Chapter 5 "BUTI NAMAN"

"BUTI NAMAN"

SKY POV;

Napa tignin ako kay Kieffer kung saan siya nakaupo andito ako ngayon sa trabaho ko syempre kasama siya gusto niya daw mag tambay dito edi goo tsk.

Pero madaming customer dahil sa kanya tsk lahat ata babae ehh nakatingin lang sila kay Kie nagkatutok siya sa cellphone niya kaya hindi niya napapansin yon mga babae.

Nag aaral siya kaya ayaw ko din siyang guluhin kaya nakatutok siya sa cellphone niya.

"Hoy bhe hondi mo sinasabi ah boyfriend mo pala ang isang Kieffer, ang swerte mo!"Kinikilig na sabi ng katrabaho ko.

"Hindi ko siya bf okay? Tsaka bumalik ka na nga sa pag aasikaso ng mga order oh ang dami na ng customer."Sabi ko ngumiti siya ng nakakaloko at tumango.

"Ang pogi ni Kuya noh?"

"Ang pogi talaga ni kieffer!"

"May gf na kaya siya?"

"Kung bf ko lang siya hay nako magiging maswerte ako!"

Rinig na bulong ko sa mga kababaihan anong maswerte kung magiging jowa nila yan?! Demonyo nga yan eh, unggoy pa.

Sinamahan ko na si Kath sa pag prepare ng mga order ng mga customer namin.

Nilagay kona sa tray ang mga order nila milktea, coffee at pagkain ng iba.

At dinala ko na ang mga order nila na nagmamay ari ng mga itong dala dala ko.

Pumunta muna ako sa table one at nilapag ang tray para mapatignin ang tatlong babae sakin, nakatingin kasi sila kay Kieffer.

"Ma'am ito napo order niyo, enjoy."Nakangiti na sabi ko, ngumiti silang tatlo at kinuha na ang mga order nila pumunta ako sa ibang table na hindi ko nakuhanan ng order.

"Good afternoon Ma'am ano po order niyo?"Tanong ko, tumingin sakin yon limang babae at tinarayan ako luh?

"One milktea sakin cookies and cream, sakin naman coffee yon black lang huh ayaw ko ng may cream, for me milktea chocolate, milktea rin wintermelon, coffee latte."Sabi nilang lima tumango ako at sinulat sa papel ang mga order nila pero nararamdam ko na may nakatitig sakin tsk hindi ko na lang pinansin.

At bumalik ako sa counter at kinuha pa ang ibang order at binigay kay Kath ang order ng iba.

_______

"Hoy hindi ka pa ba uuwi?"Tanong ko kay Kieffer tinignan niya ako ng walang kagana gana at umiling.

"7 na ng gabi ah hindi ka pa uuwi?"Tanong ko, nandito parin kami sa coffee shop pagod na nga ako dahil sa sobrang dami ng customer kanina.

Pero kahit ganon tumulong si Kieffer nung natapos niya ang ginagawa niya.

"Hihintayin kita bakit bawal? Tsaka sa condo ko, ka na umuwi."Malamig na sabi niya at sumandal sa upuan.

"Bakit sa condo mo pa? Hindi naman na sa bahay namin? Tsaka hindi ako papayagan ni Nanay."Sabi ko at naghalumbaba sa mesa malapit narin kasi kami mag close ng shop mga eight ganon, tsaka wala ng mga tao kaming dalawa na lang umuwi na kasi si Kath kasi tapos na shift niya.

"Don't worry binilin na kita pumayag naman si Tita."Malamig na sabi niya, na kinagulat ko.

Biglang nagising ang dugo ko kaya inangat ko ang ulo ko at tinignan siya ng naguguluhan.

Tsaka teka?! Nakilala na niya si Nanay?! Huwag mong sabihin sinabi niya din na bf ko siya?! Aisshhh malalagot toh sakin.

"Pumayag?! Pano? Hindi nga yon pumapayag kahit ni isang beses na makitulog or sumama ako sa ibang classmate ko tapos sayo ang dali lang?! Tsaka pano mo nakilala si Nanay?"Sunod sunod na tanong ko tumango siya at nagkibit balikat.

