[08]

Month past, ganun lagi ang ginawa ni Ricci, hatid at sundo. Kapag sinusundo niya ako kung saan saan kami pumupunta mga malls, restaurant at museums ang dami na nga naming pictures sa phone niya ganun din sa phone ko. Tinuloy niya talaga kung ano yung sinabi niya, nililigawan niya pa rin ako at parang hindi siya napapagod. Ako gulong gulo pa rin paano, parang siya na yung gusto ko pero may part pa rin na si CJ yung gusto ng puso ko.

November 10 ngayon and yes today is the game. I wore a plain white t-shirt. Hindi ko kasi alam kung sino susuportahan ko. Matching black leggings at yung Nike Air Jordan Shoes na sinuot ko nung game nila. I'm not sure, it simply goes with everything na suotin ko.

Natapos na ako mag prepare at bumaba na ako, kasi susunduin niya raw ako. Nagseselos ata kay Brent siya na raw susundo at yung ticket daw na nakuha niya yung gamitin ko kasi mas malapitan daw kasi yung view.

I waited for minutes at dumating na siya. "Medyo late ka ahh, ano nangyari?" tanong ko habang binubuksan niya yung pintuan ng sasakyan. "Medyo traffic po kasi. Sorry naman. Nandito naman na ako diba." Sabi niya habang nilalalagay yung seatbelt ko. Ngayon niya lang ito ginawa nakakanis napaka caring niya, shit! Lalo akong naguguluhan. Nang makasakay na siya ay pinaandar na niya yung sasakyan and stuck kami ngayon sa traffic. "See hindi po ako nagsisinungaling." Pagsasalita nito habang nakatingin sa kalsada na puno ng sasakyan at motor. "Ang defensive mo, sinabi ko bang nagsisinungaling ka?" Pang aasar ko sakaniya na itinawa na lang niya "baka kasi galit ka. Ayaw pa naman kita nagagalit." Ano raw? Masyado naman siya matatakutin sa akin. HAHA!

"Oh btw, may ibibigay pala ako sayo." Sabi niya habang may hinahaaap sa may bag niya sa backseat. "Huy, wag mo iwan yung manubela mamaya mag go mabangga ka pa." Tas bumalik siya agad na may hawak na damit. "Wear this." Tinignan ko iyon at nakita ang Jersey niya, bakit niya pinapasuot ito sakin? "Bakit? Ako ba maglalaro?" Tumawa naman siya, kinuha ko iyon pero hindi ko ito sinuot. Napansin naman niya siguro na hawak ko lang ito kaya tinignan ko siya at sinabing. "Ikaw maglalaro ako pagsusuotin mo nito. Di nga ako nagbabasketball ehh." Tumawa ulit siya as in halakhak, I love the way he laugh nakaka in love siya.

Wait, did I just said nakaka in love siya? Umiling ako sa naisip ko at tinignan lang siya tas dahil traffic tumingin din siya sa akin. "Wear this so they know you're mine." Pagsasalita niya ng gamit ang malalim na boses. Tumango ako at sinuot yun, pinatong ko lang yung Jersey niya sa plain white t-shirt ko. "It looks better on you" after niya sabihin yun ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Di ko alam kung bakit pero ang init ng pisngi ko tas yung tibok ng puso ko ayaw huminahon.

Nakarating kami sa Arena at nakita ko si Brent na nakasimangot. Lumapit ito sa amin at hinampas si Ricci na ikinagulat ko. "Huy pango, bakit mo hinahampas yan?" Pagtatanong ko paano malakas kaya halata nga yung pamumula sa braso ni Ricci ehh. "Bakit siya sinusuportahan mo? Taga UST ka tas UP Jersey suot mo, dapat yung Jersey ko suot mo." Tumawa lang ako kasi nakita ko naiinis si Ricci sakaniya kaya nagsalita ako "Bakit ikaw ba boyfriend ko para ikaw suportahan ko? Hindi diba? Kasi si Ricci boyfriend ko." Dahilan para tumingin si Ricci sa akin na nagtataka.

Lumayas si Brent at kami lang ni Ricci ang naiwan kaya dumeretso kami sa loob. Habang naglalakad nakatulala pa rin siya kaya siniko ko siya. "Ricci baka naman matalo kayo niyan ang dami ata tumatakbo sa isip mo ehh." Sabi ko sakaniya at huminto iyon kaya huminto rin ako nag aalala na nga ako sa mokong na to kanina pa tulala. "May nararamdaman ka ba? Baka hindi ka makalaro niyan?" Umiling siya at bigla ngumiti, ay buang. Nababaliw na ito lakas na ng tama hindi naman lasing. "Sinasagot mo na ba ako? Tayo na? Girlfriend na ulit kita?" Sa dami niyang tanong tinanguan ko na lang siya, ngumiti ako sa nakikita ko. Paano nagtatalon siya ng walang sawa tas parang walang game mamaya. "Halika na nga mamaya pagalitan pa ako ni coach kasi late ka." Hinila ko siya papunta sa dugout nila bago kami makapasok dun ehh kinausap ko muna siya. "Nako Ricci, galingan mo sayang effort ng pagsagot ko sayo kung hindi mo ipapanalo." Nag salute naman siya kaya pumasok na siya sa dugout ako hinanap na yung upuan ko kung nasaan si Alliana.

Nakita ko siya at umupo ako sa tabi niya. Pero nagtaray naman sa akin "bakit?" pagtataka ko sakaniya tas tinuro niya yung damit ko. Kaya nagkibit balikat lang ako "ano masama sa suot ko bagay naman diba?" Pagtatanong ko sakaniya na inirapan niya ako. "Nandun mga UP dun ka, wag ka rito." Tumawa na lang ako kasi alam ko nag joke lang siya, tas may pahabol pa siyang sinabi. "So, kayo na?" tumango ako at kinilig naman siya. I mean kinilig din naman ako di ko nga alam bat ko siya sinagot, hindi rin naman kasi kami mukhang nag pretend na mag jowa. Para lang talaga siya nanligaw, tas medyo marupok din puso ko ehh ano. Ilang buwan pa lang sinagot na agad.

*Ricci P.O.V.*

Sinagot niya na ako, hindi kapanipaniwala. Ayiee kinikilig ako, mas magaganahan ako mag laro nito. Nag warm up na kami at nakita ko siya kaya kumaway ako sakaniya na nginitian niya. Habang nag warm up kami bigla ako tinawag ni coach at sinabi niya na "gusto ka interview-in nung UAAP Reporter saglit lang naman daw." Pumayag na lang din ako para di ako masyado pagod during the game. Pumunta ako sa may gilid kung nasaan yung reporter.

"This is your UAAP Courtside Reporters for Season 82, I am Mark and I am here at MOA Arena with the running for MVP this season RICCI RIVERO."

"Ricci, what did you prepare for this second game with the UST?"

"Tinry ko mas mag improve sa three point shoot, in case lumamang sila."

"That's good. So besides your family over there who else did you brought to support you and UP?"

"The girl who's wearing my Jersey, siya yung dinala ko."

"Thanks for letting me interview you, and good luck see you in the next game again with the UST."

Nang matapos yung interview ay nagpatuloy na lamang ako sa aking pag warm up. Maya maya kasi magsisimula na yung game.

Comment