Chapter: 23

Jacob POV

Nan dito ako ngayon sa sala habang nag iinom at nanunuod ng tv. Bigla naman dumating si mia saka ito naupo malapit sakin.

"Ilang araw kana nag iinom. Baka magkasakit kana niyan."  Biglang sabi niya naman. Tumingin ako sa kanya.

"Wag mo ako pansinin. Dahil wala akong pakialam sayo. Yong anak ko lang ang kaylangan ko at hindi ikaw." Sabi ko naman sa kanya. Humawak siya sa tiyan niya.

"At isa pa wag kana ulit pupunta don sa kapitbahay. Ayoko mag isip sila ng iba tungkol sating dalawa." Dugdong ko pa.

"Kilala mo ba ang mga tao don sa katapat na bahay?. Lalo na yong babaeng napakaganda doon.?" Tanong naman niya. Lumagok naman ako ng alak saka ako tumingin sa kanya.

"Si red yon at siya ang girlfriend ko at mapapangasawa ko. Pero ng dahil sayo kaya hindi kami okay ngayon." Inis na sagot ko naman sa kanya. Napayuko naman siya.

"Kaya ko naman mag piliwanag sa kanya na wala tayong relasyon at isa pa hindi natin mahal ang isa't-isa saka alam ko naman na pakatapos ko manganak ay maiiwan kuna sayo ang bata at magiging anak niyong dalawa." Sabi niya naman. Bigla ko naman naibagsak ang bote na hawak ko na ikinagulat naman niya.

"Sa tingin mo ganon kadali yon. Sa tingin mo ganun-ganon lang yon. T*ng'in* naman. Hindi mo kase naiintindihan." Sabi ko naman sa kanya.

"Umalis kana nga at don ka nalang manatili sa kwarto mo nabubwisit lang ako sayo." Sabi ko pa sa kanya. Wala naman siya nagawa saka tumayo at umalis.

Ilang araw nalang ang hinihintay ko at manganganak na siya. Pakatapos niya manganak ay aalis na siya pero maiiwan sakin ang bata.

Ang totoo kase niyan pareho kaming lasing nong araw na yon.

FLASHBACK

May party kaming mga pulis at isa siya sa kapatid ng katrabaho ko. Pinakilala siya sakin pero umayaw ako na halatang hindi intiresado. Pero lumipas ang mga oras na hindi na kaya at nalasing na talaga ako. Nakaupo lang ako sa may tabi habang naka tingin sa mga kasama ko na nag sasayawan at nag sasaya. Ng may biglang kumapit sa braso ko at inaaya ako nito sumayaw pero tinulak ko siya at sinigawan at sinabing layuan niya ako. Pero hindi siya nakinig dahil paulit-ulit siya sa pag pilit na sumayaw kaming dalawa.

Sa inis ko ay tumayo na ako para sana umuwi na pero nakakailang hakbang palang ako ng bigla ako matumba. May bigla nanaman lumapit sakin. Hindi kuna makilala ang mukha niya.

Ngumiti naman siya sakin. Saka ako nito inalalayan tumayo.

"Kaya mo bang umuwi mag isa.?" Biglang tanong naman niya. Ngumiti ako saka umiling.

"Okay lang ba dalhin kita sa bahay ko.?" Tanong niya pa. Tumungin ako sa kanya saka tumango.

Umalis na nga kaming dalawa sa party na yon. Sumakay kami sa isang sasakyan. Pag pasok ko palang sa kotse ay nahilo na agad ako sa lakas ng amoy ng pabango sa loob. Naipikit ko ang mga mata ko at ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang ang labi niya na naka dikit sa labi ko. Dahil sa tama ng alak ay wala rin akong nagawa kaya lumaban ako sa halik na yon. Natigil lang kami ng makarating kami sa bahay niya. May umalalay pa sakin na isa pero hindi alam kong sino. Naibagsak ko ang sarili ko sa isang kama. Malamig sa loob kaya mapapasarap ang tulog ko nito.

