Part Five

Flashback


Nakahiga lang ako sa kama ng biglang nagring yung phone ko, kinuha ko ito at sinagot ang tawag.


"Apo?" Ah si Lolo pala.


"Yes, Lo?" Tanong ko.


"May sasabihin lang ako, Apo." Saad niya.


"What is it, Lo?" Tanong ko.


"Gusto ko lang sana ipaalam sayo na pwede mo nang gamitin ang tunay mong pangalan diyan sa Pilipinas at pwede mo na rin ipaalam na ikaw ang may ari ng eskwelahan na papasukan mo" Eh? Bakit naman kaya?


"Why, Lo?"


"Wala naman, Apo. Narealized ko lamang na hindi naman kailangan itago pa ang totoo mong pagkatao sa eskwelahan mo, kasi pag aari mo naman talaga yon. And I know na maproprotektahan mo naman ang sarili mo mula sa mga kalaban. Am I right, Apo?" Mahabang pahayag ni Lolo. Approved naman ako don! Yey, atleast di ko na kailangan pang magpanggap na average girl! Yes!


"Thankyou Lolo, and yes po I'l take care of myself." Saad ko kay Lolo ng nakangiti


Flasback ends!


Biglang nagring ang bell dito sa school, senyales na breaktime na. Agad naman akong lumabas ng room, not minding them.
Pagpasok ko pa lang sa cafeteria, agad silang nagtinginan sakin at nagbulungan na naman katulad kanina. Di ko na lamang ito pinansin naghanap na lang ako ng mauupuan, nang may makita ako umupo na lang ako sa pinakadulo sa tabi ng bintana. Agad akong tumayo at iniwan ang bag ko sa lamesa at pumila upang makabili ako ng pagkain, kulang pa sa akin ang sandwich kong baon kaya bibili ulit ako. Nang makabili ako at pabalik na ko sa upuan ko, nakita ko ang bag ko sa may sahig. Mukhang tinapon ito ng mga nakaupo sa table ko ngayon, nagkakasiyahan pa sila ha. Lumapit ako don at napansin naman nila agad ako, mukhang first day pa lang mapapa away na ko ah. Isang tinginan pa lang sa kanila, isa lang masasabi mo e, It's either Bitch or Slut! Sa sobrang nipis at ikli ng tela ng mga suot nila, hindi ko alam kung school ba ang pinuntahan nila o bar.


"That's my seat" Cold kong sabi sa kanila. Napatigil naman ang iba dito sa pagkain at napatingin samin. Tinaasan naman ako ng kilay nitong bitch na to. Well, tinaasan ko rin siya ng kilay! Duh


"And so? Do I look like I care?" Maarte niyang sagot at inirapan pa ako aba. Nakakainis to ha, sa sobrang inis ko. Nasuntok ko siya, straight sa fake nose niya! Ha! Buti nga sa kanya!


"What the Fuck?! Why did you punch me?!!"
Galit niyang tanong sakin. Habang natulo ang dugo sa ilong niya.


"And so? Do I look like I care?" Nakangisi kong sagot sa kanya, napatawa naman ang ibang tao dito. Ginaya ko lang naman kasi yung line niya kanina. Nagtagumpay naman ako at napaalis ko din sila, dadalhin kasi nila si Fake nose sa clinic. Kawawa naman siya, kailangan niya ulit magparetoke ng nose niya BWAHAHA.


Cool lang ako na nakain dito, hanggang sa may naramdaman akong apat na titig ng tao dito sa loob ng cafeteria. Napatingin naman ako sa kanan ko, at dun ko nakita ang apat na taong naglalakad papasok sa loob ng cafeteria na may malalakas na aura na nagpatahimik dito. Ngunit hindi nila mapapantayan ang lakas ng aura ko. Mukhang kilala sila dito ah, napatahimik nila ang kaninang maingay na mga tao dito sa loob ng cafeteria e. Nevermind. Wala naman akong pake e, bahala sila titigan ako. Pake ko ba. Duh.


Nang natapos na ko kumain, umalis na ko. Naramdaman ko nanaman ang titig nila sakin. Bahala sila. Bumalik na lamang ako sa room ko, at naghintay na lamang don hanggang mag uwian.


Nang uwian na, naglalakad ako ng may marandaman nanaman akong limang presensiya ngunit nakahiwalay itong isa. Nang malapit na sa likod ko yung isa, bigla akong yumuko ng susuntukin niya dapat ang likod ko ngunit mabilis akong nakaiwas dito at binigyan siya ng malakas ng suntok mula sakin, at sinipa ko siya ng pagkalakas lakas sa mukha at pinaka iingat ingatan niya. Tinuhod ko siya kaya siya ay napaluhod, at ngayon ay inapakan ko na siya. Weak! 


"What do you need?" Tanong ko sa kanya ng may madilim na aura.


"Magtata-tago ka- kana, pina- paha nap kana niya..." Utal utal niyang sabi sakin.


"Sinong naghahanap sakin?" Tanong ko


"Ang-- taong baliw n-na ba-liw sa-yo" hirap niyang sagot sakin.


"What the Fuck?!" The hell?! May taong baliw na baliw sakin?! Fuck! Kailangan ko talagang mag ingat.


Agad akong tumalikod sa kanya at naglakad na ngunit nararamadaman ko pa rin yung apat na presensiyang nakasunod sakin, mukhang sila yung nasa cafeteria kanina ah. Bahala sila, ililigaw ko na lang sila. Nang makita ko ang kotse ko, sumakay na ko dito at mabilis na pinaharurot ito at nakita ko naman na hindi agad sila nakasunod sakin. Nang makarating ako sa mansyon, nagderetso ako sa kwarto at nagpalit ng damit at humiga sa kama. Di ko namalayan na naka idlip na pala ako.


g_c_n_p_n
Thankyouuu!❤️

Comment