Chapter 4 (To come)

Ashtherielle's POV


"Kuyaaa!?"


Lumapit naman agad ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit


"Surprise"


"Mabuti naman at na isipan mo pang umuwi"



He's a pilot, kaya minsan lang talaga siya kung maka uwi


"Of course, Miss ko na kayong lahat that's why"


"Na miss ko din ang mukha mong unggoy ka"
Saad ko at hinampas sya


"Ouch! What is that for?"
Daing naman niya


"Welcome Home"
I smiled at tumakbo papasok sa bahay


"Hoy chimpanzee kahit pagod ako  mahahabol din kitaa!!"


Mas binilisan ko pa ang takbo dahil sobrang bilis ni kuya at malapit na akong ma abutan


"Hep hep hep, kayong dalawa nagsisimula na naman kayo"
Saway ni mama nung makita niya na naghahabulan kami ni kuya


"Wag kayong malikot na parang mga bata, nagluluto ang mama niyo"
Saad naman ni papa dahil naka abot na kami sa kusina ni kuya


"Got ya"


"Aaaah!!"
Aigaw ko ng mahabol ako ni kuya


"Okay, stop it already kakain na tayo"
Sinunod naman namin ang sinabi ni Mama at nag prepare na ng table


"Ambilis mo na tumakbo ash"


"It's either gumaling ako or tumanda kana kuya HAHAHAHA"


"Your energy is firing up, hindi ka ba napagod sa flight mo Xand? And you ash, hindi ka ba napagod sa trabaho mo"
Tanong ni papa


"I'm tired dad pero nanguna tong si ash, syempre hindi ako magpapatalo"
Tumingin naman si papa sa akin


"Pagod talaga ako dad, madaming mga ganap kanina sa hospital"


"You really missed each other huh? Kahit pagod nakuha paring maghabulan"


"Dinner is ready"
Tumingin kami kay mama ng
ipinatong niya  ang sobrang masasarap na mga pagkain sa table


"Wow mom, namiss ko ang mga luto mo"


"I've made it more special dahil umuwi ka"


"Aww, you're so sweet mom. Thank you."


"Matikman  na nga natin mas pina-special na recipe ni mama para sa special child-- este sa espesyal na si kuya"


Kuya just glared at me


"Kainan naa!!!!"
I said and we start eating the foods that are prepared by my mom


"Mmmmm... Ang sarap nga mom. No wonder you're the best chef  in this city."


"Syempre naman kuya, si mom pa ba? Eh walang tatalo dyan, diba dad?"


"Yes of course sweetie, your mom is the bestest!"


"Ay sus, nambola pa kayo. Kumain  nalang  nga kayo dyan."


"Oiyyy, namumula si mom"


"HAHAHAHAHAHHAAH"


Lahat kami ay nagtawanan at masayang kumain sa hapag


----------


*


Alarm rings*


Nang mag ring ang alarm ko ay bumangon na kaagad ako at tumingin sa orasan


5:00 am


Maaga pa pero kailangan ko na mag ayos dahil kailangan ko pa na magtrabaho. Inayos ko ang kama ko at pilit na pumunta na sa banyo upang maligo at mawala ang antok ko.


After I'm done taking a bath, I did my morning routine. I did my hair, my light make-up and I'm ready to go. Bumababa na ako upang kumain ng almusal.


"You're going to work na? It's too early"
I shifted my gaze to kuya na nasa kitchen umiinom ng kape.


"Yeah, it's too early"
I said at kinuha ang toast ni kuya


"Gotta go, bye"


"You're not gonna eat?"


"I'm eating your toast"


"Yan lang? Maaga pa naman, sit down at kumain ka dito"


"Ma l-late na ako kuya"


"it's 5:30 in the morning, hindi ka ma l-late nyan. Kumain ka muna dito, I'll make you a breakfast. 'Di ka ma aabutan ng traffic kung kakain ka ng ilang minuto."


"Okay fine"
I pouted at pumunta na sa table


Err, I have no choice, pagalitan pa ako neto mamaya eh. Takot parin ako sa kaniya noh kahit unggoy yan at minsan lang sweet yan.


"What do you want? Pb and j toast with expresso?"


"Yes please"


Minsan lang namin makasama si kuya but still di niya parin nakaklimutang ang mga favorites ko. Alam niya parin ang mga gusto namin. Everytime na pwede siyang umuwi, uuwi talaga yan. Unggoy nga yan pero sweet din minsan.


I sat at his chair and  take a sip with his coffee.


"Hey, that's mine"
Sambit niya ng makita niya na ininuman ko ang kape niya. Tss, still a latte lover.


