OSS1 (Heart React)

'Kung sino man una pumuso nito gagawin kung boyfriend for 3 weeks.'


November 20, 2016


Hindi ko alam kong bakit yon yung pinost ko sa facebook.


November 21, 2016


Kaagad na binuksan ko yung facebook ko sabay tingin sa notification ko. Tumawa ako ng mapakla nang makitang wala man lang ni isa ang nag react. Kahit like man lang. Oo nga pala. Hindi ako maganda, hindi rin sexy at higit sa lahat hindi pa matalino. Kaya expected na talaga na walang mag ha-heart react sa post ko.


November 25, 2016


Bigla akong nagulat ng may isang taong hindi ko inaasahan na mag se-send sakin ng friend request.


'Zydeco Zyx Balthazar sent you a friend request.'


Delete Request - Confirm


Kaagad kong pinindot yong confirm button habang may ngiti sa labi.


November 26, 2016


Habang nag e-escroll down ako, bigla akong napatingin sa notification ko dahil may nakalagay doon na 1. Kaagad kong pinindot yong notification at laking gulat ko ng may nag heart react sa post ko at ang nag heart react lang naman ay si Zydeco Zyx Balthazar na crush ko at crush ng campus. Yon yong post ko na pinost ko noong November 20, 2016.


November 28, 2016


Hindi ko alam kong paano ko siya haharapin. Mag kaklase kami at ang pinakamalala pa ay katabi ko siya. Habang papasok ako sa silid, kaagad na hinanap ng mga mata ko ang presensya niya. Parang nag slow motion ang nasa paligid ko ng mag tama ang mga mata namin. Ako ang unang nag iwas ng tingin sabay umupo sa upuan ko. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko ng maramdaman kong umupo siya.


"So? Girlfriend na kita?" Yan yong tanong niya na ikinatibok ng puso ko ng mabilis. Kaagad na napabaling yong mata ko sa kanya at laking gulat ko na sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Hindi ko alam yong gagawin ko kaya bigla akong tumayo sabay kumaripas ng takbo. Narinig ko pa ngang tinatawag niya yong pangalan ko pero wala akong lakas ng loob na tumingin sa kanya pabalik. At sa araw din na iyon, hindi ako pumasok dahil sa kabang nararamdaman ko.


November 29, 2016


Ito na naman ako. Naduduwag na naman akong pumasok dahil sa kanya. Ipinagdadarasal ko sa panginoon na sana hindi siya pumasok. Kaso, mukhang hindi nadinig ni God yong dasal ko. Kasi habang papalapit na ako sa silid namin andon siya sa may pintuan at nakaharang. Hindi ko alam kong ipagpapatuloy ko ba yong paglalakad ko o liliko ako at tatakbo ulit. Pero mas pinili kong ipagpatuloy yong paglalakad ko. Nang akmang papasok na ako, bigla niya akong hinarangan gamit ang katawan niya na siya namang ikina-angat ng ulo ko.


"Padaan... D-dadaan a-ako..." Nauutal kong sabi habang lakas loob na sinasalubong yong mga mata niya na nakatitig sa mga mata ko.


"Good morning Love." Bigla akong nanigas sa sinabi niya at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.


"L-love?" Nauutal kong sabi. Bigla namang gumuhit yong ngiti sa labi niya sakin sabay halik sa pisngi ko.


"Yes... Love.." Bulong mo sabay akbay sakin at hinila ako papasok. Lahat ng tao na nasa loob ng silid namin ay napapastikuhang nakatingin sa aming dalawa. Halata sa mga mata nila ang gulat at pagkalito.


November 30, 2018


Kalat na kalat na sa buong campus na tayo na. Hindi ko naiwasang magtanong.


"Bakit parang proud ka na naging girlfriend mo ako? Teka? Proud ka nga ba?" Tanong ko sayo. Bigla namang gumuhit yong ngiti sa labi niya sabay tumango.


