Day 7-Final Day


Kinalma ko ang sarili ko bago pumasok sa ospital diretso sa kwartong kanyang kinalalagyan. Isang buwan at kalahati na ang nakakalipas mula ng dalhin namin siya dito ngunit sa bawat araw na nandito siya ay lalo lamang siyang lumalala may mga pagkakataon pang nahihirapan kaming gisingin siya.


Isa't kalahating buwan na din akong nandito sa ospital at naging pangalawang tahanan ko na ito. Bumaba lamang ako kanina para bumili ng makakain namin.


Umakyat na ako papunta sa kwartong kinalalagayan niya pero bago ako pumasok ay kinalma ko muna ang sarili ko ilang beses akong bumuntong hininga at pinalalakas ang loob na huwag maiyak sa harap.


Ganoon ang gawain ko sa mga nakaraang araw na nandito kami. Bago ako pumasok ay hinuhugot ko lahat ng lakas ng loob na meron ako upang harapin siya. Nahihirapan man ako sa sitwasyon namin ay pilit kong tinatatagan ang loob ko para sa asawa ko na kumukuha sa akin ng lakas upang lumaban sa kanyang buhay.


Pagpasok ko ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog, maingat akong umupo sa tabi niya at pinakatitigan siya na lagi kong ginagawa kapag tulog siya at nagpapahinga.


Sinasaulo ko baka kasi hindi ko alam at huli na pala iyon.


Napakalaki na ng ipinayat niya dahil halos lahat ng pagkain ay inaayawan ng kanyang sistema dahil para lumala lalo ang kanyang kondisyon dahil lalong bumababa ang resistensya nito dahil sa hindi pagkain. Isa pa ay bumababa din ang platelets nito dahil sa mas madalas mag dugo ang ilong niya. Sobrang laki ng kanyang ipinayat pero kahit ganoon ay para sa akin siya parin ang pinaka gwapong lalaking nakilala ko.


Hinaplos ko ang buhok niya na puno ng pag-iingat bago ko patakan ng halik ang kanyang noo dahilan para magmulat siya ng mga mata niya.


"Nagising ba kita?" Malambing kong sabi habang patuloy paring hinahaplos ng puno ng pag-iingat ang kanyang buhok.


"Oo pero okay lang." Ngumiti ito sa akin. Hindi parin nagbabago ang kanyang ngiti ito parin ang pinakamagandang bagay na nakita ko bukod sa kagwapuhan niya.


"Gusto mo ba kumain?" Tanong ko sa kanya.


"Susubuan mo ako?" Parang batang tanong nito at ngumiti kaya ngumiti din akong tumatango.


Ganito lang ang araw namin sa nagdaang isa't kalahating buwan lagi kaming ngumiti sa isa't isa dahil sa pamamagitan noon ay nasasabi naming kaya namin ito.


Nanatili lang siyang nakahiga habang inaayos ko ang pagkain namin, ganoon na lamang siya nahihirapan na kasi siyang kumilos dahil sa bukod sa nanlalambot ito ay isang galaw o dali lang niya ay nagkakaroon na agad siya ng pasa at napakatagal bago ito mawala kaya hanggang ngayon ay puno pa rin ng pasa ang katawan niya although maliliit na lang ito hindi gaya noong unang linggo ng dalhin namin siya sa ospital.


Pagkaayos ng pagkain ay inilagay ko na ito sa tray na may standa na talaga ginawa para sa pagkain sa kama ng pasyente.


Inalalayan ko siya makaupo kahit kalahati lang ng likod niya at pinatungan ko na lamang ng unan upang hindi siya mangalay. Noong unang linggo ay nagagawa pa niyang maupo mag-isa pero sa pagdaan ng mga araw ay nahihirapan na itong igalaw ang katawan hanggang sa kinakailangan na niya ng tulong upang makakilos.


"Ang sarap naman talaga mag-alaga ng asawa ko." Pambobola nito ng maayos ko ang kanyang pwesto.


"Syempre naman ako pa!" Mayabang na sabi ko at itinaas pa ang aking kilay bilang pagsabay sa sinabi niya.


Bigla naman siyang sumeryoso. "Thank you Love. Thank you kasi hindi mo ako iniiwan kahit alam kong nahihirapan ka na sa kalagayan ko na kahit gusto mo ng sumuko ay hindi mo ginagawa. Salamat kasi lagi kang nandyan tuwing kailangan kita. Hindi mo ako iniiwan kahit sandali well minsan pag bumibili ka ng pagkain natin." Seryoso siya pero nagbiro din sa huli. Hindi pa rin siya nagbabago na kahit hirap na hirao na siya ay gunagawa siya ng paraan upang pagaanin ang loob ko kahit sa simpleng pagbibiro lang niya.