Hanggang kinaumagahan nagulat nalang ako na wala akong maalala. Naka higa ako sa isang malaking kama. Wala akong saplot at ang malala pa ay may katabi akong babae at naka yakap pa talaga ito sakin. Sa gulat ko ay naitulak ko siya kaya nagising siya ng gawin ko yon.

"Sino ka? Asan ako? At anong ginawa mo sakin!?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan muna agad?" Balik tanong niya naman. Napakuyom naman ako sa kamay ko.

"T*ng'in* mo! Sabihin mo sakin ang totoo. Ang nangyari satin kagabi!?" Galit na tanong ko pa sa kanya. Halata naman na natakot siya.

"Ako yong nag dalawa sayo dito kagabi dahil sinabi mo na hindi mo kayang umuwi mag-isa. Hindi ko naman alam kong san ang bahay mo kaya dinala na kita dito sa bahay ko. At isa pa nagustohan mo rin naman ang ginawa natin kagabi. Sarap na sarap kapa at tinatawag mo ako na asawa mo. Paulit-ulit mo binabangging na mahal na mahal mo ako." Umiiyak naman na paliwanag niya.

END OF FLASHBACK

Yon na nga ang nangyari sa  8months ago kaya rin ako bumalik sa kanya dahil na rin sa tumawag si daddy para sabihin na malaki na nga ang tiyan ni mia. Kaya naisip ko rin na pumunta don para sabihin kay dad na may girlfriend na ako at yon na nga. Balak ko panindigan ang pag bubuntis ni mia para makuha ko ang bata. Ang anak ko lang ang kaylangan ko. Pero wala akong pakialam kay mia. Babayaran ko siya kahit magkano ang gusto niya basta ibigay niya sakin ang anak ko. Saka ako babalik kay red para kausapin at mag palinag sa kanya. Sasabihin ko ang totoo at para siya na rin ang ipapakilala ko sa anak ko na mama niya.

Bubuo ako ng sarili kong pamilya kasama ang taong mahal ko. Kasama si red at magiging anak ko----anak pala namin.

Kong hindi lang sana nangyari ang mga to edi sana okay kami ni red ngayon. Ako ang kasama niya ngayon. Napakuyom naman ako ng maalala ko na ang daming lalaki sa bahay nila. Nag iinoman don kasama ang mga kuya niya. Hindi ako papayag na may manligaw kay red dahil ako parin ang boyfriend niya at ako lang nag mamayari sa kanya. Inubos ko ang laman ng alak na hawak ko saka ako tumayo. Tumungin ako sa relo ko kong anong oras na ba.

'7:15pm palang naman pala.' nasabi ko naman sa isip ko. Kinuha ko ang selpon ko saka ko tinawagan si jiro at para tawagan niya rin si khella. Aayain ko sila mag inom. Hirap mag inom mag isa.

"Napatawag ka.?" Bungad na tanong ni jiro. May naririnig pa ako na ingay at ibang boses ng lalaki na kasama niya.

"Asan ka? Bat ang ingay dyan.?" Balik tanong ko naman sa kanya.

"Nan dito ulit kami sa bahay nila red. Bwisit kase to si marro nag aya nanaman mag inom." Sagot naman niya na halatang lasing na. Suminok na kase.

"Sinong marro.?" Tanong ko pa sa kanya. Isang marro lang ang kilala ko. Pero wag naman sana tama ang hinala ko.

"Yong kaibigan ni alex." Sagot niya naman napakuyom naman ako ng kamay ko.

T*ng'in* pinupormahan pa ng hay*p na yon si red. F*ck hindi pwede. Akin lang red! Akin lang ang girlfriend ko. Nag lakad ako palabas ng gate. Saka ako tumingin sa bahay nila red. Mukhang nagkakasiyahan nga sila. Medyo rinig kase yong ingay mula dito.

"Sabihin mo kay red lumabas siya pero wag mo sasabihin na ako nag sabi sayo." Inis na sabi ko naman kay jiro. Hindi na siya sumagot pa sabay patay sa linya. Napamura naman ako sa inis ko. Talagang pinatayan niya ako ng linya.