"Ikaw? Proud ka ba na naging nobyo mo ako?" Tanong niya sabay titig sakin. Dahan-dahan akong tumango habang nakatitig din sakanya. Mas lalo namang lumapad yong ngiti niya sa labi.


December 1, 2016


Sobrang sweet niya sa akin. At hindi ko aakalain na masarap pala siyang maging boyfriend. Kahit ang dami ng naninira samin dalawa, ipinagsawalang bahala niya yon. Nakasara parati ang mga tenga niya.


December 3, 2016


Bigla akong nagulat sa sorpresa niya. Andaming nakakalat na pulang rosas sa sahig. Halos himatayin ako sa sobrang kilig ng kinanta pa niya ang isa sa mga paborito kong kanta na ang 'From this moment'.


December 7, 2018


Mas lalo pa siyang naging sweet sa akin.


December 9, 2018


Sobrang saya namin habang nagkukulitan, nag tutuksuhan, at naglalambingan. Nang may marealise ako na malapit na palang mag tapos ang pagiging girlfriend ko sa kanya. Halos 2 weeks na pala kaming mag-on. Bigla akong napatitig sa kanya habang nakangiti siya sakin ng malapad at ngumiti rin ako pabalik.


December 14, 2016


Bigla nalang siyang naging malamig sakin. Hindi na siya nag rereply sa mga text ko, hindi na niya sinasagot ang mga tawag ko. Ni hindi niya narin sinasagot yong mga chat ko sa messenger, lahat lang ng yon ay puro seen. Ang sakit. Sobrang sakit.


December 16, 2016


Grabe. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdaman sakin. Palagi rin siyang wala sa school. Nagtataka na ako kung bakit parati siyang wala. Hindi ko rin alam kong bakit parati siyang absent. Parati ko siyang tinatawagan, tine-text at china-chat mula sa messenger. Pero kung dati parati niya lang sini-seen yong mga chat ko pero noong nag daan araw kahit seen man lang di niya nagawa. Hindi rin siya parating online.


December 18, 2016


Ito na yong huling araw namin bilang mag-on. Hindi ko alam kong ano yong gagawin ko. Hindi ko alam kong bakit sobrang kinakabahan ako habang papasok sa loob ng silid namin. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng silid-aralan namin kaagad ko siyang hinanap. Pero hindi ko siya nakita, bagsag ang mga balikat ko habang papunta sa upuan ko at pabagsak doon na umupo. Ipinikit ko yong mga mata ko ng maramdaman kong nanunubig yong gilid ng mga mata ko at nag-iinit din iyon. Bumuntong hininga muna ako bago ko itinuon yong buong atensyon ko sa klase. Makalipas ang mahabang oras, uwian narin sa wakas. Kung dati sobrang saya ko pag nag-uuwian na pero ngayon parang ang bigat ng pakiramdam ko habang tinatahak yong daan pauwi samin.


"Zcyel Miyuki Montero." Bigla akong napahinto sa paglalakad at dahan-dahang tumingin sa taong tumawag sa pangalan ko. Kinakaban at nanginginig yong mga kamay ko sa kaba habang dahan-dahan paring umiikot para makita ko na ng tuluyan kong sino man ang tumawag sakin. Nang makita ko na kung sino ang tumawag sakin biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sobrang saya.


"Zydeco....." Bulong ko sa pangalan niya. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sakin habang nakangiti ng malapad.


"Zycel..." Bulong niya habang naglalakad papalapit sakin. Nang tulayan na siyang nakarating sa harapan ko, kaagad niyang hinaplos yong mukha ko. Gulat na gulat akong napatitig sa kanya at hindi makapaniwalang nakatitig sa taong nasa harapan ko.


"Sorry. Sorry kong hindi ako nagparamdam sayo ng ilang araw." Sabi niya sabay hawi sa buhok ko.


"Sorry kong di ko sinasagot ang mga text, tawag at chat mo." Sabi niya sabay ngumiti ng malapad.