Ginayuma ba niya si Nanay? Strict si Nanay eh tapos siya arghhh!

"Kahapon ko pa siya nakilala, sinabi kong kaibigan mo ko. Tsaka kilala pala ako ni Tita. Kaya nung nagpaalam ako kanina na sa condo ka na matutulog mamaya para hindi na maabala si Tita sa pagtulog, pumayag siya. So sa condo kana matutulog. Huwag ka ng umayaw iwan pa kita dito eh."Mahabang sabi niya at inirapan ako sinungitan ko siya.

So nagkakilala na pala sila kahapon, ang bilis pumayag ni Nanay eh kahapon lang naman sila nagkita.

Tumayo na lang ako para maglinis.

"Tsk, oo na. Linis lang ako."Mataray na sabi ko at aalis sana para pumunta sa counter kasi tumayo din siya.

"Samahan na kita."Malamig na sabi niya, tinignan ko muna siya hanggang ulo at paa at tumango.

Pumunta na lang ako sa counter at ramdam kong nakasunod siya sakin.

_______

ALEXANDER POV;

"Anong bang kinakaabalahan ni Kieffer? Two days ng hindi siya sumasama satin ah."Napatignin ako kay Jacob ng magsalita siya pero tinuon ko na lang ang tignin ko kay Aliyah na nag rarace mana talaga siya kay Tita Addison.

Sino si Jacob? Anak lang naman nila Tito Michael at Tita Karen tsk playboy yan halata naman sa ugali.

"Malay mo humahanap na ng girlfriend HAHAHAHAHA!"Sabi ni David at lahat ng mga mukong nag si tawanan tsk.

Sino si David? Anak rin lang naman nila Tito Isaac at Tita Luna lahat ata sila playboy tsk.

Hindi ko sila pinansin dahil nakatuon ang attention ko kay Cyron at kay Aliyah.

Who's Cyron? Anak lang naman ni Tito Carter at si Tita Chloe, nerd siya tahimik na tao libro palagi ang hawak.

Palaging magulo ang buhok at magsasalita lang siya kapag tinatanong totally na nerd pero may itsura siya pogi yan walang mababakas na pimple pananamit niya lang talaga ang nagpapa nerd sa kanya.

May nahahalata kasi ako sa nerd na toh eh.

Nakatitig siya kay Aliyah habang nagrarace, don't tell me......

_______

KIEFFER POV;

Umirap ako dahil kanina pa daldal ng daldal ang babaeng nasa harap ko nasa royal restaurant kami sa favorite ko dahil masasarap ang mga pagkain nila dito.

Pagmamay ari namin kaya pinupuri ko, alangan naman na hindi ko purihin eh talagang nasasarap pagkain dito.

"Anong ginagawa natin dito hoy?!"Tanong niya at sinipa ako sa paa napahawak ako bigla sa paa ko at sinamaan siya ng tignin.

"Try mong kainin boung restaurant tignan natin kung hindi ka mabusog!"Inis na sabi ko at inirapan siya.

"Kakain tayo?"Parang batang tanong niya, kakatapos lang kasi ng trabaho niya kaya inaya ko siyang kumain.

Alam kong gutom siya at pagod kita naman sa mata niya.

"Ay hindi makikitambay lang!"Inis na sabi ko at binaba na ang paa ko sinamaan niya ako tignin pero umiwas lang ako ng tignin.

Kakaupo lang namin kaya may lumapit na waitress, ngumiti siya samin kaya tumango lang ako tapos si Sky naman nakangiti na parang bata.

"Good evening Sir Smith, Ma'am, ano po order niyo?"Kausap ng babae na waitress samin at inabot ang menu samin ni Sky hindi na ako tumingin dahil nakapili nako.

"Yon inoorder ko palagi and yon dessert narin."Malamig na sabi ko at tumingin ako kay Sky na parang nakakita ng multo.

"Ang mahal Kieffer! Wala akong mapili!"Reklamo niya umirap na lang ako at kinuha ang menu na nasa kamay niya.

Binigay ko yon menu sa waitress pati narin yon akin.