"Silly my love. Syempre hindi kita iiwan no, hinding hindi ako mag-sasawang alagaan ka at samahan ka, willing na willing ako at kahit kailan hindi ko naisip na sumuko o sukuan ka kasi hindi kakayanin ng sistema at puso ko kung gagawin ko iyon mahal na mahal kita." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinatakan ng damping halik ang kanyang labi kaya napangiti siya. "From the day i said i love you, from the day i confessed my feeling on you, since the day i laid my eyes on you i know that you're the one i've been searching and looking for, even though faith tried to parted us we still fight and now this day as i promise in front of God, i promise to love you, to be with you, to cherish you, to take care of you and to be the best wife you could imagined. I love you and i am sealing this vow by the ring i gave you. I love you till the day of my last breath."


"I really love hearing your vow, kahit ilang beses mo ng inuulit iyon tuwing sinasabi ko sayo ang paulit ulit na bagay gaya nalang ng kanina ay paulit ulit mo ring sinasabi iyan. I love you too, my best wife i could imagined of." Inilapit ko ang noo ko sa kanyang labi dahil hindi niya kayang gumalaw mag-isa sa pagdampi noo ay ang pagtulo ng napakasaganang mga luha sa aking mga mata at sa pagbitiw niya ay doon ko din nakita ang mga luhang masagang lumalabas sa kanyang mga mata.


Pinunasan ko ang luha niya bago ang akin. Nagkatitigan kami bago sabay na natawa.


Ilang araw ang lumipas at sa bawat araw na iyon ay mas lalong lumalala ang kanyang kondisyon pero lahat kami ay kumakapit sa napakaliit na pag-asang mabubuhay siya.


Sa bawat oras ay naririnig namin ang daing ng pagsakit niya ayon kami at napapaluha na lamang sa labas ng kanyang kwarto habang pinakikinggan ang mga sigaw niya dahil sa sakit.


Lumalala ng lumalala ang kanyang kondisyon hanggang sa unti unti ng nalakagas ang kanyang buhok at nakanipis na nito ngayon.


Bawat araw at oras na lumipas ay walang pagbabagong nagyayari sa kanyang kalagayan lalo lamang itong lumalala hanggang sa sabihin sa amin ng doktor na anumang araw ay maaaring hindi na namin siya makasama.


Maghihintay na lamang daw kami ng oras kung kailan siya kunin dahik kahit anong gawin namin hindi nanamjn maagapan ang kondisyon niya o mapagaling man lang.


Kahit pa itaya o ubusin ko ang yaman ko at yaman niya ay hindi iyon makakatulong dahil hindi pera ang kailangan namin ngayon kung hindi dasal at pananalig sa diyos.


Hindi na din tinatanggap ng kanyang katawan ang pagkain kaya kinakailangan siyang turukan upang hindi siya kahit papaano magutom.


Lalong dumami ang kanyang mga pasa dahil sa pagtuturok sa kanya ng pagkain at gamot na makakatulong sa kanya kahit papaano pero hindi makakapagpagaling.


Lumuhod ako sa harap ng altar ng makapasok ako sa chapel ng ospital. Nag-sign of the cross muna ako at nagdasal.


"Lord baka naman pwedeng huwag muna, baka naman pwedeng bonus mo na siya sa amin, baka naman pwede pakitagalan pa? Baka naman po oh. Nagmamakaawa ako diyos ko pahabain niyo sana ang kanyang buhay huwag niyo muna siyang kunin sa amin, parang awa niyo na, nagmamakaawa ako oh diyos ko. Marami na siyang naranasang hirap mula pagkabata niya kaya naman baka naman po pwedeng ibalato niyo nalang ang pangalawang buhay sa kanya? Naging mabuti naman siya anak, kapatid, kaibigan at asawa baka naman pwede niyo siyang likdangan dyan sa listahan niyo? Napakabuti niyang tao lord hindi niya deserve ang paghihirap na nararanasan niya ngayon. Alam kong pagsubok ito upang maging matatag kami pero baka pwedeng time-out na hindi na namin kayang makita siya nahihirapan, hindi na namin kayang marinig ang sigaw niyang puno ng sakit at paghihirap, hindi namin kayang makita siya sa ganoong sitwasyon. Kaya please po, pakiusap, kudasai, jeball lahat na po ng salitang maaring maging kahulugan ang pakiusap, sana ho ay pagalingin niyo na siya kinuha niyo na nga ang best friend ko ng hindi ko nalalaman tapos ngayon binigyan niyo ako ng bagong pamilya kukunin niyo naman? Huwag ganoon lord. Tama na please hindi ko na kaya lord. Hindi ko pa kayang mawala siya sa akin, sa amin. Nagmamakaawa ako lord."


