Fifth Clause

"Uy! Ate siya nga pala sinama ko mga katropa ko." Saad ni navy habang hawak-hawak ang strap ng bag niya. Aba, parang nahiya ata siya ngayon ah? Tiningnan ko isa-isa yung sinabi niyang katropa niya. At may namataan akong isang lalaki na...

"Ate! Si Allen nga pala. Schoolmate natin. And third year na rin siya." Pagpapakilala ni navy sakin. Siguro napansin niyang tinitingnan ko na yung lalaking kasama niya. Actually, dalawa silang lalaki saka isang babae.

"You look familiar to me. Did we met, already?" I asked him. Tumayo nako para lumapit sa kanila. Naubos naman na yung fries ko saka kailangan ko ng kumilos dahil gusto ko ng umuwi at matulog.

"I think, yeah. Nagkita na tayo." Iniligay niya yung pointing fingers sa may gilid ng eyes niya yung parang nag-iisip pa siya. Magsasalita na sana ako kaso. "Ah! Alam ko na! Ikaw yung babae na nakabunggo sakin kanina! Tama!"

Napatunganga ako. Ghad! Siya nga yun. Sesermonan ko na sana siya ngunit baka magulat naman itong pinsan ko at isusumbong pa'ko sa parents ko.

"Ah, yeah. Ikaw nga yun." Sagot ko sa kaniya at nagsimula ng maglakad papasaok sa loob ng mall.

"Ate. Please libre mo na kami~ please~." Pamimilit ni navy sakin kasi gusto niyang manuod kami ng sine kasi may loveteam raw na may bagong movie na naipalabas na this day.

"Ayaw ko."

"Sige na ateeee. Please. Minsan mo nalang kaya ako nilibre nitong mga nakaraang araw." Sabi niya na napapout pa. Jusko.

"Oo na. Oo na. Tigil-tigilan mo nako." Sagot ko sa kaniya na naiinis.

"Yey!" Sabi niya na parang bata. May alam kayo na mental h. na malapit lang?

Pagkasabi ko sa kaniya nun. Napatingin agad ako sa mga kasamahan niya lalong-lalo na dun sa lalaking parang bakla na nabunggo ko kanina. Napairap na lamang ako sa ere ng makita kong nakatingin siya sakin.

"Pfft." Pigil tawa nung bakla.

4:35 pm na ng makalabas kami sa sinehan kasi matagal-tagal rin kami nakapasok kasi yung artista nung nag-bida doon sa movie na yun ay kasabay namin. I can't mention of the name dun sa artista kasi hindi ko naman kilala.

As of now nasa kwarto na ako at nagbabasa ng mga books na hiniram ko kanina sa library.

"Lauwii!" Tawag ni mama sakin mula sa labas ng kwarto ko.

Napa-buntong hininga ako saka isinara yung mga nakabukas na books.

"Bakit ma?" Tanong ko kay mama pagkabukas palang ng pintuan. Kung kakain man kami ngayon, sana. Gutom na kasi ako. Saka baka uutusan naman na'ko ni mama. Mahirap talaga kapag ikaw lang ang nag-iisang anak.

"Kakain na tayo." Masayang anunsiyo niya na nakapag-excite sa tummy ko. Yum! Kainan na.

"Mabuti naman ma at nakapagluto ka na ngayon." Sabi ko kay mama na nakapagpatawa sa kaniya.

"May time na kasi ako. Iba na yung schedule ng uwian ko." Sagot naman niya sakin at nagsimula ng naglakad patungong hagdanan namin.
Aba! Tinalikuran lang ako ni mama? Argh.

Pumasok muli ako sa kuwarto at nagbihis ng pambahay.

Pagkababa ko palang sa hagdan ay naaamoy ko na ang masarap na mga ulam ni mama.

"Ang sharap ma!" Sabi ko ng may laman ang bibig ko.

"Oh, dahan dahan lang anak baka mabulunan ka." Paalala ni papa sakin saka tumawa.

"Opo. Hihi."

"Ay anak. May sinabi pala sakin si navy kanina." Seryosong sabi ni papa sakin na nakapagkaba sa dibdib ko. Ano nanaman kaya ang sinabi ng bruhiltang iyon?

Comment