Nakarinig naman ako ng mga yapak papunta dito


"Good morning sweet heart"
Bati ni mom and dad sa amin ni kuya


"Morning mom, morning dad"


"Hey mom, hey dad. Good morning"
Bati din ni kuya


"Woah, is your kuya preparing a breakfast?"
Hindi makapaniwalang tanong ni mama


"Yes mom, I am. So just relax there"


"Oh, may himala ah"
Saad ni dad


"Ash, hindi ka nagmamadali?"
Tanong ni dad sa akin


"Hinarangan ako ni kuya eh"


" May himala. Ano ang meron ngayon ba't madaming himala?"
Sambit ni mom na parang na a-amaze at sobrang hindi makapaniwala


"Mom, palagi ba yan nagmamadali?"


"Tinanong mo pa, eh halos di na yan kumakain ng breakfast. Minsan kukuha lang yan ng toast aalis na, palaging nagmamadali. Minsan naman may himala din na nagaganap, siya ang nag pre-prepare ng pagkain o di kaya minsan di soya nagmamadali at sinasamahan kami na kumain"


"Ash"
Kuya called my name while glaring at me


"Eh kuya, I'm a doctor, I'm a surgeon. Busy ako at kailangan ko na maging maaga na dumating sa hospital. I'm trying my best naman na mag prepare at makasamang kumain sila mom. Sometimes talaga pagod ako at nal-late ako ng gising kaya nagmamadali ako. Minsan nga late na talaga ako"


"And?"
Sambit ni kuya at tinaasan ako  ng kilay


"And hindi ako nagpapagutom."
Dugtong ko sa kaniya


"Always remember  to think about yourself and your family. Not just about your career"
Saad niya habang nilalagay ang pagkain na niluto niya sa hapag.


"Noted"


----------


Pagkatapos naming kumain umalis na agad ako at pumunta na sa trabaho dahil baka ma abutan naman ako ng traffic


"Wooh! 6:00 am straight. Not bad"
Swerte ko naman dahil di ako na abutan ng mabigat na traffic at maaga pa din na naka abot sa hospital


"Good morning dr. Diaz"
Thyne greeted nang nagtungo ako sa nurse desk


"Good morning too Thyne"


"What's my sched today?"


"Valve replacement for Mr. Valdez, room 2203"


"What O.R is free?"


"O.R  2"


"Okay, book the O.R 2 please. Thank you"


"And oh, please page Dr. Mirafuentes"


Patungo ako sa  room ni Mr. Valdez nang makita ko Hade


"Hade!"
He turn his sight to me  and walked towards me


"Ash, good morning"


"Good morning too, btw I'm preparing for surgery today did you recieve the page? You're scrubbing in right?"


"Yes yes of course I'm scrubbing in"


"Good, papunta na ako sa room ni Mr. Valdez to prep him. Sabay na tayo"
Tumango siya at dumeretso na kami sa room ni Mr. Valdez


" Good morning Mr. Valdez"


"Good morning doc"


"It's your schedule for surgery and doc. Mirafuentes will prep you"


I left the room and nag ayos na ng sarili. After I wear my scrubs, dumiretso na ako sa
O.R


"All ready?"
Tanong ko kay Hade. We are  washing our hands before doing the surgery


"Yes naman"


We entered the O.R and the scrub nurse dressed us up


"Okay everyone, It's a beautiful morning to save lives"
I said and started the operation


I look at Hade na nasatabi ko and he looked back while smiling


"Scalpel"
I said and Hade- as my assistant surgeon gave me the scalpel


-----------


"Nice work Ash"


"Excellent work Dr. Mirafuentes"


"Aaaahhh"
Hade said while stretching


"Standing there for how many hours really suck"
Reklamo niya


Tss, ilang taon na siyang ginagawa to tas di parin na sanay


"Yeah, but that feeling fades away when you see your patient survive the surgery"


"Pano pag hindi?"


Inirapan ko naman siya dahil sa walang kwenta niyang tanong


"Why? Totoo naman, pano pag hindi? Pano pag oras niya na talaga?"


"Edi doble yung pagod. Basic"


"But still it fades away when you know you did your very best to save them"
Dagdag ko pa


Napatigil naman kami ng madaanan namin ang board


Not just a simple board, it's a board where all the schedule of surgeries are written


"Oooh, an empty board"


"Means a bad day"


"Less surgery, bad day"


Tinapik ko si Hade dahil sa sinabi niya


"Hoy, pasalamat ka nga kasi maliit lang ang surgery edi maliit din na tao ang nasa panganib at  di ka mapapagod. Tss, ilang oras pa nga lang sa O.R parang aatakihin ka na ng arthritis"


"Ang sama ng ugali mo"


"Che! Umalis ka na nga at mag pahinga ka na dahil ang arthritis mo aatake na"


Umalis naman siya at ako, andito parin nakatunganga sa board


I erased my scheduled surgery that's done on the board and left.