Humagulgol ako at rinig na rinig iyon sa bawat sulok ng chapel na iyon mabuti na lamang at ako lamang mag-isa kaya wala akong maiistorbong mga taong nagdadasal at kaya malakas din ang loob kong humagulgol ng malakas. Baka sakaling kapag narinig niya ang hinagpis ko ay pagbigyan niya ako.


Hindi ko kaya lord. Huwag mo siyang kuhanin please. Hindi ko kaya, hinding hindi ko kakayanin.


Tumayo na ako pagkatapos kong magmakaawa at magdasal sa panginoon ay napagdesisyunan kong lumabas na pero apgtayo ko ah nakaramdam ako ng hilo pero maya maya lang ay nawala na din iyon kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Baka gutom lang.


Pero bawat paghakbang ko ay bumabalik ang hilo ko at nasa kalagitnaan na ako ng hallway ng mawalan ako ng malay pero bago iyon ay narinig ko ang sigaw ng isang lalaking pamilyar ang boses.


Namulat ako sa kwartong hindi sa akin pamilyar pero dahil sa istraktura at disenyo nito alam kong nasa isa ako sa kwarto ng ospital nilibot ko ang paningin ako ngunit wala akong nakitang kahit sino.


Nakatulala lamang ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tita Nicole, ang ina ni Nichelle. Agad itong tumakbo papunta sa akin.


"Oh my gosh! Finally you're awake!" Agad niya akong sinuri. "Okay ka na ba?" Nag aalalang tanong nito.


"Opo ayus lang po ako." Nginitian ko ito. "Ano po palang nangyari sa akin?"


"Tungkol dyan hija intayin natin ang doktor." Sakto namang bumukas na ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaking pamilyar sa akin ngunit hindi ko matandaan. "Oh heto na pala siya."


Lumapit siya sa akin at nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ito. "Hi it's been so long since the last time we saw each other." Ngumiti ito ng natural.


"Y-yeah." Wala akong masabi kung hindi iyon. "So ikaw ang doktor ko? Ikaw din ba yung lalaking sumigaw kanina?" Tanong ko kay Jake. Yes! It's Jake my ex, ang lalaking ginamit ko noong una upang makalimutan ang asawa ko, ang lalaking ginawa kong rebound noon, ang lalaking kahit papaano ay minahal ko noon.


"Ahm yep ako yung sumalo sayo pero hindi ako ang doktor mo yung asawa ko." Nagulat ako sa sinabi niya at para kumpirmahin ang sinabi niya ay itinaas niya ang kanyang daliri at masayang winagayway iyon sa aking harapan.


"Congrats so happy for you." Sinsero kong sabi. "I'm sorry nga pala sa lahat ng ginawa ko sayo noon pero maniwala ka minahal din kita kahit papaano." Paliwanag ko sa kanya.


Lumapit naman siya sa akin at natatawang ginulo ang aking buhok. "Ano ka ba wala iyon. No Hard feelings kung baga. Matagal na yun i moved on and so you are so quitz na tayo." Sabi nito.


Lumayo na siya sa akin at saktong bumukas ang pinto agad nialpitan ni Jake ang babaeng dumating na sa tingin ko ay asawa niya at siyang doktor na tumingin sa akin.


"Hi i am Celine Walbes Pedrajeras and yes to answer your question i am Jake Pedrajeras' wife. Nice to meet you." Inabot nito ang kamay at malugod ko namang tinanggap ito.


"Nice to meet you too. By the way ano bang nangyari sa akin?" Tanong ko.


"Ahmm about that Congratulations." Agad naman akong nagtaka dahil sa mga bagay na nangyayari ngayon ay walang kacongratu-gratulate


"What do you mean Doc?" Nakakunot ang noo ko at itinaas ko pa ang aking kilay.


"You're eight weeks pregnant congratulations to you and to your husband." Magandang ngiti ang ipinakita nito.


