CHAPTER 1

Chapter 1

"Regina!" pumasok ng biglaan si Ali sa opisina ni Regina habang may kameeting ito. "Ali! Alam mong nasa meeting ako, mamaya na yung sasabihin mo" galit na saad ni Regina at pinagpatuloy ang meeting niya with the shareholders. Si Ali ay lumapit kay Regina para ibulong nalang ito. "Ali, I said, later!"

"It's your dad" bulong naman ni Ali, nagulat naman si Regina, lumingon siya mga shareholders, "I guess this is for now, meeting is adjourned. Let's continue next week."

Lahat ay tumayo na at isa isang nagsialisan. Nung wala ng tao ay kumuha si Regina ng wine at umupo sa upuan niya. "What about my dad?"

"Umuwi na siya, kakatawag niya lang sa akin and he wants to meet you"

"Okay, set a schedule then, he knows I'm a busy person, he'll understand right?" Regina said and took a sip from her wine glass. Hindi nagsalita si Ali at nagets agad ni Regina ang sitwasyon. "Oh, he means right now?" Agad naman tumango si Ali. "Where?"

"Actually, nasa condo mo"

"What the hell Ali? I clearly told him, he can go anywhere except my house! You told him the password?"

"I'm sorry Regina, wala na akong magawa, kahit sabihin ko na ayaw mo pinagbantaan niya akong kukunin niya ang foundation mo"

"Fuck!" Regina cursed, she slammed her table and stood up. "Let's go" Kinuha ni Regina ang bag niya at dali dali silang pumunta sa bahay nito.

Pagkadating nila ay bumungad sa kanila na nakaupo lang ang Dad niya sa couch habang umiinom ng wine. "You're late" saad nito. "I was in a meeting and you didn't call me, instead you called Ali. We have a deal Dad. You can't enter my house!" Napasigaw ng kunti si Regina at tumitig naman ang Dad niya sa kanya. Regina gulped and looked away. "Your house? Nakalimutan mo atang pera ko ang ginamit mo sa pagbili nito Regina Vanguardia" Tumayo naman ang Dad nito at lumapit kay Regina. "I hope you are doing a good job running your foundation or else I'm gonna take it back." nagkakatitigan silang dalawa, una ng umiwas si Regina.

"So why are you here?" tanong ni Regina

"I heard about your accident last week"

"It was nothing, Ali saved me"

Last week ay muntikan ng makidnap si Regina dahil sa kaaway ng dad niya at tinalo niya rin ito sa trial, last month.

"But it could happen again"

"Dad, I can take care of myself"

"Oh come on Regina" Her dad scoffed, "You are my only daughter and I need you to run my company and business"

Regina chuckles and looks at his secretary and back to his dad, "We both know you have your favorite" Regina backfired and looked at his dad's secretary.

"Still, you need to follow my orders"

Hindi na umimik si Regina at umupo nalang ng padabog. "So ano?"

"After that accident, hindi ko pwedeng iasa lahat kay Ali since he is your secretary and bodyguard. So, I am getting you a new bodyguard"

Parehong nagulat si Ali at Regina at nagkatinginan sila. "What the hell dad? Si Ali lang pinagkakatiwalaan ko and getting a new bodyguard won't help at all."

"I am not asking for your opinion, this is my order. Either you like it or not, you have a new one. She'll be here tomorrow, ipapasundo ko siya sa secretary ko, you better welcome her, she's can be trusted since I did a background check on her"

"Wait... she??her?? Babae?" naguguluhang tanong ni Regina

"You heard it right, she's an ex navy soldier so nothing to worry about. Well trained and disciplined. Be good to her. I'll take my leave" Umalis na ang dad nito at hindi na nakapagreklamo si Regina. "Fuck life" napasandal nalang ito sa couch sa inis.

>>>>

"Putangina roblox ambagal mo talaga magmaneho!" galit na saad ni Narda dahil malapit na siyang malate.

"Bat ka kasi nagpahatid sa akin eh nag offer na yung boss ng chauffeur"

"Ayaw ko sa pagmumukha non parang sinaniban ng di kilalang nilalang"

Natawa naman si Brian sa sinabi ni Narda, "So mas gwapo ako dun?" nagkunwari namang nasusuka si Narda "Hindi rin"

"Tangina nito, sige ka babagalan ko to"

"Ito na biro lang eh, bilisan mo na, paandarin mo lang yang siren mo para mabilis"

"Hoi gagamitin mo pa pagkapulis ko"

"Edi bilisan mo nalang!!"

Pagkadating nila sa building ay dali daling tumakbo si Narda sa loob di na nito nasara ang pintuan ng sasakyan. "Itong babaeng to, di man lang marunong magsara pagkatapos akong ginawang driver" Reklamo ni Brian at sinara ang pintuan.

Nasa labas na si Narda sa condo at agad naman inayos ang sarili nito. "Buti talaga di ako late" napabuntong hininga si Narda at pinindot na ang doorbell. Bumukas naman ito at bumungad si Ali na may dalang gamit ni Regina.

"Pasok ka" saad ni Ali, pumasok naman si Narda at dumiretso sila sa living room. May tumawag naman kay Ali at sinagot ito kaagad. Nililibot naman ni Narda ang kanyang paningin sa condo ni Regina at namangha ito sa ganda at linis nito. "Uhm,.." Nagsalita si Ali pero di alam ang pangalan ni Narda. "Ay sorry nakalimutan kong magpakilala." natawa naman si Narda at inabot ang kamay. "Narda Custodio pala, pedeng Narda nalang" saad nito.

"Ali, Ali Corpuz" nagshakehands naman ang dalawa. "Uhm Narda, pakisabi nalang kay Regina na mauuna na ako, nagkaproblema kasi sa foundation puntahan ko lang, ikaw na bahala sa kanya"

"Huh? Ah, oo sige" nilapag ni Ali ang gamit at dali daling umalis.

30 mins na ang dumaan at hindi pa lumabas si Regina. "Ang bagal naman nito" sabi ni Narda. Bigla namang bumukas ang pintuan at tumayo agad si Narda. Bumungad sa kanya ang napakangandang babae, at namangha ito.

Lord, bat ang ganda? Di naman kayo nagbigay ng sign edi sana mas ginandahan ko pa porma ko. Napakaganda sa lahat ng nakita ko. Ito na naman ako nababading.

"Hey!" nagsnap ng daliri si Regina pero nakatitig pa rin si Narda sa kanya. "Hey, down to earth!!" Agad naman napailing si Narda at kinuha agad ang gamit ni Regina.

Shettt, nakakahiya, hindi naman niya ako masisi kung ang ganda niya.

Narda cleared her throat and smiled at Regina, "Good morning Ma'am, Narda Custodio po, at your service"

Umirap lang si Regina, "Si Ali?"

Ang sungit naman pala nito, di ako nainform.

"Ah si sir Ali, umalis na po nagkaproblema daw sa foundation kaya mauuna po muna siya." Regina nods at lumakad na palabas, sumunod naman si Narda. Nung nakaabot naman sila sa elevator ay hinarap ni Regina si Narda. Nahuli na naman niyang nakatitig si Narda. "Stop staring at me, alam kong maganda ako."

Jusq, apaka- kapal ng peys ah, well ganda nga niya.

Comment