Naglalakad ako ng makita ko na may nagkukumpulan sa harap ng office ni Dr. Loui which is our chief-- I mean the new President of the Hospital.


"Psst, hoy ano ang ginagawa niyo dito?"
Bulong ko kay Alezia


Aba present na present ang mga chismoso't chismosa. Andyan si Hade, Alezia Miranda at Blaze


"Di mo ba narinig? "


"Kalat na kalat kaya ang balita''
Singit ni Miranda


"Ang? I did a valve replacement first thing of the day di ko alam ang chika"


"Ah uh, not an excuse. I assited you kanina pero still di ako huli sa balita"


"Di naman ako chismoso gaya mo.... So ano na nga ang sinisilip silip niyo dyan?"


"Dyan.."
Turo ni Alezia sa office ni Dr. Loui


"Oh? Ano naman dyan?''
Sagot ko habang sumisilip din sa office ni Dr. Loui


"Sa office na yan, nandyan ang bagong head ng cardiothoracic"


"Ah, so nakita niyo na kung sino?"


"Kaya nga kami nandito ash. Syempre di pa"


Umalis ako sa pakikipagkumpulan din sa kanila at umupo na lamang sa upuan na nasa tabi lang nila


*door opens*


Dali-dali naman silang nag acting na parang may ginagawa nang bumukas ang pinto ng office ni Dr. Loui at iniluwa si chief


"Uh, Dr. Diaz can you come here"
Nagulat ako ng bigla akong tinawag ni Chief


Naka upo lang naman ako dito eh sila yung nakikichismis tas ako pa ngayon tong tinawag


Tiningnan ko sila Hade na nakatitig sa akin na pilit pinipigilan ang tawa. Tumayo nalang ako at pumunta kay chief


"Yes chief?"


"Can call all the cardiothoracic surgeons now? Di ka naman mahihirapan since nandyan lang naman sila sa labas"
Saad ni chief at  tinitigan ang mga nagkukumpulan na tinititigan ko din ngayon


Huli kayo balbon!


"Uh, para po sa ano?"
Taning ko habang tinititigan si chief


Inilipat naman niya ang titig sa akin at sumagot


"For a meeting, I'll introduce the new head of the department"


"Copy chief"
Sagot ko at umalis na


"May meet--"


"So ano ash? Nakita mo ba?"
Tanong ni miranda


"Ano ang itsura? Babae ba o lalaki? Pogi ba o maganda?"
Tanong naman ni Alezia


"Te- teka, teka lang muna ha. Isa isa lang mahina kalaban"
Reklamo ko dahil atat na atat mga mare ninyo


"Una hindi ko nakita, at pangalawa di ko alam kolung babae o lalaki dahil hindi ko nga nakita"


"May meeting daw sabi ni chief ngayon kaya sabay saby nating makikita kung sino siya"


Naglakad na kami patungo sa office ni Dr. Loui at nagsiupuan na upang makinig kay chief


May isang lalaki na nakikipag usap kay Dr. Loui. So lalaki ang bagong head and hmmm.. familliar ang built niya. San ko nga to nakita?


"Mga mars, fafi"


"Hoy, itago mo muna yang pagkaharot mo Alezia ha"
Saway ni Miranda kay Alezia


*scoffs*


"Excuse me everyone, may I get your attention?"


Lahat kami ay tumingin kay chief na nagsasalita


"So today I want all of you to meet the new head of the Cardiothoracic Department.... Dr. Zrain Montegomery the brother of Dr. Loui Montegomery and the son of Dr. Alex Montegomery"


Humarap naman ang lalaki na kinakausap ni Dr. Loui at pumunta sa gitna


"Mga mare, fafi nga. Ampogi naman mars di ko keri"


"Hoy Alezia ang ingay mo"
Saway ulit ni miranda sa kaniya


"Good Morning ladies and gentleman, I'm Zrain Montegomery.. The new head of Cardiothoracic Department"


So anak din ni Dr. Alex?


-----------
Hi! I hope you enjoy reading my story! Sorry for some errors. Please support me <3
It would be a tremendous help to me if you read and vote my story,
leave a comment and add it to your library and reading list. Lovelots !


!Plagiarism is a Crime!































Comment