Kinuha ko ang yosi sa bulsa ko saka ko ito sinindihan habang naka tingin sa bahay nila red. Nag babakasakaling lalabas siya. Hanggang sa ilang minuto pa na pag hihintay at lumabas nga siya. Lalo naman ako nainis dahil sa suot niya. Naka short na kulay itim at sando na kita na ang malulusog niyang **** Huminga naman ako ng malalim saka ako nag lakad palapit sa kanya. Naka talikod siya kaya hindi niya ako napansin na nan dito na ako sa likuran niya. Mabilis ko naman hinapit ang bewang niya saka ko siya dinikit sa katawan ko. Halata naman na nagulat siya sa ginawa ko. Napatingin pa siya sakin.

"J-jacob.." nauutal at gulat na sabi niya habang napahawak pa sa braso ko.

"Miss na miss na kita mahal ko." Naka ngising sabi ko naman sa kanya.

"Bitawan mo nga ako. Saka pwede ba. Wala na tayo. Ayoko na jacob." Galit na sabi niya saka ako nito tinulak palayo sa kanya. Nabitawan ko naman ang sigarilyo ko saka ko ito tinapakan. Sa inis ko hinablot ko ang braso niya saka ko siya nilapit sakin.

"Sino naman nag sabi sayo na wala na tayo? Saka hindi ako papayag na mag hiwalay tayong dalawa dahil ako lang ang nag mamayari sayo red. Walang iba kundi ako lang!" Inis na sabi ko naman sa kanya. Hahalikan ko sana siya sa labi niya ng bigla naman siya umiwas. Lalo naman ako nainis kaya hinila ko siya papunta sa bahay.

"Ano ba jacob.. bitawan mo nga ako!" Inis na sabi niya habang pinipilit makawala sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natahimik siya.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Saka kami nag tuloy sa loob ng kwarto ko at nilock ito.

"J-jacob kase. B-baka makita tayo ng a-asawa m-mo." Kinakabahang sabi niya naman. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ikaw lang ang asawa ko wala ng iba." Sabi ko naman sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ah talaga ba.? Eh sino yong babae na kasama mo dito sa bahay mo at buntis pa.!?" Inis na tanong niya. Huminga naman ako ng malalim. Oras na ba para sabihin ko sa kanya.

"Si mia yon ang naka one night s-stand k-ko." Kinakabahang sagot ko naman sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinaas ko naman ang dalawang kamay ko. Yon bang sinasabi na sumusuko na.

"Hindi pa tayo magkakilala non." Sabi ko sa kanya. Natigil naman siya saka tumingin sakin.

"Ah kaya naman pala nakapagbabae kapa." Sabi niya naman saka tumayo. Tinulak ko naman siya kaya napaupo ulit siya sa kama ko.

"Walang aalis hanggat hindi pa tayo tapos mag usap." Sabi ko sa kanya.

"Wala tayong dapat pag usapan lalo na't mag kakaruon kana ng sariling pamilya." Sabi niya na halatang malungkot ang boses. Lumuhod ako sa harapan niya saka ko kinuha ang dalawang kamay niya at hinalikan ito. Tumingin ako sa kanya at naka tingin rin pala siya sakin.

"Sorry kong hindi ko nasabi sayo umpisa palang. Sorry kase maski ako hindi ko rin alam na mabubuntis pala siya. Pumunta siya sa bahay ni daddy at hinahanap ako nito para sabihin na buntis siya. Kaya nung oras na nan don tayo sa bahay ng lola mo. Tumawag sakin si dad para sabihin na buntis si mia ang kapatid ng katrabaho ko." Pag uumpisa ko na kwento sa kanya. Naka tingin lang siya sakin at ganon rin ako sa kanya.

"Sinabi niya kay dad na ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Kaya tumawag si daddy para sabihin yon. Sorry kase hindi ko man lang nasabi sayo na yon ang dahilan ko. Natatakot kase ako na baka iwan mo ako. Baka lumayo ka sakin. Natatakot ako na makipag hiwalay ka sakin at mag hanap ka ng iba. Hindi kuna nasabi sayo ang totoo dahil naduwag ako." Dugtong ko pa. Naramdam ko naman ang kamay niya na dumampi sa pisnge ko. Don ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Umiiyak ako sa harapan ng taong mahal ko.

