akong nagtungo sa univ. Medyo may kalayuan ang nirentahan kong bh sa univ kaya paniguradong sobrang late na ako. Nang nakapasok na ako nang gate ay napaatras ako dahil may nakabunggo pala akong lalaki. "Sorry, miss." Kita kong natigilan siya pagkakita sakin at ako naman ay napatulala. Ang gwapo niya...

Base sa uniform na suot, isa siyang nursing student at nakaeyeglass siya kaya ang cool niyang tingnan at super neat. New crush unlock hihi.

"Miss, ayos ka lang?" Napakurap-kurap ako. Saka ko napagtanto na andaming tao tapos eto at natulala pa ako sa kanya.

"Uh, oo, sorry!" Mabilis na saad ko at patakbong umalis sa lugar na iyon na namumula. Gosh! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi sa kilig kundi sa kahihiyan! Nakakahiya ka talaga, Yanna!

Sinabunutan ko ang buhok ko at agad ding inayos dahil papasok na ako ng building ng college namin. Dahan-dahan ang lakad ko sa hallway at nang makarating sa room ay ingat na ingat akong sumilip upang makahanap ng tyempo kung kailan pumasok ng hindi napapansin ni ma'am.

"Para kang timang." Napasigaw ko dahil may bumulong sa likuran ko. Nakita ko si Lea at Luna na tawang-tawa.

"Bakit kayo andito?" Wait, ibig sabihinㅡ sumilip akp ulit sa room namin pero wala naman si ma'am doon.

"It's a prank!" Sigaw ni Lea kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Ang bad niyo!" Pumasok ako sa loob at padabog na umupo. Ngunit nang maalala ko yung lalaki kanina ay agad nawala ang inis ko. Kundi dahil sa dalawa ay di ko makakabunggo ang nursing student na lalaking iyon na ngayon ay crush ko na. Okay, di na ako galit sa dalawa.

"Lah! Ngumingiti mag-isa."

Binelatan ko lang sila saka yumuko sa desk. Ano kayang pangalan niya? Kailan ko kaya siya makikita ulit? Makikita ko pa ba siya ulit?

Nagdaan ang buwan pero ni isang beses ay di ko na nasilayan ang mukha ng new crush ko. Kaya lukot na lukot ang mukha ko sa twing pumapasok dahil umaasa talaga ako na makikita ko siya ulit o di kaya makakabungguan pero hindi nangyari yun! Walang gana akong naglakad papuntang UCC (University Convention Center) dahil may event ang student council ng university at required lahat ng students na pumunta dahil may attendance.

Nag-attendance kami pagkapasok at umupo sa upuang naka-assign sa college namin. Maraming colleges ang university na pinapasokan namin kaya dalawang araw ang event. Day 1 ay ngayon na ang mag-aattend ay ang college namin, college ng engineering, college ng business ad, college ng human ecology, at college ng nursingㅡnapatigil ako. Oo nga pala, kasama namin ngayon ang college of nursing so ibig sabihin may chance na makikita ko siya?

Nakaramdam ako ng excitement at nakatingin lang ako sa may entrance. Lahat ng pumapasok doon ay tinitingnan ko ng maigi nagbabakasakaling makita ko siya pero nang nag-umpisa na ang program ay hindi ko siya nakita.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa stage. May dalawang MC, babae at lalaki. Hindi ko maklaro kung sino sila dahil malayo ang pwesto namin sa stage.

"Sino dito si Alyanna Ginger ng BPED 1A?" Nagulat ako sa narinig mula sa isang MC na babae. Namumula ang mukha ko nang itinuro ako ng mga kaklase ko kaya hiyang-hiya akong tumayo. "May naghahanap sa'yo." Dugtong pa ng MC. Huh?

Maya-maya, may lumapit saking isang lalaki. Nursing student din dahil naka-uniform. "Hello, Alyanna, may nagpapabigay pala sa'yo neto." At inilahad niya ang isang lunchbox at milktea sa harap ko. Napanganga kaming lahat.