"Alam kong ito na ang huli nating mag on." Sabi niya sabay tumitig sakin ng seryoso. Bigla namang bumilis yong tibok ng puso ko at halos himatayin na ako sa sobrang lakas ng tibok at sa sobrang kaba. Nakasara parin yong bibig ko at hindi ko alam kong ano yong sasabihin ko.


"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? Ito na ang huli nating mag-on." Sabi niya habang nakatitig parin sakin ng seryoso. Tumikhim muna ako bago nagsalita.


"H-hindi k-k-ko alam ang s-sasabihin ko. Siguro...... S-siguro hanggang dito na lang tayo." Sabi ko sabay talikod at naglakad ng mabilis. Nakakalimang hakbang palang ako ng bigla niya akong hawakan sa may pulsohan at sabay na pinulupot yong isa niyang braso sa bewang ko.


"Paano kong ayaw ko? Paano kong gusto kong ituloy to? Anong gagawin mo?" Seryoso niyang tanong na siyang ikinagulat at ikinakunot ng noo ko.


"A-anong----" Biglang naputol yong sasabihin ko ng bigla siyang magsalita na syang ikinatahimik ko.


"Sorry to say this Love. Pero, I'm against of what decision you have. No. You're not going to break up with me. At kahit naman na makipag hiwalay ka sakin, hindi ko parin yon tatanggapin." Nakangiti niyang sabi na  siya namang nagpalukot sa noo ko.


"Huh? Anong i-ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.


"Well.." Pinisil niya muna yong tungki ng ilong ko sabay pinang-gigilan yong mataba kong pisngi bago siya nagsalita ulit.


"Matagala na naman kitang gusto---" Kaagad na lumutang yong mga sasabihin niya sa ere ng bigla akong nagsalita.


"A-ako? M-matagal mo n-ng gusto? Nagbibiro kaba? I mean.. Ahmm. Anoo.... H-hindi ako kagandahan, mataba ako at di rin matalino. So, paano mo ako nagustuhan?" Nalilito kong tanong mula sa kanya. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya bago siya nag salita.


"Ang totoo niyan. Hindi nakita gusto, kundi mahal na kita." Nakangiti niyang sabi na sya namang nagpanga-nga sa bunga-nga ko.


"Ewan. Hindi ko alam kong kailan kita minahal. I just found myself being attached by you and I can't help it to detached myself from you. Siguro, kaya kita nagustuhan ay dahil sa kung sino ka. Who says you're not pretty? Of course you are. Who says you're fat? Of course you are not. Ahmm, maybe you're just chubby. Inshort Mataxy. Mataba na sexy. And who says you're dumous? Of course you are not. Meron lang talagang mas matalino keysa sayo." Nakangiting sabi niya habang nakatitig sakin.


"Say something please.."


"Nananaginip ba ako? Kung nananaginip man ako. Pwede bang sampalin mo ako o kaya batokan mo ako?" Sabi ko na syang ikinatawa niya. Umiiling siya habang papalapit ng papalapit yong mukha niya sa mukha ko hanggang sa magtama na yong mga ilong namin.


"You're not dreaming. Instead of slapping you can I just kiss you?" Tanong niya habang nakatitig sa labi ko. Kaagad ko namang nai-tiklop yong labi ko sabay umiling-iling. You just chuckle sabay pinanggigilan yong tungki ng ilong ko.


"So? Miss Zycel? Can I court you this time for real?" Tanong niya na syang ikinalaki ng mata ko.


"What?" Natatawang tanong niya.


"Just answer it by yes or yes." Ngiting aso niyang tanong.


"Another option?" Tanong ko ng nakangiti. Ngumiti muna siya bago sinagot yong tanong ko.


"Well, there's another option. Or letter C. All of the above." Nakangiting sabi niya. Natawa naman ako at dahan-dahan tumango.


"Ahmm. Letter C. I'm choosing letter C. Yes. Pwede mo akong ligawan." Nakangiti kong sabi na sya namang ikinangiti niya sabay yakap sakin ng mahigpit.


THE END.......

Comment