#46

Anton's pov:

Napakaganda ng panahon ngayon. Maliwanag na langit at sikat na sikat ang araw.

Hindi mo makikitaan ng kadiliman. Walang nagbabadyang ulan o bagyo.

Maliwanag man ang kalangitan...hindi parin maiiwasan ang pagdilim nito at pagbuhos ng malakas na ulan.

Nakakatawa na parang ayaw magpaulan ng million milliong tubig ng langit.

Nakatayo ako habang ninatanaw ang malawak na paligid dito sa ang opisina.

"Hindi na ako makapaghintay pa" bulong ko sa aking sarili at tumawa ng mahina

Tumunog ako aking telepono kaya naman kinuha ko ito sa aking bulsa.

"Mr. President, ano ang sadya mo?" Tanong ko.

"I just want to know kung kumusta na yung pagpapatayo sa tagaytay"

"Maayos naman ang takbo ng pagpapatayo sa tagaytay. Next week na ang susunod pagpapatayo duon"

"Okay, just update me kung may kailangan kayo, Anton"

"Don't worry too much, Mr. President. I can handle everything here, magpahinga ka muna. Wag mo ng alalahanin ang lahat dito"

"HAHAHA I can't do that but thank you for handling everything"

"Your welcome, Mr. President"

Natapos ang usapan namin duon. Nakatingin lang ako ng seryoso sa view na natatanaw ko mula dito sa opisina ko.

Matalik kong kaibigan si BongBong kahit hindi pa siya nun presidente. Ako ang inaya niya na maging vice president niya at nung nanalo siya ay nanalo rin ako sa botohan.

Lagi akong nandiyan kapag kailangan niya ng tulong at ganun din naman siya sa akin. Hindi ko maisip kung kailan ito nagsimula ngunit nagugustuhan ko ang nangyayari.

Ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako dapat ang presidente ng bansang ito. Ako dapat ang nasa taas at siya ang nasa baba.

Siguradong nakakaramdam din naman kayo ng galit at inggit kapag kayo ang nasa posisyon ko.

Hindi ko muna sasabihin kung saan ako humuhugot ng pagkagalit sa kaniya at sa pamilya niya.

"Makukuha ko rin ang lahat..." Malamig at madilim na sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng opisina ko.

Nabalik ako sa sarili ko nung may kumakatok sa pinto ko.

"Pasok" sigaw ko at bumukas naman ang pinto.

"Boss..."

"Ano yun?" Masiyado namang kating kati ang mga ito. Siguradong magtatanong na naman ito kung kailan na naman susugod.

"May bisita kayo" bisita? At sino naman anv taong iyan? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw.

"Papasukin mo" utos ko at lumabas naman ang tauhan ko para sunduin ang nasabing bisita.

Bumukas muli ang pinto at pumasok ang nasabing bisita. Nangunot ang noo ko dahil ngayon ko lang siya nakita.

Sino naman ang lalaking ito. Kung titignan ay nasa 50 plus na ang lalaking ito.

"Who are you?" I asked him. Naupo naman ito sa aking sofa.

Walang modo. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinagmamasdan ang kabuoan niya.

Masasabi ko na mayaman ang lalaking ito. May mga kasama rin siyang limang tauhan niya.

"What do you want?" I asked him again dahil hindi ito sumagot sa unang tanong ko.

"Have a seat first" he said at itinuro pa ang katapat na sofa. Ang lakas naman ng lalaking ito na utusan ako, hindi niya ba ako kilala.

Naupo naman ako sa katapat na sofa at nakakunot noo na tumingin sa kaniya.

"Sino ka at ano ang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Let me introduce myself first. I'm Frederick Adamos" sabi nito at inilahad sa akin ang kamay niya.

"Anton Gonzales" sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

"Ang galit, inggit at kapanghariyan na natatamasa ay hindi sapat kaya naghahangad pa ng mas mataas. Parang isang eroplano na may sira ngunit pilit paring pinapalipad"

Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito?

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I know you did it, Anton. Parehas tayong dalawa... naghahangad ng kapanghariyan."

"Sabihin mo na ang gusto mo, wag ka ng magpaligoyligoy pa" naiinis na ako sa matabil na dila nitong lalaking ito.

"Isa lang naman ang gusto ko. Magtulungan tayo. Magtulungan tayong pabagsakin sila" sino ba talaga ang lalaking ito?

"At bakit naman ako makikipagtulungan sayo? Hindi ko alam na may galit ka rin pala sa Presidente" I smirk. Pagkakataon nga naman. Hindi lang pala ako ang may galit sayo, Bong.

"HAHAHAHAHA" Tumawa ang lalaking nasa harapan ko. Ano naman kaya ang nakakatawa.

"Wala akong galit sa Presidente, Anton. Ikaw lang ang may galit sa kaniya. Alam ko na kailangan mo ng tulong ko dahil alam ko na hindi mo kayang patalsikin siya ng mag-isa" tangina nitong lalaking to. Iniinsulto niya ba ako?

"Wala akong galit sa Presidente at sa pamilya niya pero...sa matalik na kaibigan ng pamilya niya ako may galit." He said and smirk.

Sino naman kaya ang tinutukoy nito?

"Sino ang tinutukoy mo?"

"Ang mga Cardova..." Cardova? Narinig ko na ang salita na iyon...ang namumuno sa buong mafia.

"Nasa iisang bangka tayo, Anton. Hindi natin kailangang magtalo dahil nasa iisang lugar lang ang kaaway natin. Magtulungan tayo para mas mapadali ang lahat"

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Tinignan ko ang mukha niya at ngumiti siya at sininyas ang kamay niya.

Nagdalawang isip man ay kinamayan ko parin siya. Mas mabuti na may kakampi ako sa labang ito mas mapapadali ang lahat.

Comment