"Sino daw nagpapabigay?" Si Luna ang nagtanong. Parehas kaming lahat di makapaniwala.

"Si Yancy." Sagot nung lalaki. Ha? Sinong Yancy naman?

"May admirer ka?" Bulong ni Lea sakin.

"Sira! Wala akong ganyan! Ang ganda ko naman kung meron akong admirer." Di ko parin tinanggap ang binigay ng lalaki. "Um, Kuya, hindi ko siya kilala." Tanggi ko sa binigay niya.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa stage at tuluyan akong nanigas nang makita ang lalaking MC na seryosong nakatingin sa gawi namin. Hindi ko alam kung sakin ba siya nakatingin dahil nga malayo ang pwesto namin pero parang may nagsasabi sakin na sa akin siya nakatingin. Di ko rin naman klaro ang mukha niya pero pamilyar sakin ang tindig niya saka yung style ng buhok niya na sobrang neat tingnan.

Bigla nalang siyang tumango habang nakatingin sa gawi ko. Sinasabing tanggapin ko daw ang binigay ng lalaki. Kumalabog ang dibdib ko sa nakita. Siya ba? Siya ba si Yancy?

Kaya naman, dahan-dahan kong tinanggap ang hawak nung lalaki. "S-Salamat." Tumango lang ang lalaki saka umalis. Ako naman ay muling napatingin sa stage at kita kong di na nakatingin sa gawi ko ying lalaking MC.

Hindi ko kinain ang pagkain at di ko rin ininom ang milktea dahil busog pa ako. Alas utso pa kaya! Palagi ngang nanghihingi ang dalawa sakin pero di ko binigyan. Saka na no kapag nabawasan ko na hehehe.

Natapos ang event at talagang dun lang sa lalaking MC ang tingin ko. Pansin ko ring pasulyap-sulyap siya sa direksyon namin habang nagsasalita kanina. Siya kaya talaga?

Nang mawala na sila sa stage ay tumayo na din kami upang makaalis na. Alas diyes na pala. Saktong-sakto dahil tanghalian na at di ko na kailangang bumili hihi.

Bumaba kami at nagtungo sa may exit. Bitbit ang cellophane na may lamang lunchbox at milktea ay tuluyan kaming nakalabas. Nagpaalam ang dalawa na uuwi silang boarding house nila dahil wala silang pananghalian. Sinabihan ko nga na share na Lang kami pero wag na daw. Okay, it's their loss hihi.

"Bakit di mo kinain?"

"Ay pukengina!" Malaki ang matang lumingon ako sa gilid ko at kumalabog ang puso ko dahil andun ang lalaking MC kanina. Saka ko lang din napagtanto na siya rin pala yung nursing student na crush ko ngayong natignan ko siya sa malapitan.

"Bibig mo! Psh!" Aniya kaya tinakpan ko ang bibig ko. "Bakit hindi mo kinain?" Sabay turo sa dala ko.

"Ikaw ba ang nagpabigay nito? Ikaw si Yancy?" Tanong ko.

"Hindi ba obvious?" Bakit ang sungit niya. "Ayoko ng paulit-ulit, bakit hindi mo nga kinain?"

"Bakit ba ang sungit mo? Saka hindi ko muna kinain dahil maaga pa kanina pero kakainin ko na sana ngayon eh nagsusungit ka jan? Oh!" Padabog kong ibinalik sa kanya ang dala ko.

Lumambot ang mukha niya at ibinalik sakin ang dala. "Eh kasi naman! Sino ba yung katabi mo kanina?" Huh? Pinagsasabi nito? "Mukhang close kayo ah!"

"Malamang kaklase ko eh! Eh ano naman ngayon?" Umirap ako. Di ko alam kung paano ko nagawang umakto ng ganito sa harap ng crush ko. Gosh! "Pasalamat ka gwapo ka. Kung di ka lang gwapo di kita crush." Bulong ko at naglakad.

