Prologue

Naka upo silang mag-anak sa sofa sa kanilang napakalaking sala sa mansyon ng kanilang apat na nai nai (Lola). Ipinatawag na naman sila ng kanilang nai nai. Hindi ito ang una at alam nilang hindi din ito ang huli.


"Nai nai." malambing na pagkakabigkas ni Pierre na nagbabakasakaling hindi mapagalitan ng abuela. Ngunit nagkamali siya ng akala.


"Wag mo akong madala-dala sa paglalambing mo Pierre. Kailan ba kasi kayo magpapakasal? Lalo na ikaw Kaizer. Alam mo ang tungkol sa sumpa." banggit ni Madame Cassandra. Ang Lola ni Kaizer.


"La, I am still looking for a suitable bride. Please wait for a few days or weeks Nai nai. I will find her. I promise." sagot ni Kaizer na umaasa namang maibsan kahit konti ang pangamba ng kanyang nai nai. 


"Hindi na ako mapakali Kaizer lalo na at alam kong ikaw na lang ang nag-iisa kong apo. Ayokong pati ikaw ay mawala sa akin." tila naiiyak na sambit ni Cassandra. Tama na na nawala sa kanya ang dalawang anak. Ayaw niyang pati ang apo niya ay mawala rin sa kanya.


Naiintindihan naman ni Kaizer ang damdamin ng kanyang nai nai. At ayaw niyang madagdagan ang iniisip ng kanyang minamahal na nai nai. Kung may isang babae mang mahalaga kay Kaizer yun ay ang mga nai nai niya.


Ayaw niyang magpakasal lalo na at wala pa ang hinihintay niyang babae ngunit kailangan na niyang kumilos lalo na't malapit na ang pagsapit ng kanya 33 na kaarawan. The Worst Day of His Life.


Ang kanilang lahi ay isinumpa sa hindi malamang dahilan. Marami nang namatay sa lahi nila dahil hindi ito nakapag-asawa bago sumapit ang ika-33 kaarawan nila. Isa na rito ang anak ni Cassandra na kapatid ng ina ni Kaizer. At hindi niya nais na mangyari din yun sa kanya. Kaya gagawin niya ang lahat wag lang maranasan ang sumpa sa kanilang pamilya.

  • Chapter list
  • Setting
    Background color
    Font
    Font size
    Frame width
    Spacing
  • Info
  • Comment
Comment