"Just bring what I order."Sabi ko, tumango yon waitress.

"Yes Sir, excuse me."Magalang na sabi ng waitress, tumango lang din ako at tumingin kay Sky na naglilibot ng tignin.

Naalala ko iisa lang na kama ang nandon sa condo ko.

What the?! Sino sa sofa? Ako? Tsk hindi ako sanay matulog sa sofa baka siya na lang, para naman makabawi ako sa babaeng toh.

"Hoy! Ang mahal dito bat kasi dito pa tayo! Pwede naman sa labas yon mura lang!"Inis na sabi niya at nag pout tsk dukutin ko bibig mo eh.

"Hindi ako sanay kumain sa tabi tabi lang."Malamig na sabi ko, inirapan niya ako at nag cross arm.

"Oh edi dapat doon tayo para masanay mo na kapag kasama mo akong kakain."Mataray na sabi niya, hindi ko na lang siya pinansin at tumitig sa kanya.

Halatang pagod siya sa dami ba naman ng customer kanina thanks to me. Alam kong malaki ang sweldo na ibibigay ng boss nito daming bumili eh.

Mabuti tumulong ako kanina baka mamaya mabaliw na toh sa dami ng customer kanina.

Maya maya dumating na yon mga pagkain nilapag ng mga waitress yon mga pagkain namin pero nakatitig lang ako kay Sky gusto kong matawa dahil sa mukha niya.

Bigla siyang tumingin sakin.

"Hoy bat ang dami? Tsaka kapag toh hindi masarap at hindi naubos natin, hindi na ako kakain sa ganitong restaurant!"Bulong niya tumawa lang ako ng mahina nag pasalamat ako sa mga waitress ng matapos nilang ilagay ang mga pagkain namin.

Tumingin ako kay Sky na nag-aalingalan pang kumuha umiling ako at kinuha ang plato niya.

Hiniwa ko muna yon bago ibigay sa kanya.

"Here try this masarap yan."Malumanay na sabi ko, kumunot ang noo niya pero tinanggap niya rin.

Narinig ko na bumulong muna siya bago magsubo ng pagkain ngumiti ako ng mukhang nasasarapan siya ngumuya nguya muna siya tapos bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

"Ang sarap!"Masayang sabi niya, napangiti ako at nagsimula narin akong kumain.

Nagkwentuhan lang kami kung ano ano gaya ng sa mga school works at ibang bagay pa.

"May naging boyfriend ka na ba?"Bigla kong tanong sa kanya habang kumakain kami umiling siya kaya napatitig ako sa kanya.

"Wala pa kahit ex wala pa naman."Mabilis na sabi niya tumango ako.

"Buti naman."Bulong ko, kumunot ang noo niya.

"May sinasabi ka?"Tanong niya umiling ako at pinunasan ang labi ko.

"Wala ang sabi ko sino ba naman papatol sayo? Mukhang lang aso!"Pang iinis ko sa kanya namula siya sa inis at sinipa ang paa ko bwisit nakakadalawa na toh!

"Bwisit ka talaga!"Bulong niya sinamaan ko siya ng tignin nasa harap kami ng pagkain nagmumura tong babaeng toh.

"Mamaya ka sakin."Malamig na sabi ko.

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain tumitig lang ako sa kanya dahil mukha siyang hindi nakakain ng isang linggo dahil sa takaw niya, siya na nga nag ubos lahat ng ulam eh tapos yon isang plate na naglalaman ng kanin naubos niya rin.

Umiling ako at binigay sa kanya ang cake, yon dessert niya chocolate flavor nasa maliit siya na plate kaya maliit lang din yon cake parang kamay lang ni Sky.

"Hmm here try mo try mong isubo tong buo."Pang iinis ko sa kanya inirapan niya ako at kinuha yon cake.

Nagsimula siyang kumuha at kinain yon nanlaki na namn ang mata niya kaya napailing ako at napangiti.

"Hoy gagi ang sarap!"Nakangiti na sabi niya habang kumikinang ang mata niya, tumawa lang ako ng mahina at tumitig na ulit sa kanya.

________

Continue.

Comment