"I know right!" Sumunod naman siya.

"Huh?"

"Alam kong gwapo ako at alam kong crush mo ako." He smiled. Mas lalo akong natunaw.

"Hambog!" Pero di ko mapigilang ngumiti. "Oo na! Bakit mo nga pala ako binigyan ng ganito?"

"Kasi gusto kitang ligawan. Tama na ang pagpipigil." Napatigil ako.

"Huh? B-Bakit mo naman ako gustong ligawan?" Di ako makapaniwala sa narinig ko.

"Kasi gusto kita?" Patanong niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Okay, I've been liking you since enrolment." Aniya kaya di ko napigilang mapanganga.

"Ano? Hoy, baka nagkamali ka lang. Yung sa gate, yun yung first meet natin! Enrolment ka jan!" Sabi ko kahit kilig na kilig na ang kalamnan ko.

"You're wrong! Remember nung enrolment? Ako lang naman yung hinihila mo para samahan kang magpaenroll kahit pa may ginagawa ako nun." Paalala niya. Biglang nag flashback sakin ang lahat. Wala akong kasama nun dahil OFW nga ang mama ko tapos nasa bakasyon pa sina Luna at Lea kaya ako lang mag-isang pumuntang univ para magpaenroll.

Tapos naisip ko na hindi ko kaya pag ako lang mag-isa kaya nang nakita ko ang isang lalaki sa gilid, nagmakaawa ako sa kanyang samahan ako at hinila ko siya para di makatanggi. Balot na balot ang lalaki nun kaya di ko nakita ang mukha. Tapos nang tapos na ako eh binigyan ko siya ng keychain na astronaut bilang pasasalamat pero di lang yun ang gusto niyang pasasalamat ko. Gusto niya ring samahan ko siya dahil nagpapaenroll din pala siya kaya ayun sinamahan ko rin.

"I-Ikaw yun?" Turo ko sa pagmumukha niya. Tumango siya kaya napalunok ako. "Gosh, nakakahiya!"

"Ngayon ka pa nahihiya eh noon halos kaladkarin mo na ako." Ipinakita pa niya yung keychain na bigay ko. "Saka na-realize ko na ang cute mo noon kaya nung nakita kita sa u-pool last month, pinanood kitang magpractice ng langoy. Hanggang sa nadulas ang paa ko at na sprain kaya nahulog ako sa pool at di makalangoy ng maayos." Mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Ikaw din yun?" Mas napasigaw ako.

"One and only. Sorry kung kailangan mo akong iligtas nun. Marunong naman akong lumangoy sadyang nagkacramps lang ang paa ko noon dahil sa pagkahambalos sa semento." Aniya.

Naging speechless ako bigla. Di ko alam ang sasabihin ko. First time to nangyari sakin. "Um, ang init hehehe." Pinaypayan ko ang sarili ko dahil nag-iinit ang pisngi ko. Akala ko talaga ang unang kita ko sa kanya ay nung sa gate.

"Saka nalaman ko na crush mo rin ako dahil nung nagkabungguan tayo, naisambit mo ang new crush unlock kaya ayun." He grinned. Saka ano daw? Naisambit ko? Diba sa isip ko lang sinabi yun? "So papayag ka ba?"

"A-A-Alin?" Di ko mapigilang mautal at halos di ako makatingin sa kanya. Kaya hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya.

"Will you let me to court you, Alyanna?" Seryoso niyang sambit.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya at kalauna'y ngumiti. "Oo naman, crush kita eh! Ngayon lang ako na-crushback. Pakakawalan pa ba kita?" Buong tapang na sagot ko.

"Good answer and don't you dare let me go and I will do the same." He whispered kaya natawa ako saka tumango-tango.

"Yes po." He smiled handsomely then held my hand before walking towards my building. So this means that this time, my new crush is going to be my first boyfriend? Hmm, that sounds good, right? Hihi!

ㅡ WAKAS ㅡ

Comment