"Maiintindihan ko naman kong sinabi mo sakin agad. Maiintindihan naman kita kong pinaliwanag mo sakin lahat." Sabi niya naman sabay punas sa mata niya. Bakit ba lagi ko nalang pinaiiyak ang mahal ko.

"Wala ka bang tiwala sakin.?" Biglang tanong niya naman.

"Meron mahal ko. May tiwala ako sayo pero inunahan lang talaga ako ng takot na baka nga iwan mo ako kaya hindi kuna nasabi sayo ang totoo." Sagot ko naman sa kanya. Huminga siya ng malalim saka hinawakan ang kamay ko.

"Naiintindihan ko. Pero sa ngayon asikasohin mo muna si mia." Sabi niya pa saka tumayo. Binitawan ang kamay ko saka naunang nag lakad. Hinawakan ko agad siya sa braso niya.

"Please red. Humihinge ako ng tawad sayo. Parang awa muna wag ka makikipag hiwalay sakin. Hindi ko kakayanin red." Pag pigil ko sa kanya. Umiyak na talaga ako. Hindi ko talaga kakayanin kong mawala siya sakin.

"Hindi ako makikipag hiwalay sayo. Gusto ko lang asikasohin mo si mia para na rin walang mangyari sa anak mo." Sabi niya pa. Hinila ko naman siya saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Pakatapos manganak ni mia ay aalis na siya. Babalik na siya sa kanila pero napagkasundoan namin na sakin mapupunta ang bata. Maiiwan sakin ang anak ko at balak ko na ikaw na ang maging mama niya." Masayang sabi ko naman sa kanya. Lumayo naman siya sakin.

"Pero jacob hindi ganon kadali yon. Saka hindi pa ako ready magkaanak." Sabi niya naman. Ngumiti lang ako sa kanya saka ko siya niyakap ulit.

"Kahit ako rin naman. Pero hindi pa ako ready. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan nalang ang anak ko. Hindi mo ba ako tutulungan alagaan at palakihin ang magiging anak natin.?" Sabi ko naman sa kanya.

"Bahala na. Mag hahanap ako ng trabaho para makatulong rin kay mia at sa magiging anak mo." Sabi niya naman.

"Anak natin." Pagtatama ko naman sa kanya.

"Pero ayoko na magtrabaho ka. Gusto ko sa bahay ka lang kasama ang anak natin." Sabi ko pa sa kanya. Nakita ko naman na ngumiti siya pero mabilis lang saka tumingin sakin at umirap.

"Uuwi na ako. Siguradong hinahanap na nila ako sa bahay." Paalam niya saka tulak sakin palayo at nag madaling lumabas ng kwarto ko pero natigil siya kaya lumapit ako sa kanya.

"Sorry. Kasalanan ko kong bakit hindi kayo okay." Biglang sabi ni mia saka ito yumuko. Tumingin ako kay red pero naka tingin lang siya kay mia.

"Wala ka naman kasalanan. Kong ano man nangyari sainyo ni jacob wala na tayong magagawa dahil nangyari na yon." Biglang sabi naman ni red sa kanya. Napatingin si mia sa kanya.

"Hindi ko naman masisisi si jacob. Maganda ka at siguradong sexy ka at alam ko rin na mabait ka." Dugtong pa ni red sa kanya. Bigla naman umiyak si mia. Lalapit sana siya kay red pero napatigil niya.

Bigla naman siya niyakap ni red na ikinagulat naman ni mia. Lalo naman umiyak si mia hanggang na sa ikwento na nga ni mia ang lahat kay red.

Kong pano ba nag umpisa ang lahat, at kong pano rin matatapos ang lahat. Sinabi rin ni mia ang tungkol sa baby. Sinabi niya na iiwan niya nga ito sakin basta si red ang magiging nanay nito.

Sa dami ng napagusapan ng dalawa ay hindi na nga naka uwi si red at dito na nga ito naka tulog sa bahay.

•••••
Itutuloy....

Comment