Ika-dalawampu't Dalawang Pasada

"Ano? Okay ka lang ba? May masakit sa'yo? Ako kilala mo pa ba ako? Uy Corine! Magsalita ka nga!" sunod-sunod na tanong sa'kin ni Lewis na halos itaktak na 'ko sa pagtingin kung may iba pa akong galos sa katawan.


"Bitawan mo nga ako!" kumalas ako sa pagkakahawak nya "Baka mabalian ako nang dahil dyan sa ginagawa mo eh!"


"Sorry naman baka kasi nagka-amnesia ka na dahil sa nangyari" napairap na lang ako sa sinabi nya.


*Flashback*


Ako ang pumalit dun sa pwesto ni Eunice bale ako 'yung nasa pinaka-gitna. Nakatingin lahat ng player kay President sya kasi 'yung mags-serve ng bola kaya nakitingin na lang din ako. Nahagip ng tingin ko si my---Warren at Eunice. Nakaalalay si my---Warren sa girlfriend nya.


Hayyss. Bakit ba lahat ay nakay Eunice na? Maganda, matalino tapos nasa kanya pa 'yung taong pinapangarap ko. Kung sakali ba na hindi ako ganito na hindi ako bobo na matalino din ako tulad ni Eunice o kaya kahit ni President na lang, may pag-asa kayang magustuhan nya din ako?


Napahinga na lang ako ng malalim at napaiwas ng tingin.


"CORINE! 'YUNG BOLA!!!" biglang sigaw ni President na ikinagulat ko.


Nanlaki ang mata ko nang makitang sa direksyon ko papunta ang bola. Bago ko pa man magawang iwasan ang bola ay tinamaan na ako nito dahilan upang mapaupo ako.


Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid.


"Corine?" unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Lewis.


Bahagya akong natawa nang makita ang dalawang Lewis sa harapan ko. Then everything went black.


*End of Flashback*


Napahawak ako sa noo ko dahil sa biglang pagkirot nito. May nakapa akong bukol na siguro kasing laki ng piso. Waaaahhh!!! Huhuhu. Pano kung pumangit ako tapos wala nang magkagusto sa'kin? Paano na ang future kooo!!!!! Paano na---


Lahat kami ay napatingin sa marahas na pagbukas ng pintuan. Tumambad sa'min ang hingal na hingal na si Warren. Para syang nakikipaghabulan teka! Hindi kaya....


Hinahabol sya ng mga awtoridad kasi nagnakaw sya? Ninakaw nya kasi 'yung puso ko! Hihihi.


"Anong nangyari sa'yo?!" nagulat ako este kaming lahat dahil sa bigla nyang pagsigaw.


"N-Natamaan kasi ako ng b-bola" sagot ko habang nayuko at nakahawak sa ga-piso kong bukol sa noo.


"Ang t*nga mo naman! Simpleng pag-iwas lang sa bola hindi mo pa magawa" tiningnan ko sya ng masama.


Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat sa usapan namin si Lewis.


"Ano ba pre?!" maangas na sambit ni Lewis.


"Hindi ikaw ang kausap ko 'wag epal" maangas ding sambit ni Warren.


Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para silang mga siga sa kanto na nagsusukatan ng tingin. Nakakatakot!


"Teka nga! Bakit ka ba nagkakaganyan ha Warren? Ano bang ikinagagalit mo?" takang tanong ko.


"H-Ha? A-Ano... H-Hindi ka talaga nag-iisip eh 'noh? Malamang 'pag may nangyari sa'yo sabihin nina Tita at Tito na pinabayaan kita" sambit nya bago lumabas.


Sigh.


-----

Comment