Napaluha naman ako at naramdaman ko ang yakap ni Tita Nicole sa akin bago ibinulong ang congratations.


Magkakaanak na kami, hindi parin ako makapaniwala, nagkaroon kami ng bunga ibig sabihin ay magkakaroon nanaman siya ng bagong lakas upang lumaban.


Kapit ka lang anak sasamahan natin si Daddy na lumaban. Tayo ang magiging lakas niya.


Ipinaliwanag naman ni Doc. Celine ang mga dapat at di-dapat kong gawin at kainin habang nagbubuntis. Pagkatapos niyang magpaliwanag ay saktong bumukas ng padabog ang pinto.


Iniluwa noon si Nichelle na nagmamadali dahilan upang bumakas ang pag-aalala sa aking sistema.


"Oh Nichelle!" Gulat na sabi mi Celine. Hindi ko alam na magkakilala pala sila.


"What happened?" Nagsisimula ng manginig sa takot ang sistema ko.


"S-si Ivan kailangan ka ni Ivan." Malungkot na sabi nito kaya napabangon ako at bumaba sa higaan bago maingat na tumakbo papunta sa kwartong tinutuluyan ng aking asawa.


Habang tumatakbo ng maingat ay hindi ko maiwasang manlamaig. Ito na ba iyon? Huwag naman sana. Huwag naman naman lord. Huwag ngayong magkakaanak na kami.


Sa pagdating ko sa tapat ng kanyang kwarto ay rinig na rinig ko ang kaguluhan lalo na ang iyak ng kanyang pamilya at tunog ng machine na nagflat-line.


"Love fight! Please fight! Kaya mo yan! Lumaban ka pa! Magkakaanak na tayo kaya lumaban ka! Gusto mo siyang makita diba? Gusto mong makita ang paglaki niya! Kaya please lumaban ka! Magkakaanak na tayo! Lumaban ka please!" Kinalampag ko ang pintuan habang inaalalayan ako ng ama niya upang hindi matumba.


Patuloy lamang ako sa pagmamakaawa sa kanya na lumaban tumagak iyon ng ilang minuto ngunit walang nagbago sa monitor nito maingay parin at ayaw ko iyong marinig dahil ang ingay na iyon ang nagpapatunay na wala na ang asawa ko.


Tuluyan na niya kaming iniwan. Walana siya. Bumitiw na siya kung kailan magkakaanak na kami.


Napuno ng pagtangis ang buong silid hanggang sa lumapit na kami sa kanyang katawang wala ng buhay. Yumakap si Mama kay Papa ng makita si Icarus lumapit sila isa isa dito hanggang sa ako naman.


Pagkalapit ko ay agad kong hinalikan ang kanyang labi at yumakap sa kanya.


Wala na ang asawa ko, ang ama ng anak ko. Patuloy akong umiiyak habang nakayakap sa kanya. Sa sandaling iyon hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang narinig ang boses ng aking asawa.


"From this day i promise to be with you in every moment of your life, kahit anong mangyari ay nandito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan, hindi kita iiwan kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo, aalalayan ka sa lahat ng desisyon mo, sa mga alalahanin mo lagi mong tandaan na nandito lang ako laging nakantabay at aalalay sa iyo. I love you love and will do everything i can to fulfill my promise to you with all my might. I love you"


Napahagulgol ako lalo dahil alam kong sa mga oras na ito ay tutuparin parin ng asawa ko ang kanyang pangako sa akin sa harap ng altar at ng Diyos noong ikinasal kami.


Lagi siyang nandyan at nakabantay sa akin hindi ko man siya makita ay mararamdaman ko parin ang kanyang pagmamahal at suporta sa akin gaya ng pangako niya na kahit anong mangyari ay hindi niya ako iiwan at pababayaan.


Maya maya ay dumating na ang staff ng ospital upang kuhanin ang labi niya at ginawa ko iyong pagkakataon upang sa huling beses ay mahalikan at mayakap ko siya sa pagbitiw ko sa kanyang labi ay ang pangako ko sa kanya simula ngayon.


I am Allyshier Gwyneth Tehades-Febrios promising infront of my husband's corpse to fulfill my new duty as a mother to our child and be with him until the last hundred days of my life finally end.


The end.


***


"Expect this things to happen. Sa bawat taong umalis ay may bagong dadating na magbibigay ng panibagong pag-asa at saya sa buhay mo."

Comment